Medyo mahaba po ito. :) Enjoy reading..
Alex POV.
Wala akong nasabi. Ngayon ko lang sya nakita na nagalit ng sobra. Nakita ko na naluluha na talaga sya. Ang daming nakatingin sa amen noon feeling ko tuloy ang sama sama ko sa kanya. Nakokonsensy talaga ako. Tinry kong habulin sya kaso ang bilis nya, nakapara agad sya ng taxi. Umuwi nalang ako magisa. Hanggang sa paguwi ko at bago ako matulog sya ang nasa isip ko. Iniisip ko kung itetext ko ba sya, hindi pa naman ako sanay na magsorry lalo na sa sobrang galit na katulad nya. Ilang beses kong tinry na itext sya kaso sa tuwing magtatype ako binubura ko din kasi hindi ko talaga kayang isend yun sa kanya. Babawi nalang ako bukas. Idadaan ko sa hospital yung kotse nya tapos papatulong nalang ako kay Sam papuntang Office ko.
1am na. pero eto hindi pa din ako makatulog. Iniisip ko pa din si Clancy. Siguro 2 to 3 hours lang ang naitulog ko. Nakalimutan ko, hindi nga pala ako nag dinner kagabi kasi nung iniwan nya ako umuwi na din ako. Hindi din ako makakapag breakfast kasi kailangan ko agahan kasi idadaan ko pa yung sasakyan nya sa Hospital. Tapos umuulan pa,. ang malas ko nga naman.
Balak ko kasi na ako nalang ang pupunta sa hospital, alam ko kasing hindi na ako susunduin ni Clancy sa office ko. 3:30 palang nagout na ako. Kasi Saturday ngayon off ni Clancy bukas sigurado uuwi yun sa kanila kaya kailangan agahan ko. Nag taxi lang ako papuntang hospital. Sa totoo lang gusto ko na umuwi kasi ang bigat bigat ng pakiramdam ko para akong tatrankasuhin tapos umuulan pa. pero kailangan ko tong gawin para hindi na sya magalit sa akin.
Andito na nga ako sa labas ng hospital, basang basa ako kasi wala naman akong payong. Ang tagal pa lumabas ni Clancy. Sobrang lamig talaga. Tapos nahihilo na din ako. Hindi ko na sya magawang itext sya. Pass 6 na din, pero wala pa din sya. Buti nalang nakita ko yung nurse na lagi nyang kasama sa tuwing napunta sila sa room ni weensy.
“ah miss excuse me.”sabi ko
“yes?? Ah ikaw yung nabangga ni Clancy right?” tanong nya. Alam nya pala.
“yeah,”
“okay ka lang ba? Bakit parang ang putla mo?” tanong nya.
“yeah, can you tell her that im here.”mahina kong sabi. Hindi naman talaga ako okay eh.
“sure, wait text ko sya” habang nagtetext sya. May bumusina na kotse sa harapan namen. Sundo ata ni Ms. Nurse. Tumingin sya sa akin na parang nagpapaalam na aalis na sya.
“ammh sure sure. No problem. Thank you” sabi ko
“sige, sorry huh hindi na kita masasahan magantay. Andito na kasi sundo ko. Pero tinext ko na sya wait mo nalang sya huh?” sabi nya.
“sige thank you din.. “ umalis na din sila.
Clancy POV
Message received from Carl.
>Carl: lance andito si alex sa labas, bumaba ka na mukang kanina pa toh ditto and I think something is wrong with her.
Text ni Carl. Hmnp. Ano namiang ginagawa nung unggoy na yun ditto. Kakasabi ko lang sa kanya na wag na akong bubulabugin eh. Nireplyan ko si carl.
>Lance: ano namang ginagawa nya sa baba? Anong drama ng unggoy na yun?
>Carl: girl tingin ko hindi sya nagdadrama ngayon, ang putla nya kasi promise. Babain mo na sya. Kalimutan mo na muna yang galit mo.
Nakonsensya naman ako. Naikwento ko na kay carl yung nangyari kagabi. Sabi nya dapat daw hindi ko ginawa yun, tama sya mali nga yung ginawa ko na sigawan sya pero kasi nakakainis na talaga.