"Could you please shut up!? Hindi magagawa ni Rex yan! Stop making stories Kate! Alam kong gusto mo siya noon pero wag mo naman kami sirain!" I yelled at my Best friend. She's making stories again!
"What the hell, Rose! Hanggang kelan ka ba magpapakatanga jan sa boyfriend mo!? Nakakapagod ka na pag sabihan!" mangiyak ngiyak pang sigaw niya. Wth? Siya pa ang galit!?
"You know what, Jen? Let's stop this bullshit friendship! Nakakawalang gana!" sabay tayo ko at iniwan siyang nakatanga sa loob ng cafeteria. Mabuti nalang at 6 am pa, wala masyadong tao ngayon. Gosh nakakahiya.
Tinawagan ko nalang si Rex habang nasa kotse ako. Di ko kaya tu, nakakainit ng ulo.
"Hello?" he answered.
"Hon? Where are you? Let's meet, mainit ang ulo ko." I honestly said.
"Hmm? I'm busy right now. Madaming gagawin sa opisina. Maybe tomorrow? I'll just call you if I have vacant time. Just chill okay? I love you." and with that? He ended up the call.
Tangina. I whispered with disbelief.
Di ako nagpadala. Pinaandar ko ang sasakyan ko papunta sa bahay nila. I'm sure nag be-breakfast pa siya.
In just a minute nakarating agad ako sa village nila. Di na ako nahihirapang pumasok dito since alam naman ng mga guard na boyfriend ko ang may ari nito. Yes, my boyfriend's family owned this. Siya rin ang magmamana nito lahat lahat since only child siya.
Dumiritso ako sa mansion nila at nadatnan ko siyang pasakay na sa kotse niya.
"Babe!" I shouted.
"Rose? What are you doing here? Diba sinabi kong busy ako ngayon?" naka kunot noong tanong niya sakin.
"Yeah I know. I just missed you." at hinalikan siya.
"I miss you too, but this is not the right time for that. May pinapagawa si Dad sa office." this time malumanay na ang mukha niya.
"It's okay, pumunta lang ako dito para tignan ka. Jusq naman, di nga tayo halos nagkita kahapon. We're both busy this week." nakangusong usal ko.
"It's okay, this is for our future so I think it's important. Wag ka ng malungkot. Babawi talaga ako next week since klase narin naman." lambing niya at hinalikan ako sa pisnge.
Nagpaalam na siyang mauna, since may dala na akong kotse humiwalay na ako ng daan. Uuwi muna siguro ako, I need rest. Nakakaloka si Jen.
____________________________________
By the way, I am Rose Michelle Stone, 22
years old. I am Graduating student (College*Business Management). Rex is my boyfriend since senior high school. We own hotels from Singapore and Canada. I also graduated elementary at Singapore. I choose to live here in the Philippines since andito ang Lola ko. I'm not like other people na porket galing lang bansa medyo o.a na mag pronounce ng tagalog. We also have a company here at the Philippines.
____________________________________Pagkauwi ko kanina ay agad akong umakyat sa kwarto at nagpahinga. Pupuntahan ko nalang mamaya si Lola sa kwarto niya pagkauwi. I planned na mag bar ngayon since na bobored na ako sa bahay.
Bumaba na ako galing kwarto at nadatnan na nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa. Kumain nalang ako at binilinan ang Caregiver ni Lola na bantayan siya maiigi lalo na't aalis ako.
Nagbihis ako at nagpabango ng bongga. Suot suot ko ang paborito kong tube dress na bili sakin ni Lola noon sa Singapore. Simple lang siya pero tumatangingting na 30 thousand dollars to. Heart shape siya sa harap kaya maiipit talaga yung hinaharap mo at hapit na hapit siya sa katawan kong may kurba. Katamtaman lang rin ang igsi niya. Kulay black at red ito. Partner with black heels at dark red lipstick. Nakalugay nalang rin ang buhok kong dark brown.
And what you think isn't right. I'm not pokpok, duh? It's just my taste.
*********
I dialed my classmates number. They are always ready for party so sila nalang ang isasama ko. Sinabi ko sakanila ang bar na pagkakakitaan namin since may kaniya kaniya naman kaming sasakyan.
**********
"Rose! Here!" sigaw ng isa kong kaklase di kalayuan. Andito na ako sa bar na sinasabi ko. This is my favorite bar, dito ko sinagot si Rex.
"Hey." nakangiting bati ko pagkalapit.
"Aba, iba talaga Ms. Stone! Sexy parin!" sigaw ng maloko kong kaklase.
"Oh shut up, Mr. Yrald."natatawang sagot ko.
"By the way Rose hindi lang tayo 5 dito ha? Nag cr lang yung isa, hintayin nalang natin. Yinaya ko siya kanina, nakita ko kasi siya sa Mall e." nakangising sabat naman ni Ezyl.
"Who?" takang tanong ko.
"I am." rinig kong sabat ng nasa likod ko. Boses palang kilala ko na tu.
"Oh? Hi dear Jen."kunyaring ngisi ko sa kaniya. What the hell wrong with this woman?
"Hello, Rose. Can we set now?" laking ngising sagot niya pero pansin parin ang pamumukdo ng kaniyang mga mata. Tss, I don't care.
*******
Nag-inoman at nag tatawanan lang kami sa bar. Never ko pinansin si Jen pero nakikita ko siyang sumusulyap sakin.
"So Rose? Kamusta naman kayo ng Papa Rex mo?" mapagbirong tanong ni Gloviline. Natigilan naman ako at napatingin kay Jen, nakatitig lang siya sakin, hinihintay ang sagot ko.
"So far, okay naman kami. Medyo busy lang siya ngayon dahil merong inutus ang Dad niya sa kaniya." nakangiting sagot ko.
"Sinungaling." rinig kong bulong ni Jen. What. The. Heck?
"Wag mo ko umpisahan Jen." nakangising usal ko.
"Uh-oh." rinig kong bulong ng 4 pa naming kasama.
"I saw Rex kanina sa Mall. Actually kaya ko nakita si Jen dahil sa nakamasid siya kay Rex kanina. What's wrong with you guys?" naguguluhang tanong ni Ezyl.
"What? Are you stalking my boyfriend, Jen!?" galit na sigaw ko. Di naman nakatakas sa mga mata ko ang pag ayos ng upo ng apat, at itong si Jen naman ay nakatingin lang sa akin ng blangko. What the fvck?
"Yes, I am." simpleng sagot niya.
"You're creepy, Jen! Di kita maintindihan! Bakit ba ayaw mo nalang tumigil!? Damn it! Leave us alone!" galit na sigaw ko.
"I don't get you Rose. Naiinis ako kasi napakatanga mo! Bakit ba ayaw mong maniwala na may babae yang boyfriend mo!?" tumutulo ang luhang sigaw niya.
"I hate you!" sigaw ko sa kaniya at nagmadaling tumakbo palabas.
"Rose!"
"Hey!"*********
Nandito ako ngayon sa kotse at nakatulala. Gosh, what just happened? I lost my best friend. I lost her.
Sinubokan kong tawagan si Rex pero hindi niya sinasagot. Napagpasyahan ko nalang na pumunta sa ibang bar malapit dito. Magpapakalasing nalang ako, di ko na maintindihan ang buhay ko.