Day 5

1K 38 65
                                    

Wake up Call:

Same Ground by Moira and IV of Spades

🎶But  i dont understand why im feeling
So bad now when i know it was my idea.
I could've just denied the truth and lied.
But why am i the only one standing, stranded on the same ground🎶

Living Room

Agad na lumabas ang mga housemates ng magising mula sa wake up call. Bumalik naman ng girls room si sharlene ng makalimutan na isuot ang kanyang lapel.

Enrique: Good morning everybody!!!

Nagstretching naman si alden at james ng kanilang katawan.

Daniel: Wow flex.

Liza: Guys, tignan niyo yung nasa labas.

Agad naman na naglakad ang mga housemates patungo sa pintuan palabas ng pool area at sumilip. May mga 5 tali na nakasabit sa itaas ng pool area. Meron ding mga cardboards na nakalagay sa lamesa sa isang dulo ng pool area, habang ang kabilang dulo naman ay isang white board.

Nash: Ayan na siguro yung task.

Enrique: Kaya mo na yan alden

Kuya: Enrique, alden. Maghanda na sa para sainyo unang task. Maaari na kayomg pumasok ng storage room para kunin ang inyong gagamitin.

Agad namang pumunta ang dalawa sa storage room para magbihis. Linabas din nila ang pulbos na nasa malaking lalagyan na pinadala sa kanila ni kuya bago mag tungo sa pool area.

Pool Area

Lumapit na ang dalawa sa isang dulo ng pool. Pinagmamasdan ang task na nakahanda para sakanila.

Enrique: Kaya natin to!

Kuya: Para sainyong task, kailangan niyong tumawid sa swimming pool gamit ang mga lubid na nakasabit. Mayroong mga cardboards na inyong kailangan itawid.

Tumingin sila enrique at alden sa cardboard na may nakasulat na breakfast, lunch, dinner, at snacks. Meron ding 2x, 3x, at 4x.

Alden: Kuya, pwede po limang cardboards per tawid?

Kuya: Isa isa lang, alden.

Alden: Eh kuya ano po yung 2x, 3x, 4x?

Kuya: Ayun ay ang mag sisilbing multiplier sa maitatawid niyong mga pagkain.

Enrique: Syempre sa 4x tayo. Kuya pwede lahat ng x?

Kuya: Diskarte niyo na iyan.

Nanatili ang nga natitirang housemates sa gilid na nananahimik. Kinakabahan sa mga pwedeng mangyari.

Kuya: Mayroon lamang kayong isang oras, para sa task na ito.

Alden: *bulong kaya.

Kuya: Handa na ba?

Alden: Opo kuya.

Enrique: Yes kuya.

Kuya: Dahil dyan, ay magsisimula na ang oras. In 3, 2, 1, go!

Nauna si alden sa pagtawid. Una niyang kinuha ang lunch at kumapit ng maigi sa lubid. Subalit ng nasa gitna na siya ng parte ng pool, na mayroong pinakamaliit na lubid ay nahulog ito.

Kathryn: Go guys!!

Bumuntong hininga muna si enrique, bago kunin ang cardboard ng dinner at sinubukan na tumawid. Ngunit sa  kalagitnaan ay nahulog din ito. Sa kabadong naramdaman ni liza ay hinila nito si maine sa loob at nagluto na lamang ng agahan.

Pinoy Big Brother Season 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon