Chapter 3: DNA test

0 0 0
                                    


Limang araw na pagkatapos naming magpakuha ng DNA test. Sinabi ko to sa mga kaibigan ko tapos sabi nila baka daw  scam. Sabi ko mukang hindi naman, kasi muka naman silang mapagkakatiwalaan.


Matagal ko nang gustong hanapin yung totoo kong mga magulang. Kaya naman gagawin ko lahat makita lang sila.


"Anjan ka lang pala" Pumasok si mama sa kwarto. "Pasensya na hindi ako nakaabot sa graduation mo. Kailangan kase ako ng kuya mo sa event nila sa school." Ngumiti ako. Ahh Cass, kailangan sya ng legit nyang anak.

"Okay lang ma, there's nothing special." sabi ko nalang

"Nga pala, may dumating na envelope para sayo daw?" Inabot nya sakin yung long envelope na brown. Kinabahan ako. Ito na yung resulta ng DNA Test.

"Ano to?" Bubuksan nya na sana pero kinuha ko sakanya agad.

"Draft research po namin to, pinabigay ng classmate ko." tumango tango si mama at paalis na sana nung pingilan ko sya. "Mama, bata palang ako sinasaktan ka na ni papa, bakit hindi mo sya hiniwalayan?" Sinarado nya yung pinto ng kwarto at umupo sa tabi ko.

"Nabubuhay kase tayo dahil sakanya, sya naman ang nagtatrabaho eh. Wala naman akong natapos. Kaya ikaw, tapusin mo hanggang college para hindi ka magaya sakin ha?"

"Hmm, Ma, pano nyo po ako nakuha nung bata pa ako?" Napaisip si mama na para bang inaalala ang nangyari.

"Ahh, nagkaroon ng aksidente non sa tapat ng bahay natin. Sa tingin ko 1 yr old ka. Walang tao sa loob ng kotse kundi ikaw lang. Iniwan ka siguro? kaya kinuha nalang kita." napaisip ako sa sinabi ni mama. Hindi naman ako hahanapin ng mga magulang ko kung sila ang nag iwan sakin don.

"Bakit mo nga pala naitanong?"

"Ahh, na curious lang po."

"Gusto mo bang mahanap yung totoo mong mga magulang? " Tinanguan ko si mama. "Wag kang mawalan ng pag asa, mahahanap mo rin sila." Hinaplos ni mama yung buhok ko at lumabas na rin sya.

Sinsaktan ako ng papa ko. Pero walang magawa si Mama at kuya dahil si papa ang parating nasusunod sa bahay na to. Kaya kahit gustong gusto nila kong tulungan o di kaya ipagtanggol, wala silang nagagawa kundi panoorin akong magdusa. At alam kong masakit yon sa parte nila.

Tinitigan ko ang envelope na to. Pinag iisipan ko kung bubuksan ko ba o hinde. Natatakot ako sa maraming bagay. Hindi ko alam kung gugustuhin ko ba ang magiging resulta.

Tinawagan ko si Julianne para humingi ng advice.

"Julianne, dapat ko bang buksan to?"

"Oo naman no, chance mo na yan i grab mo na!"

"Eh pano kung di ko gusto yung magiging resulta?"

"Positive man or hinde, ang importante nagtry ka. Kung negative man, edi okay lang! mag try ulit tayo. diba? Take the risk kung ayaw mong mawala lahat ng matagal mo nang pinapangarap."

"Sige, salamat Julianne."

"Even if the whole world turned their back on you, remember that I'm always here. lOve you dhai anokaba cheer up!!"  I smiled before I hung up.

Ilang months palang kaming naging close ni Julianne, after nung iwan kame parehas mga best friend namin. But i thought it's already years.

Unfated LoveWhere stories live. Discover now