Night 1

1.7K 38 39
                                    

Confession Room

Kathryn: Wow, ang ganda.

Naaamaze na sabi ni kathryn habang pinagmamasdan ang loob ng confession room.

Daniel: Bal, upo muna tayo.

Sumunod naman si kathryn at tahimik silang naupo ni daniel habang pinagmamasdan ang confession room.

Kuya: Welcome sa aking bahay, kathniel.

Kathryn: Hello po kuya, salamat po.

Daniel: Good evening po, kuya.

Kuya: Mukhang excited ka yata, kathryn.

Kathryn: Sobra po kuya. Grabe. Di ko po alam kung totoo ba to. Like, dati pa guest guest lang po kami. Pero ngayon, waaaaah!

Kuya: Ikaw daniel?

Daniel: Opo naman po, kuya. Gusto ko rin kasing maexpirience maging housemate. Tsaka yung task kuya, yun po talaga yung inaabangan naming dalawa.

Kuya: Kung sa ganon, nakikita niyo ba yang kahon na nasa harap niyo?

Kathryn: Hala task ata agad.

Napatingin yung dalawa sa mesa at nakita ang isang kahon na may papel sa loob.

Kuya: Bilang kayo ang unang pares ng housemate na nakapasok dito sa bahay. Nais kong bumunot kayo ng isang papel mula sa kahon para sa inyong dalawa.

Pinabunot ni daniel si kathryn ng papel sa loob ng kahon.

Kathryn: Kuya, Decorations po.

Daniel: Kuya magdedecorate kami?

Kuya: Ang ibig sabihin niyan. Ay kayo ang magdedecorate ng inyong pool party para bukas.

Nanlaki ang bibig at mata ng dalawa sa gulat at excitement.

Kathryn: Yes!!

Kuya: Isipin niyong mabuti ang mga kailangan at agad niyong ipagbigay alam saakin bukas ng umaga.

Daniel: Opo kuya.

Kuya: Handa na ba kayong makita ang loob ng bahay ko?

Kathryn: Yes kuya. Kagabi pa po ako di talaga makatulog kuya.

Kuya: Dahil dyan, maaari na kayong lumabas ng aking confession room. At maglibot sa loob aking bahay.

Tumayo na ang dalawa at lumabas na ng confession room.

Daniel: Dito yata.

Turo niya kay kathryn at binuksan nila ang isang malaking pintuan.

Living Room

Kathryn: Wow, bal. Ang ganda. Parang yung dream house ko.

Daniel: Yaan mo. Papagawan kita ng ganto, tas dun tayo titira.

Siniko ni kathryn si daniel at nilibot nila ang buong bahay ni kuya.

Kathryn: Shh. Wag ka maingay.

Daniel: Bakit naman?

Kathryn: Basta. Shh.

Dahan dahang umupo ang dalawa sa may living room. At tahimik na inaantay ang susunod na pares na papasok.

Kathryn: Sino sino kaya yung mga loveteams na naimbitahan ni kuya no?

Nagkibit balikat lang si daniel.

Pinoy Big Brother Season 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon