Chapter 2 : Graduation Day

0 0 0
                                    




Huminga ako ng malalim habang naka tingin sa salamin. Ako lang ang nag ayos sa sarili kong buhok, konting pulbo lang din at lip tint para hindi ako pale tignan.



ngumiti ako sa salamin. Natapos na rin yung paghihirap ko sa school na yon sa wakas. All these years tiniis ko lahat, at last, tapos na rin.



Pumunta na ko sa kusina para kumain ng almusal. Hindi si mama yung naabutan kong nagluluto  kundi si papa.



"Oh, graduation mo na pala. Tama yan magtrabaho ka na agad para di ka palamunin dito!" Sabi nya sabay hampas sakin ng spatula na hawak nya. Napa aray ako sa init ng hawak nya.  "Akin to lahat. Magluto ka ng iyo kung gusto mo kumaen."



"Papa, asan po si mama?"



"Umalis kasama kuya mo." Napatango ako ng dahan dahan. Mukang nakalimutan ni mama na graduation ko ngayon. Di bale, baka susunod nalang yun.



"Ah sige po, alis na po ako".

----

"Cass! Bat ang tagal mo kanina ka pa namin hinihintay no." salubong sakin ni Jas.



"Ahh, nalate kasi ako ng gising" hinawakan ako ni wendy sa kamay para hatakin pero umaray ako.



"Huh? bakit? " Tinignan nya yung kamay ko at may bakat ng paso. "Napano yan?"



"Wala, napaso kase ako kanina. "

"Hindi ka kasi ng iingat. Tara kunin mo na yung toga mo sa locker" -Julianne



Pagpunta namin sa locker ko, nakasalubong ko si Fherzia kasama ang mga alagad nya na tumatawa. Kinabahan ako kaya tumakbo na kami papunta sa locker ko.



Tama nga ako, gupit gupit na yung toga ko. Napasandal ako sa dingding habang paiyak na at di na alam yung gagawin.



"Hala pano na yan Cass? Anong gagawin natin?" -  Wendy

"Kung tahiin nalang kaya natin?" - Julianne

"Sobrang daming gupit nyan, matagal natin matatahi. 20 mins nalang bago magsimula yung ceremony." - Jas

"Wag ka nalang kaya mag toga? sabihin mo nakalimutan mo?" - Wendy

"Baliw ka ba? Sya nga may pinaka need nyan kase valedictorian sya eh." - Jas

"Tangina naman, di ba kailangang bayaran to?" Sabi ko ng may paiyak na tono na halos basag na.

Napatungo sila saken bilang sagot. "Ssshhh wag ka na mag alala ako nang bahala sa bayad nyan. Gamitin mo na tong toga ko" - Julianne

"Ha? pano ka?"

" Okay lang, sasabihin ko nalang nakalimutan ko sa sobrang excited" Hindi na ko nakatiis at niyakap ng mahigpit si Julianne.

"Wag ka nang madrama jan tara na. Malapit na mag start. Let's just say bayad ko na yan sa pagtatanggol mo saken every time." Nginitian nya ko at inakbayan papunta sa pila.



Nakita ko naman ang gulat sa muka ni Fherzia. Nakita nyang walang suot na toga si Julianne kaya nabasa ko sa bibig nyang napamura sya.



Habang nagsisimula nang tawagin yung mga pangalan, lumingon lingon ako para hanapin si mama. Pero hindi ko sya mahanap. De bale, baka nga hahabol talaga.



Lahat ng ggraduate ay kasama ang magulang nila sa paglalakad. Ako lang ang nag iisang wala.



"Cassandrea Arzella Montes, First honorable mention with highest honors. Best in Math & Science, Best in Sports Club, Best in leadership award and Best in research award" Nagsimula na kong  maglakad.



Nakita ko sa mga mata ng nadaanan kong mga magulang ang pagtataka kung bakit mag isa lang na naglalakad ang Valedictorian ng Seikang High. Habang pinagtatawanan at pinagbubulunagn ako ng mga ka batch mates ko.



Napatawa nalang ako. Bakit nga ba mag eeffort pa sila pumunta? Bakit mag eeffort pang pumunta ang mga magulang sa hindi naman nila totoong anak? Napatawa  nalang ako sa sarili ko.



" Now let's give a round of applause for the valedictorian speech" Ang bilis, patapos na pala yung ceremony, lumipad na namn yung isip ko.



Umakyat na ko sa stage at nilabas yung kopya ko. Bago ko magsimula, umasa parin akong makikita ko si mama kahit papano. Pero, wala talaga.



"Sa anim na taon ko dito sa Seikang High, humarap ako sa iba't ibang pagsubok. Humarap ako sa iba't ibang kasinungalingan. Katumbas ng anim na taon na yon, ang paghihirap na makamtan ang mga pangarap ko sa buhay ngunit kahit isa sa mga yon, ay walang nangahas na maging dahilan sa aking pagsuko." Nakita kong nakuha ko ang atensyon nilang lahat, lalo na ng mga magulang.

"Hindi ako totoong anak ng mga magulang ko, hindi perpekto ang mga kaibigan ko. Maraming nagtangkang sumira ng pangalan ko." Gusto kong umiyak nang maalala ko lahat lahat ng nangyari sa akin. Pero pinigilan ko.

"Ilang beses akong nahulog sa bangin. Hindi makatayo. Wala man lang gumabay at umalalay sakin. Kahit na ang mga magulang ko." Nakita kong naluluha yung mga magulang na nakikinig.


"Ngunit hindi naging dahilan iyon ng pagsuko ko. Kahit nararamdaman kong wala nang pag asa, humanap ako ng dahilan na magkaroon. At sa araw na ito, lahat ng yon ay natapos na. Maraming Salamat at maligayang pagbati graduates! " Malakas na palakpakan ang natanggap ko. Pero tumakbo na ko palabas pagkatapos non.



Nanlalabo yung mga mata ko, sobrang bigat ng dibdib ko. WhoOooOo hingang malalim Cass, hingang malalim.



I found myself in a park. Dun ko nilabas lahat lahat ng iyak na kahit kailan hindi ko nalabas  Ngayon lang ako umiyak ng ganito.



"Sige lang, iiyak mo lang, So you would feel better later. " Napatingin ako sa tumabi sakin.



Matangkad sya, parang nakita ko na sya somewhere. Maganda, balingkinitan ang katawan. Mukang nasa 30+ na. Pero hindi halata dahil sa ganda nya.



"Sobrang bigat ng dinadala mo no?" Sabi nya ng may malungkot na tono. "I'm sorry kung wala ako sa tabi mo ng 18 years. Sorry kung hindi ko nasubaybayan ang paglaki mo. I'm sorry anak. " Sabi nya ng may paiyak na tono. Niyakap nya ko. Pero hindi ko sya niyakap pabalik.



Naguguluhan ako. Walang nag poproseso sa utak ko.  "Cass! Anak!" May tumawag saking boses lalaki kaya bumitaw sya ng yakap sakin. "Ikaw na ba yan anak?" Tuwang tuwang sabi nya sabay yakap sakin.


"Hon, nagulat ata natin sya. Mukang bato eh" Nagtinginan sila sabay tawa.

"We did this already. But let's do it again, with you. " Napakunot yung noo ko. Grabe kung hindi lang talaga marami yung iniisip ko, aakalain kong baliw tong dalawang to. Buti nalang mukang mayaman.

"ano po?"







"Let's have a DNA test. "

Unfated LoveWhere stories live. Discover now