Toni: Isang kapanapanabik na gabi nanaman ang magaganap ngayon mismo dito sa bahay ni kuya.
Patuloy na naghihiyawan ang mga tao sa labas ng bahay ni kuya. Naharangan na ng mga ito ang kalsada dahil sa dami ng fans.
Toni: Hello Philippines and Hello Word! Sabay sabay nating salubungin ang mga bigatin nating bagong housemates na papasok ngayon din mismong gabing ito sa loob ng bahay.
Sabay sabay naman ang pagtaas ng mga banners at tarpaulin. Hindi na din magkarinigan ng maayos dahil sa hiyawan.
Alex: Mga netizens! Handa na ba kayong mapanuod ang inyong mga paboritong loveteam?
Sigaw ng host sa libo libong tao na nasa labas bahay na nagaabang sa kanya kanyang paboritong artista. Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao.
Toni: Wag na nating patagalin pa at tawagin natin ang unang magkapares na papasok sa loob ng bahay. Let us all welcome..
Alex & Toni: Kathniel!
Lumabas naman ang kathniel sa backstage at sinalubong ang mga fans. Nakipagkamay sila at nagpasalamat bago umakyat sa stage.
Alex: At eto na nga, ang kathniel ang unang papasok sa loob ng bahay ni kuya. Ano namang nafefeel mo kumpareng daniel?
Daniel: Syempre kinakabahan at the same time masaya kasi-
Naputol ang pagsasalita ni daniel dahil sa dami ng taong humihiyaw. Kaya tumigil muna si daniel saglit sa pagsasalita at pinagpatuloy din pagkatapos kumalma ng kanilang fans.
Daniel: At syempre masaya kasi panibagong experience, tapos mas makikilala ko yung ibang loveteams na makakasama namin sa loob. Dati, pumasok lang kami as guests ngayon housemates na kami.
Kathryn: Tsaka yung mga task. Excited na ko sa mga task.
Nakangiting sabi ni kathryn at kumakaway kaway pa sa mga tao na tuwang tuwa na makita ang dalawa.
Toni: May message ba kayo kay kuya ngayon na siguradong nanonood sainyo?
Daniel: Hi kuya! See you when i see you.
Kathryn: Kuya, wag niyo po kami masyado pahirapan. Promise magiging mabait ako sa loob. Tsaka, marami po bang pagkain dyan?
Alex: For sure yan Kath, madaming pagkain doon. Teka, handa na ba kayo?
Kathryn: Handang handa na.
Daniel: Game na! Woooh!
Toni: Dahil dyan. Pumunta na tayo dito malapit sa may pintuan. At magpaalam na sa mga tao dito sa labas.
Naghiyawan nanaman ng malakas ang mga tao. Habang kumakaway ang kanilang paboritong loveteam na ngayon ay naghahanda na papasok sa bahay ni kuya.
Kathryn: Nakakakaba pala.
Toni: Wag ka magalala kathryn, dahil nandyan naman si Dj para sayo.
Alex: Yes naman. Kaya kung handa na talaga kayo. Maaari na kayong pumasok sa loob ng bahay dahil inaantay na kayo ni kuya.
Kathryn: Bye guys!
Daniel: Hanggang sa muli mga kaibigan.
Huling sabi ng dalawa at pumasok na nga sa loob ng bahay.
Toni: Pumasok na nga ang unang pares ng housemates para sa season na ito.
Alex: Magpapakatotoo kaya sila? Abangan natin dito lang sa..
Alex & Toni: Pinoy Big Brother Season 9
BINABASA MO ANG
Pinoy Big Brother Season 9
FanfictionLoveteams entered the house. Highest Rank: #6 in MayWard #25 in LizQuen #161 in KathNiel #5 in Lizasoberano #4 in NashLene #76 in Jadine