"Miss not interested!?" gulat niyang tanong.
"What are you doing here!?" sigaw ko. Nakita ko naman ang pag kunot ng noo ng kapatid ko.
"I'm here to visit Hans. I didn't know na relative kayo?" baling niya sa kapatid kong ugok.
"Yeah, I didn't mind to tell you. We don't like each other so why should I?" parang wala lang niyang usal. Ansarap talaga sipain nito e.
Umayos nalang ako sa pag tayo at agad na sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Shit.
"Oh I see. So Hans you have a sister here. Do you mind to introduce me?" ngising ulol ng lalaking epal habang nakatingin sakin.
I saw my brother rolled his eyes. Tumikhim siya.
"Ate, this is Zenly Jake. And uh- Kuya, this is Ate Rose Michelle. And ate this is Zenly Jake,my friend."baliwalang pakilala niya.
"So ate here's your ice cream. You can eat it now." tumataas baba pang kilay niyang pag abot ng ice cream. Di ko na tinangihan yun at agad na hinablot. Damn him, pasalamat siya may dala siyang ice cream!
Tumakbo agad ako papuntang kwarto pag hablot ng ice cream kanina. Mag gagabi na kaya napagdesisyonan kong bumaba na since baka wala ng bisita.
Dahan dahan akong bumaba at napansin ang tahimik na paligid. Baka wala na ngang asungot dito. Dumiritso ako sa kusina at nagulat na nakitang nag hihiwa ng kamatis yung Jake! Mukhang napansin niya ang presensya ko kaya napatingin siya sa banda ko.
"Hey, naghahanda lang ng pwesto si Hans sa labas." usal niya.
Di ko siya pinansin at dumiritso sa ref para kumuha ng tubig. The hell I care!
"Nagluto ako ng pagkain. Baka gusto mo tikman?" sabi niya habang nakatingin sakin na umiinom ng tubig.
Tinaasan ko siya ng kilay at sinabing.
"Baka naman walang lasa yan?" nakangising sagot ko."Oh baby, don't underestimate me." and then he smirked. Pelengero.
"Don't call me baby, you jerk." sagot ko at iniwan siya sa kusina.
Dumiritso ako sa labas at naabutang nag aayos ng lamesa sila mommy at daddy.
"Mom, dad."
"Oh honey! Come, sit here!" sabay turo ni mommy sa tabi niyang upuan.
Umupo nalang ako at pinagmasdan ang mga nakahain sa mesa. Merong bulalo, adobo at minatamis na hipon. Gosh anong kakainin ko dto e diet ako!?
"Mom hindi ba nasabi sa inyo nila manang na diet ako?" bulong ko para di marinig ng kapatid kong ugok at asarin nanaman ako!
"Sinabi naman, kaya ng--" naputol ang sasabihin ni Mommy ng biglang sumabat yung epal na Jake.
"At vegetable salad para sa special na prinsesa" biglang sulpot niya sa kabilang side ko. Pataas taas pa yung mga kilay niya, kaasar.
Naagaw niya naman ang pansin ni Mommy kaya siya na rin ang nagpasalamat sa kaniya. Tss.
Di ko na siya sinagot at busangot ang mukhang pinagmasdan siya umupo sa harap ko. Ngisi ngisi naman ang gago.
"So Jake kanina ko pa napapansin na mukhang magkakilala kayo nitong anak kong babae?" biglang singit ni papa sa titigan namin ni Jake.
"Not really tito, sa bar lang po kami nag kita. Nasungitan nga lang ako." sabay tingin ulit sakin ng naka ngisi.
Tito your ass!
"Is that true, Iha? At ba't ka naman nag sungit? You should make friends with this great man!" ngising usal ni Dad.
"I don't want to waste my time Dad."walang gana kong sagot at kumain nalang.
>>>>>>>>
Alas 10 na ng gabi at kakauwi lang nung bisita ng kapatid ko.
Habang kumakain kami kanina ay nalaman kong sa Canada nga sila nag kakilala ng kapatid ko at kaibigan rin ni Dad ang tatay niya. May company rin sila dto sa Pilipinas kaya hindi na siya nahirapan na piliing mag stay dto. Nalaman ko rin na kaya siya umuwi dito ay dahil sa exhausted 'daw' si Jake dun sa Canada. Di naman nila binanggit kung bakit at di na rin ako nag tanong since baka isipin nilang interesado ako. Ulol.
Pagkatapos kong maligo at nag apply ng night routine ko ay dali dali akong humiga at hinablot at cellphone ko sa kama. Tatawagan ko si Rex!
"Hello?" agad na bungad niya. Napakagat naman ako ng labi at miss na miss ko na siya.
"Hello, Hon! Guess what? Gusto ka ma meet ni Dad!" excited kong tugon.
"W-what? When?"
"I don't know too, kung kelan ka nalang free, maybe?" nakangusong sagot ko.
"Maybe on friday Hon. I'll try to cancel my meeting on that day, is that okay?"
"Yes, yes, yes! Of course! Omg, I love you!" I'm excited! My Dad didn't meet Rex since then, pano ba naman e kapag nag bakasyon sila dito sa pinas e siyang panahon rin ng bakasyon nila Rex sa ibang bansa.
"Okay then, you should sleep now. I'll call you tomorrow. I love you."
"Yeah, thanks. I love you too." at pinatay ko na ang tawag.
Gusto ko sana ibalita tu kay Jen lalo na't siya ang nag pupumilit na ipakilala ko sa personal si Rex sa parents ko para daw malaman kong maging ang parents ko ay hindi boto para samin ni Rex. Naiinis ako nun kapag ganun sinasabi niya pero dahil nga best friend ko siya ay inisip ko nalang na nag seselos siya. Pero since nung last naming pagkikita ay wala na rin siyang paramdam. Sabi nila e nasa Canada daw si Jen pero di ko na masyadong inalam at hindi pa ako nakakamove on sa paninira niya kay Rex. Hindi na ako nag isip pa ng kung ano ano at natulog nalang.
Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay ng cellphone ko. Inis ko yung kinuha at ganun nalang kabilis nawala ang antok ko nung makita pangalan ni Rex ang nakalagay sa screen.
"Hello!" masiglang bati ko.
"I bet you're still on your bed and you just woked up." he lazily answered.
I laughed at that. He really know me well, huh. "Yes Hon! By the way, where are you?"
"I'm actually at your company right now, Hon. I thought your going to work early. I brought you coffee."
Ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng ma realize na may trabaho nga pala ako ngayon! Oh shit!
"Wait for me please! Just give me 30 minutes!" binaba ko na ang tawag at patakbong pumunta sa cr. 7:30 na ng umaga pero hindi pa ako nakakapaghanda, 8:00 am ang start ng trabaho!
Pagkatapos kong magbihis at mag lagay ng light make up sa mukha ay dali dali na akong bumaba at naabutan sila Mommy na nag aalmusal.
"Oh? I think you're late Ate? Why is that?" nakangising ani ng kapatid ko. Sarap talaga kutungan e!
"Yes I am, so please don't make me pissed and just give me some bread and bacon." buti naman at nakisama siya at binigyan nga ako. Di ko na yun kinain dun at sa sasakyan nalang.
**********
HELLO GUYS! SORRY PO AT NGAYON LANG ULIT AKO NAG KARUN NG GANANG MAG SULAT HEHEHEHEHE. THANK YOU PO SA LAHAT NG NAGBABASA! ENJOY READING! BY THE WAY, WALA PO AKONG EXACT DATE AT TIME MAG RELEASE NG CHAPTER.PLEASE VOTE AND COMMENT! LOVE YOU ALL!