Chapter 1

2 0 0
                                    



Ang kabanatang ito ay unedited.

••••••

Airi Miura

"Airi? Luto na ang dinner." Tumango lang ako bilang sagot saka nilapag ang libro ko sa mini table ko. Inayos ko muna ang buhok ko bago lumabas ng kwarto at umupo sa harapan ni Ella.

Pagkatapos ng nanyari kanina sa Books store ay agad na akong umuwi, I just texted Ella na sumama ang pagkiramdam ko na hindi naman talaga.

Napabuntong-hininga ako, I just lost my first kiss with a stranger, Halos pag-uwi ko talaga dito sa Unit namin ni Ella ay agad akong umiyak o nagwala. I almost threw my favorate book on the trashcan.

But ofcourse, bago pa nangyari yun ay napigilan ko na ang sarili ko. Hindi naman ako tanga para sayangin ang paborito kong libro.

"Hey? Okay ka lang? Pinipiga mo na ang steak." Napailing ako saka nilamon ang steak na napiga ko dahil sa galit . Sino ba kasi ang hindi magagalit? Gusto ko lang naman bumili ng libro na bagong labas ngayon ah? But everything happened so fast na halos di maprocess sa utak ko.

"Okay lang ako. Masama lang ang pakiramdam ko." Tinaasan ako ni Ella ng kilay saka inabutan ng tubig. I know she knew I'm lying. Mase-sense yun agad ni Ella. Kilalang-kilala niya ako eh.

"Makikinig ako. Tell me? Whats the problem? Nag-away ba kayo ng Daddy mo?" Agad akong umiling saka uminom ng tubig. Madalas kasi kaming nagaaway ni Daddy kaya akala siguro ni Ella na nag-away ulit kami.

Palagi na kasing busy si Daddy sa trabaho niya kaya medyo nawawalan na siya ng uras sa akin.

"W-Wala." Iniwas ko ang tingin ko kay Ella. Hindi ako magaling magsinungaling kaya challenge na ito para sa akin. Tsk.

"Share it now." Namilog ang mga mata ko saka nilingon si Ella na seryosong nakatingin sa akin. Okay? She's serious.

Huminga muna ako ng malalim bago kinuwento sa kaniya lahat ng nangyari kanina sa Mall. Medyo tumitili nga siya kasi baka siya na daw ang boyfriend ko na hinihintay ko for many years.

Boyfriend? Nope. Wala pa yan sa vocabulary ko, Hindi pa ako handa masaktan at magmahal.

"Gwapo ba? Describe mo naman please!" Inayos ko muna ang buhok ko saka sumulyap sa rice cooker sa gilid ng lamesa. Itong rice cooker rin ay bigay pa ni Lola Kora bago siya namatay.

"Ahm.." Gwapo ba? Awh. Ewan, Hindi ko alam. I will just describe him.

"Matangos ang ilong, Maputi, Matangkad, Blue-brown ang mga mata, Mapupula ang pisnge, at medyo pacool ang effect niya medyo messy-messy rin ang peg niya sa buhok niya. May bonie rin siya sa ulo." Di ko na sinali ang 'pinkish lips' kasi umiinit ang pisnge ko tuwing naalala ko ang halik-and-run na ginawa niya.

Natahimik kami ng ilang segundo bago tumayo bigla si Ella at hinampas ng malakas ang mesa na akala mo ay nanalo siya sa isang jackpot.

"Inshort, Gwapo! Oh my god! Sana ako nalang hinalikan nun. Siguradong elaplap ko siya. Hmp, Sana pala sumama ako sayo naghanap ng libro. Para kahit papaano ay mahahanap ko ang forever ko!" Tumayo ako saka binatukan ng malakas si Ella bago hinugasan ang pinggan. Kahit ano nalang kasi ang pumapasok sa isipan eh.

"Sana makita mo ulit siya nuh? But syempre. This time kasama mo na ako, Di bale Friend. Kapag bumibili ka ng books doon pa rin tayo at this time sama ako!" Jolly na suggestion niya, Napailing nalang ako saka nagpasya ng maligo. Antok na rin ako eh. Saka may pasok pa ako bukas around 8am, kaya kailangan ko ng matulog.

- -

Kasama ko si Ella sa paglalakad patungo sa Univeristy na pinapasukan namin. Panay salita ng salita si Ella ng kung ano-ano. Tungkol sa Bagong banda na tutugtog this Friday. Sigh.

Wala naman akong ka-alam-alam sa mga Banda o kung ano-ano na mga kaganapan sa Univeristy, I always mind my own business.

Naalala ko tuloy ulit yung paghalik sa akin ng lalakeng yun sa akin kahapon. Arrg! Nakakainis.

"Goodmorning, Kuya!" Bati ko sa Guard ng Skwelahan, Ngumisi lang ang guard saka pinagbuksan kami ng pinto.

"Alam mo Friend? Hate ko yung guard ng school natin. Feeling principal ang peg niya dito eh." Sinamaan ko ng tingin si Ella, Kita tong babaeng to, Kahit ang guard ay ginagawan mg kwento.

"Shh. Baka may makarinig sayo." Saway ko sa kaniya, Hindi nalang kumibo si Ella hanggang sa nakarating na kami sa Classroom.

May dalawang bakanteng upuan sa likuran, Wala naman kaming choice kundi dun umupo. Hindi na rin masama, Malayo sa mga chismosa na mga kaklase namin ngayon.

"Goodmorning, Class." Bati ng bagong teacher sa amin saka pinatong ang laptop sa desk niya, Sinandal ko ang ulo ko sa upuan saka mariin na nakatotok sa bagong teacher na naglelecture tungkol sa kung-anoano.

"Mr. Peijhie ." Napaangat ako ng kilay, Mr. Peijhie?

Masamang nakatingin si Mrs.Cillo sa katabi ko, ohh. Itong lalake ba si Mr. Peijhie? Pinagtitinginan na rin ng lahat ang lalake, Na nakayuko at habang natutulog. Hindi ko nga lang medyo makita ang mukha niya dahil natatakpan ito ng mahaba niyang buhok. Hindi ba uso ang gupit' sa kaniya?

"Psst. Airi, Gisingin mo muna si Mr. Peijhie." Kalabit sa akin ni Ella, Agad akong umiling saka umayos ng upo. Ayoko nuh! Baka bigla ako nitong sapakin kapag gigisingin ko siya. Mahal ko pa buhay ko, ulol.

"Mr. Peijhie!" At sa ikalawang pagkakataon ay nagising na si Mr. Peijhie , May pakurap-kurap pa siya sa mga mata niya habang dahan-dahan na gumising.

Teka, Pamelyar siya ah? Lumingon sa akin si Mr. Peijhie and—

What the Airi?! Siya ang lalake kahapon sa books store. Coincidence ba to o tinadhana na makita ko siya para makaganti?

"You! You did'nt wake me up. Now look the witch is angry." Giit nito, Napa-angat ako ng kilay, Kasalanan ko pa? Eh, Kahit gisingin ko siya ay hinding-hindi ko yun gagawin. Siya ang nagnakaw ng first kiss ko at yung libro na akin sana!

"Anong witch?! Mr. Peijhie! Detention Room. Now!"

Sinamaan niya muna ako ng tingin saka kinuha ang bag niya. "Lagot ka sa akin mamaya."

What the heck did I do?

@Chescake
-So Phie Lugsanay
End of 001

The Guy On The Books StoreWhere stories live. Discover now