I woke up with a heavy head. Umupo ako sa kamang napakalambot. Kinuha ko yung cellphone ko, at naalala kong lowbatt nga pala.
Hayy makaligo na ng----- SHIT! Tumingin ako sa paligid.
Classy Black & white yung theme ng kwarto. Puro about sports yung makikita sa wall ng buong kwarto. Halatang panglalaki. Malaki & mabango. What the fvck? Where the hell am I?
Tinignan ko yung suot ko, what the? Iba na yung suot ko. Panglalaking damit na umabot sa tuhod ko. Iba na rin yung undies ko!!! Unti- unti kong naalala ang nangyari kagabi. Oh crap! Nahimatay akez. Please Lord sana walang nangyari sakin huhuhu
Tatayo na sana ko sa kama nung biglang bunukas yung pinto. Napaupo ako ulit sa gulat.
"SINO KA?" napasigaw ako sorry gugulat ako eh.
"Chill okay? Stop shouting instead of thanking me." Unti unti syang lumapit sakin. Before i knew it, nahawakan nya na yung noo ko.
"Good. Wala ka nang lagnat." Tinaasan ko sya ng kilay. "Stop raising your eye brows. I did not changed your clothes, our maid did. Go downstairs and eat breakfast." sabi nya tapos umalis na. sungit hmp.
bumaba na ko then nakitang may nakahanda na ngang pagkain. Ang laki pala ng bahay na to. Parang mansion putek sarap magpa ampon. Hoho.
umupo ako sa tabi nung lalaking masungit na to na di man lang nagawang tumingin. tapos kinain na yung crab & corn soup.
"Finish your breakfast and tell my butler your address. Go home after you eat. " sinabi nya yan ng di man lang tumutingin tapos umalis. Nyetang to ang sungit.
Ginawa ko yung sinabi nya. After a few minutes umuwi na ko. With his clothes. Kase basang basa parin yung mga damit ko. Nagdadalawang isip pa ko kung papasok ako o hindi. Kase baka anjan nanaman yung tatay ko.
Binuksan ko yung pinto, huminga ng malalim at pumasok na. Nakita ko si mama na nakaupo sa sala. Sinalubong nya ko ng mainit na yakap.
"Saan ka ba nanggaling bata ka ha? Nag aalala kami sayo!" hinampas nya ko sa braso. Si mama talaga.
"Na lowbatt po kase ako, kaya di ako nakapag text. Basang basa rin po ako ng ulan kaya nagstay muna ko sa kaibigan ko"
"Kumain ka na ba? Malalate ka na sa school."
"Tapos na po, magbibihis lang po ako tas aalis na rin."
----
Habang naglalakad sa hallway papunta ng room, may tumulak sakin.
"Hi Cass!!! i miss youuu bat ka absent kahapon?" Si Julianne pala. A close friend of mine.
"Oonga eh, may ginawa kase ako." nagkibit balikat sya. Pero napatigil sya at hinarap sakanya yung muka ko.
"Bakit ka may pasa? saan galing yan? Binugbog ka nanaman ba ng tatay mo?"
"Wala to, nabangga lang. Tanga ko no?" Nginitian ko sya for assurance. Kaya hindi na sya nakapalag. "Tara na, baka malate pa tayo."
pumasok na kami ng room. Wala nang papasok na teachers. Dahil graduating na kami ng grade 12. Two days nalang before graduation.
"Huy bat ka absent Cass?" Tanong ng katabi kong si Wendy. Habang naghihintay rin ng sagot si Jas.
"May ginawa syang importante eh" Si julianne na ang sumagot.
"Pinapasabi nga pala ng teachers samin na papuntahin mo daw yung parent mo sa graduation. Congrats! Rank 1 ka parin!!!" Nginitian ko sya pero napawi rin yun nang maalala kong walang parent na pupunta sakin.
-----
"San tayo uupo?" Nasa canteen kame ngayon atm.
"Dun nalang sa may gitna" Si wendy na yung sumagot. Pumunta na kame sa gitna pero bago pa makarating don, nakita ko nalang yung sarili kong nakahalik sa sahig. Habang pinagtatawanan ng lahat ng tao sa canteen.
"You deserve kissing the floor bitch. HAHAHAHAH" sabi ng isang evil witch na namumuno ng kasamaan sa buong school. Si Fherzia. Kasama nya yung mga alagad nya & oh, yung ex boyfriend kong kasing ugali nya.
Tinulungan ako nila Jas tumayo. pinunasan rin nila yung muka ko.
"Awww,, so sweet." sabi nya sabay bato saken ng hindi ko alam kung ano yon.
"Wag mo nalang syang pansinin." Bulong ni Julianne.
"Diba boyfriend mo yan Cass? apaka gago talaga" - Jas
"Ex." I corrected her. "nag break na kame, kahapon."
"Woah, Belated 18th birthday Cass" Sabi ni Julianne ng may malungkot na tono.
"Sshh wag ka nang malungkot ha? Nandito na kaming tatlo. Lilibre ka ni jas mamaya" - Wendy
"Hoy bat ako?" - Jas
"Kuripot ka talaga Jas" - Julianne
"Sige na nga. Kala mo jan" natawa nalang ako sa mga baliw na to. Ang sarap. Magkaroon ng kaibigan na anjan. Matagal tagal na rin nung huli kong naramdaman na may tao akong masasandalan.
---
Andito na kami sa Starbucks, 18th ko daw kasi kaya dapat sosyal. Hahahaha ewan ko ba dito sa mga to.
"Saan ka nga pala nagpunta kahapon Cass? Hinanap ka ng nanay mo samen" - Julianne
"Tinatawagan ka rin namin hindi ka sumasagot. " Sabi ni Jas sabay sipsip sa kape nya.
Sumubo muna ko ng cake bago ko sya sinagot. "May chichika ko dhai"
"Go daliiiii us2 ko yan"
"Nahimatay kase ako kagabe, nilagnat ako ng bongga, tapos nagising nalang ako nasa sobrang laking bahay aketch. Sa bahay ng lalaking nakasalo sakin. "
"HUHHHHHH SO POGI BA?" - wendy
"Siraulo ka talaga Wendy. Tapos anong nangyari? may ginawa ba sya sayo ha? sasapakin ko yon!" - Jas
"Wala naman siguro. Wala naman ako ng weird na nafeel. Pero familiar nga sya eh. Di ko alam kung san ko nakita. "
"Hay nako kelan ka ba nagka pake sa mga tao Cass hahahahah" -Julianne
"Oonga eh kame nga lang ata kilala mo"
Napailing nalang silang tatlo sakin.
YOU ARE READING
Unfated Love
Novela JuvenilA life that's ruined and heart that's broken, Cassandrea living with all the lies were slowly lifting her head up as she had given a chance to start a new life with her true family.