Ang kabanatang ito ay Unedited.••••••
Airi Miura
"Ano ba, friend! Kailangan ko ng umalis eh!" Aalis na sana ulit si Ella kaso agad ko siyang hinila braso. No! No! Never. Hindi ako pwede maiwan dito magisa.
"Mamaya na please, Pagnakasakay na ako ng jeep." Pakiusap ko kay Ella, Pero hindi ito effective, Kasi winaksi niya na ang kamay ko sa braso niya saka iniwan na ako. Arg!
Inayos ko ang pagkahawak sa strap ng backpack ko saka huminga ng malalim.
Mag-isa na ako ngayon dito sa jeep-waiting-area. Umuwi na rin kasi si Nica, Pero sabi rin ni Nica na hindi niya daw kasabay ang Kuya niya pauwi kasi may dadaanan daw ito.
Kaya one-hundred-percent ang kaba ko ngayon dahil baka ako ang dadaanan ng Kuya niya. Argg!
Mga sampung minuto na yata ako dito, Medyo na bo-bored na ako dito kaya kinuha ko ang libro ko sa bag ko at nagbasa.
Medyo umiitim na din ang langit, Uulan yata mamaya o kaya ngayon. Wala pa naman akong dalang payong kasi hindi ako updated na uulan ngayon araw. Sigh..
Umupo ako sa bench area saka sinandal ang ulo ko.
"Hoy!"
Nanlaki ang mga mata ko at Mas mabilis pa sa alas-kuwarto ay umalis na ako sa Jeep area. Kilala ko ang boses na yun at abot langit ang kaba ngayon sa puso ko.
Sana di niya ako ma-abutan.
Sana di niya ako ma-abutan.
Sana di niya ako ma-abutan.
Sana di niya ako ma-abut—
"Ahhh! Wag please!" Hinila niya ako sa braso saka kinarga ng parang sako, Nahulog ko rin ang libro na hawak ko kaya ngi-ngiyakngiyak akong sumisigaw.
"Hugo! Ebaba mo ako. Ang libro ko!" Tumigil siya saglit at tinignan ang libro ko na nakahalatay sa sahig, Umusod siya ng kunti saka pinulot ito at inabot sa akin. But this is not enough!
"H-Hugo! sorry na oh! Please!" Pagmamakaawa ko, Pero wala yatang 'Goodside' ang lalakeng to kasi karga-karga niya lang ako hanggang sa nakarating kami sa isang puting van.
"Open the door, Vainn!" Bumukas ang Van saka hinagis ako sa loub. Panay punas naman ako sa aking luha, Ayoko ng ganito eh.
"Madali lang ang gagawin mo bilang kabayaran. Tumayo ka lang sa entrance ng abandon hotel." Paliwanag ng Lalake sa tabi ko, Kaibigan yata to ni Hugo kasi madalas ko silang nakikita na magkasama.
Mas lalo akong natakot ng nakita ko ang mga itsura nila, Lalo na si Hugo na nakaupo sa front seat.
Lahat sila ay nakakulay itim. May sout rin silang maskara sa mukha kaya hindi ko makita ang mga mukha nila. Si Hugo lang ang walang Mask kaya siya lang ang kilala ko.
"P-Pakawalan niyo ako." Bulong ko pero hindi sila nakinig at patuloy lang ang van sa biyahe.
Argg! Ano na ang gagawin ko? What the heck did I do? At hahantong ako sa ganito?
- -
"Hoy. Friend! Gising!" Dahan-dahan kung minulat ang mga mata ko, Nandito ako sa Jeep-Area. Hawak-hawak ang libro ko.
Panaginip lang ang lahat ng yun? Tsk! Kahit sa panaginip ay binangongot ako.
"Bakit ka dito natulog friend? Hinintay mo talaga ako?" Tanong ni Ella, May hawak siyang folder na galing yata sa dean's office.
Umiling ako saka tumayo na rin. Inayos ko ang strap ng bag ko saka inayos ang libro ko. "Uwi na tayo, Nilalamok na ako dito oh." Biro ko.
"Gaga ka kasi, Bakit ka dito natulog? O hinintay mo ako? Diba sabi ko ay umuna ka na palagi? Ang tigas ng bupols mo."
"Hindi kita hinintay. Sadyang nakatulog lang ako habang naghihintay ng jeep. Kaya tayo na at umuwi na, Gutom na rin ako eh." Pagiiba ko sa usapan, Tumango naman si Ella saka sabay kaming sumakay sa jeep na huminto sa amin.
Ng makapasok na kami sa Jeep ay napasulyap ako sa Parking lot ng school. Anong klaseng paniginip yun? Nasobrahan yata ang takot ko sa Hugo na yun at binangongot ako.
@Chescake
-So Phie Lugsanay
End of 005