"You're kidding." kunot noo kong tanong. Pero di siya sumagot. Tumitig lang siya sa'kin na para bang may hinihintay siyang sabihin ko. Inis ko nalang siyang tinalikuran dahil di ko na kayang saluhin ang titig niya pero bago pa ako makaapak ng hagdan ay nag salita ulit siya.
"So what if I am? Why do you care?" panggagaya pa nito di naman ako makapaniwalang bumaling ulit sa kaniya na nakatayo na pala nakapamulsang akong pinag mamasdan.
"I don't care." tsaka ko siya tuluyang tinalikuran. Pumasok na ako sa kwarto at patalong humiga sa kama. What was that!? Kahit kelan talaga ay mukhang tanga ang isang yun! Grrrrr!
Kinabukasan ay nagising ako ng maaga kaya naman nasa good mood ako lalo na pagkatapos kong kumain ay tumawag si Rex.
"Good morning"
"Good morning, Hon! Maaga akong nagising ngayon kaya hindi ako late!" tuwang tuwang sagot ko.
"Good mood? That's great. You know what, I have something to tell you." parang good mood rin ang loko.
"What is it? Spill the tea agad!" I'm excited! I hope hindi tu bad news nu!
"I've decided na mamayang gabi makipag meet sa parents mo, is that okay?"
"W-What!? Tinatanong pa ba yan!? Of course! Anong oras ba? Omg thank youuuuuuu!"
"Maybe at dinner. I'll just call you when I'm ready. Goodbye for now. I need to go."
"Alright. I love you!" at ako na ang bumaba sa tawag. Sa excite ko ay dali dali akong umakyat nila Mommy para ibalita ito!
"Mom! Dad! Omg!" hiyaw ko.
"What happened!?" sigaw ni Mommy pagkabukas ng pinto.
"Nothing! I just want you to know na pupunta si Rex dito sa bahay mamayang dinner!" tili ko.
"What!? Okay I'm going to cook your favorite food on dinner! I'm excited to meet him." tuwang tuwa si Mommy.
"He should be a man, Rose." singit ni Daddy sa likod.
"Of course he's a man! Duh?"
"Man with dignity is what I mean." sagot niya tsaka kami tinalikuran ni Mommy. Di ko nalang siya pinansin at pinagtuunan si Mommy na kumukinang ang mga mata.
Pagkatapos ng chikahan namin ni Mommy ay masaya akong pumasok sa trabaho. Actually Tuesday pa ngayon kaya medyo nag tataka ako kung bakit napaaga ang pakikipag meet ni Rex sa parents ko, pero dahil pabor rin naman yun sa akin ay masaya na ako.
Alas 5 na ng hapon ng matapos ko ang mga trabahong ibinigay sakin kaya naman excited akong nag ligpit ng mga gamit at umuwi sa bahay. Nasa labas palang ako ng bahay ay napansin ko kaagad na busy ang nga maids kaya naman napangiti ako dahil alam kong nag hahanda na si Mommy.
"Mom!" tili ko pagkapasok.
"Baby! Andiyan na ba siya? Omg, di pa kami tapos!"
"No! Of course not! Mamaya pa siyang dinner diba? Baka mga 7 yun pupunta dito." natatawang sagot ko.
Pagkatapos nun ay umakyat na ako sa kwarto para magpahinga. Dahil gusto ko mas mabango ako mamaya ay napagdesisyonan kong mag babad sa bathtub hanggang sa makaidlip ako.
Nagising ako na nakababad sa bathtub kaya napangisi ako ng pagbihis ko'y humahalimuyak sakin ang bango. Tinignan ko ang cellphone ko at 6:30 na ng hapon kaya naman malaki ang ngiti ko habang bumababa ako sa hagdan.
"Mom!?" sigaw ko ng madatnan ang tahimik na sala. Asan ang mga yun? Dumiritso nalang ako sa swimming pool area dahil baka dun hinanda ni Mommy ang mga niluto niya. At di nga ako nag ka mali ng masalubong ko ang mga maids na may kaniya kaniyang ginagawa.
Si Dad ang una kong nadatnan na nakaupo lang sa sulok at iiling iling na pinagmamasdan sila Mommy. "Dad." tawag pansin ko rito.
"Good, you're awake now. Tignan mo ang mommy mo at parang may birthday kung makapaghanda." parang namomromblemang sumbong niya. "Lapitan mo na iyon at baka mamaya'y mag order na rin ng lechon iyan."
Tango lang ang nasagot ko sa kaniya at dumiritso na kay Mommy na parang di mapakali kung anong isusunod niyang gagawin.
"Mom!" saway ko rito. "What are you doing?" natatawa kong tanong. She's too excited!
"I'm preparing! Of course! Anong oras daw darating si Rex?"
"I don't know. Wala siyang sinabing exact time e."
"Oh,okay. Just tell me kapag paparating na siya."
"Okay, rest now, okay? Masyadong ka ng nag abala." natutuwa naman siyang tumango tiyaka na dumiritso kay Daddy.
Napapailing nalang ako habang tinitignan ang paligid. Masyadong pormal ang hinanda ni Mommy. Natigilan lang rin ako ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya dali dali ko itong tinignan at ganun nalang ang desmaya ko ng makita kung sinong nag text-
-ang Tnt. Expired na daw ang load ko. Hayp.
"Litse naman. Akala ko si Rex na."
"Pustahan tayo, di darating yun." biglang bulalas ng tao na nasa likod ko. And I know, si Hans tu.
I hissed. "Wag kang epal at baka sapakin kita. At bakit ka nandito? Inimbitahan ba kita?"
"Nope. And I don't need your approval to go here. I'll do what I want to do." kibit balikat niya pa.
Inirapan ko nalang siya at pumasok ulit sa bahay. Dumiritso ako sa kusina at uminom ng tubig. Pagkatapos ay kinuha ko at cellphone ko at tinawagan si Rex. At ganun nalang ang pag kunot ng noo ko ng di ko siya ma contact. May namomoong pangamba sakin na baka di siya sumipot pero iwinaksi ko rin yun agad lalo na't nangako siya sakin kaninang umaga. And I believe him.
Pabalik sana ako sa labas ng biglang nag ring ang cellphone ko. At agad akong napangiti ng si Rex iyon.
"Hello!?" excited na sagot ko.
"Hon! I'm sorry pero medyo malalate ako sa pag punta jan. May emergency lang. Okay lang ba?"
"Ganun ba? Yes it's okay. Take your time. I'll wait. We will." at binaba na ang tawag. Bumuntong hininga nalang ako. Ayaw ko mag isip ng kung ano ano.
"Baby! Asan na daw si Rex?" tanong ni Mommy pagkababa niya ng hagdan.
"Medyo malalate po siya e. Siguro po kumain nalang tayo? Maybe dessert nalang ang ihain natin kapag nandyan na siya." nakangiwing ngiti ko sa kaniya.