continuation :)......
Habang nasa sasakyan kame.. nakikita ko pa rin sya na lumilingon lingon sa akin. Hahahaha.. kinikilig ako sa ginagawa nya..
“lance.. pwede mo naman sabihing ang gwapo ko eh. Papayagan din naman kitang titigan ako. Hahahahahaha kaysa pasimple ka pang tinititigan ako” biro ko sa kanya..
“ang kapal mo, hindi kita tinititigan noh.. yabang mo talaga hmnp."
“aminin mo na kasi, ayos lang naman eh.” Pang aasar ko sa kanya. Hahaha.
“ya-a-ang amoy mo, yang pabango mo.” Sagot nya lang.
“bakit anong meron? Ayaw mob a?” tanong ko
“parehas kayo ng pinsan mo.” Sabi nya.
Hmnp. Kaya nya lang ba ako tinitignan dahil dun? Naaalala nya si mel sa akin?? Hmnp.
“ahh.. ayaw mo nun kunwari si ler ang kasama mo ngayon?”
“tseee.”
Tumahimik na sya buong byahe namen.. kainis naman bakit eto pa ginamit ko na pabango..
Andito na nga kame sa kanila..
“good evening po tita.” Bati ko sa kanila.
“oh, alex ikaw pala. Kamusta na? wala ka paring pinag bago gwapo ka pa din” oh narinig nyo naman.. gwapo daw ako.. tumingin ako kay lance.. hahahaha
“hay naku, di mo ba alam na bolero si mama? Kaya wag kang matuwa jan.” sabi nya sabay kiss sa mama nya..
“bakit totoo naman ang sinasabi ko huh, gwapo naman talaga itong si alex huh..” ako naman ganito lang ^_____^
“mama wag nyo yan sabihin sa kanya lalaki lang ulo nya.” Sabi ni lance.
Tumawa lang si tita..
“oh jan ka na muna.. mag aayos na ako..” sabi nya..
Iniwan na nya ako sa sala.. si tita naman pinag handa ako ng meryenda.. evening snack daw dahil ayoko mag dinner.. ang sweet talaga ni tita..
Ayun wala pa ring pinag bago si tita.. madaldal pa rin talaga sya.. ayos lang ang dami ko nalaman na about kay lance.. tulad nalang ng mahilig sa dagat si lance.. na lahat ng alaala nila ni mel nilagay nya sa box na di susi tapos tinapon nya yung susi sa dagat para di na daw nya mabuksan.. na hindi kumakain ng seafoods si lance kasi may allergy sya dun. Tapos eto pa pinakita sa akin ni tita yung mga photographs ni lance.. ang nasabi ko lang ay “WWWWWOOOWWWW!!!” grabe sobrang gaganda ng kuha nya.. hindi ako mahilig sa mga ganun pero sobrang na appreciate ko lahat ng photographs nya.. ngayon napatunayan ko na sobrang sayang nga talaga ng talent nya na pinipilit nyang kalimutan dahil lang kay mel. Tinago din yun agad ni tita.. konti palang daw yun.. kasi yung iba dawn a kay lance. Di nya daw alam san tinago ni lance.. ayun.. basta ang dami kwento ni tita di ko nga namanlayan na tapos na pala si lance at anong oras na din..