Ang kabanatang ito ay Unedited.••••••
Airi Miura
"Bakit ba parang stress na stress ka friend? May problema ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Ella. Napailing nalang ulit ako saka sinobsob ang sarili kung mukha sa mesa ng canteen.
Anong gagawin ko? Binantaan ako ni Mr. Peijhie, Kahit ako dapat ang galit dito kasi ninakaw niya ang kinaiingatan ko ay bakit siya pa tong nanakot sa akin? Argg!
"Ewan ko sayo. Pero alam mo friend? Ang gwapo ng Mr. Peijhie na yun! Kiyaah!" Nagsimula ng tumili ng tumili si Ella. Medyo naririndi na ako pero hinayaan ko nalang kesa sa kulitin niya ako ngayon.
Gwapo? Oo alam ko, Pero biggest turn-off ang ginawa niyang pagbabanta sa akin. Natatakot tuloy akong umuwi mamaya. Lalo na at hindi ko palaging sabay si Ella kapag umuuwi. Argg!
"Hi, Pwede maki-upo?" Nagangat ako ng tingin sa babae, Mataas ang buhok at may sout na glasess, Inshort para siyang nerd na may taste of style. May ganito pa pala? Tumango ako bilang sagot kaya umupo siya sa harapan namin ni Ella.
"Ako nga pala si Dannica. Nica for short." Pakilala nito sa amin.
"Ella, and this Airi. Nice meeting you, Bago ka ba dito?" Gusto kung batukan si Ella dahil hindi man lang siya nahiya. Tranferee kami dito pero kung makipagusap tong si Ella akala mo ay Old student. Nakakahiya!
"Nope. Dito na ako nagaral since Highschool ako, Bakit?" Kumislap ang mga mata ni Ella, Kating-kati na siguro ito na magtanong. Habang ako? Tahimik akong nagbabasa dito. Same as nakikinig sa usapan nila.
"Kilala mo si Mr. Peijhie?" Sabi na nga ba eh. Yung stupido na lalake ang etatanong niya.
"Ahm.. Actually kapatid ko siya."
"Kapatid?!" Gulat na sigaw ko kaya napatingin sa akin ang mga tao dito sa cafeteria. Ghad! Nakakahiya ka Airi!
"A-Ah, Oo. Gusto niyo magkwento ako tungkol kay Kuya?" Hindi ako kumibo pero tinakpan ang aking mukha gamit ang libro.
"Sige! Oo! Sure! Kwentuhan mo ako, Ang gwapo kasi ng Kuya mo!"
Nakita kung huminga ng malalim si Nica bago nagsalita. "Si Kuya? Hmm. Siya si Hugo Smith Peijhie, Sikat dito si Kuya. Madami siyang fans o fanclubs dito. At saka, Isa si kuya sa bokalista ng banda dito, ang light drag. Isa rin siyang Varisty player dito sa Univeristy. And sabi-sabi dito na playboy si Kuya. Pero no! Harmful si Kuya Smith." Mahabang pakilala ni Nica sa Kuya niya.
'Humanda ka sa akin'
Ramdam ko ang pamumutla ko dahil naalala ko nanaman ang panbabanta sa akin ni Hugo. Arg! Hindi ko talaga alam kung uuwi ba ako o dito nalang matulog forever. Baka kasi makasalubong ko ang lalakeng yun saka bigla akong epasalvage.
"Ang gwapo ng kuya mo! Kiyaah! May girlfriend ba siya?" Tanong ni Ella saka tumabi na talaga kay Nica.
Nilapag ko ang libro ko saka inubos ang pagkain sa Tray. Yun? May girlfriend? Tsk. Kawawa ang magiging girlfriend ng Hugo na yun.
"Walang girlfriend si Kuya."
*ubo*ubo*
Agad akong inabutan ni Ella ng tubig agad ko naman itong ininom, geez! Nagulat ako nun ah? Pero si Forth walang girlfriend? Palibhasa, Masungit yun at magnanakaw.
Magnanakaw ng halik! Tsk!
"Dugyot mo Friend. Nabulunan na naman bigla? Tsk." Suway sa akin ni Ella, Inirapan ko lang siya saka umayos ng upo.
"Alam niyo, Umalis na tayo kasi baka malate tayo sa next class natin." Paalala ko sa kanilang dalawa. Tumango naman sila o kaya sumangayon.
Napabuntong hininga ako habang naglalakad, Medyo nanginginig rin ako ng madaanan namin ang detention room. Ano kaya ang ginagawa niya? Tumakas kaya siya?
Napailing ako, Hindi ko dapat siya isipin. Nakakatakot ang lalakeng yun. Harmful pero parang nangangagat. Binataan rin ako, Killer yata yun eh.
Napahinga naman ako ng maluwag ng pagpasok namin sa Classroom ay wala pa ang Teacher sa Mathemathics.
Nasa harapan nakaupo si Nica kaya hindi na kami medyo nagkausap, Wala ring friends masyado si Nica dito kahit kapatid siya ng sikat na si Hugo.
Habang kami naman ni Ella ay nasa likuran pa rin nakaupo. Mas maganda kasi dito para hindi ka agad makita ng teacher mo kapag may ginagawa kang kung ano-ano.
"Now, Our going to discuss about—"
Sinandal ko nalang ang ulo ko saka sinulat ang lahat ng sinabi ng Math Teacher. At pilit na inaalis ang mga nangyari kanina lang.
@Chescake
-So Phie Lugsanay
End of 004