Night 4

892 28 1
                                    

Living Room

Daniel: Mga kapamilya, ay hello kapuso. Kamusta? Tagal nating di nagkita ah.

Bungad ni daniel sa mga girl housemates matapos lumabas ng boys galing sa social media room.

Liza: Ang tagal niyong nawala. Anong pinagawa sainyo?

Tukoy ni liza dito matapos mawala ang boys ng ipatawag ni kuya ang mga ito pagkatapos ng shower call.

Enrique: Eto naman miss agad ako eh. Nandito na nga ako oh. Pakiss nga.

Liza: Kuya oh.

Enrique: Eto naman.

Nadine: Anong ginawa niyo ba?

Nash: Sikretong malupit

Edward: Na di nananakit.

Maymay: Pag di mo sinabi may mananakit.

Edward: Chill may.

Alden: Oh. Magaaway nanaman ba kayo?

James: Basta girls, ang sabi ni kuya. Maghanda daw para bukas.

Maine: Bakit? Anong ganap?

Halata naman ang kaba ng mga girl housemates dito. Pero nanatili na lamang silang tahimik.

James: Anong dinner?

Pagiiba nito. Nagtinginan naman ang mga girls at nagpapakiramdaman kung sino ang magsasalita.

Sharlene: Eh kasi... kanina nung wala kayo may dumating na mga ninja tas kinuha yung mga pagkain. Yung tinira lang nila patatas.

Nash: So start na nga?

Alden: Akala ko bukas pa.

Liza: Alin ba?

Daniel: Kinausap kami ni kuya kanina. Na simula bukas, limitado na yung mga pagkain, damit, ganon.

James: Kaya bukas, dalawang maleta lang ng housemates na mapipili yung magagamit natin.

Kathryn: Seryoso yon?

Tumango naman ang boys na kinatahimik ng girls.

Maine: Hanggang kailan daw?

Nash: Walang sinabi eh.

Maymay: Kaya kailangan talaga nating pagisipan kung kaninong maleta yung pipiliin natin.

Enrique: Dapat yung magagamit ng lahat.

Edward: Naisip namin kanina na isang maleta sa boys, tas isang maleta sa girls.

Maine: Sige mag plano muna kayo. Magluluto na lang muna ako. Titignan ko kung anong maluluto ko sa patatas.

Tumayo na si maine sa pagkakaupo at dumaretso na papasok ng kitchen. Siniko ni daniel si alden na para bang may gustong sabihin.

Alden: Alis na ko. Tulungan ko na magluto.

Nash: Tutulo-

Daniel: Nash, didiskarte yan. Hayaan mo muna. *bulong Kung gusto mo, tulungan din kitang diskartehan yun oh. *nguso kay sharlene.

Nash: Dj talaga.

Enrique: Wag mo sabihing di ka pa din niya kinakausap ng ayos?

Biglang singit ni enrique na nakikinig sa usapan ng dalawa.

Nash: Di pa din eh.

Enrique: Hina mo naman.

Pinoy Big Brother Season 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon