CHAPTER 1
"P A S T"
"Daddy! Sorry po Top 10 lang ako. Ang hirap po kasi e" Sabi ni Lauren sa Daddy nila. Nabuhayan naman si Lara sa narinig. Top 10 lang si Lauren at Top 1 siya, nalamangan niya si Lauren. Siguro naman mas magiging proud ang Daddy nila sakanya ngayon
"Okay lang yan, Princess. Alam ko namang mahirap sa section mo" Sabi ng Daddy nila at binuhat si Lauren
"Anong gusto ng prinsesa ko dahil sa Top 10 siya?" Tanong ng Daddy nila kay Lauren
"Gusto ko po ng bagong dollhouse daddy!" Sagot ni Lauren
"Sige bibilhin natin yan ah" Sabi naman ng Daddy nila
Binigyan ng regalo ng Daddy nila si Lauren ng regalo kahit na Top 10 lang ito. Siguro mabibili na ng Daddy nila ang gusto ni Lara dahil Top 1 siya
"Daddy! Top 1 po ako!" Sabi ni Lara habang nakangiti at pinakita ang certificate niya
"Walang nagtatanong Lara. Tumahimik ka" Pambabara ni Soo Min kay Lara na nagpatahimik sakanya
"Anong average mo?" Ma-awtoridad na tanong ng Daddy nila sakanya
"Na-Ninety S-Six po" Sagot ni Lara at pinilit ang ngiti
"Ninety Six ka lang?! Ang baba naman ng average mo!! Dapat umabot ka na ng 97 or 98 man lang dahil sa mataas na yang section mo!! Sinasayang mo ang pinang-papaaral namin sayo!" Sagot ng Daddy niya
"P-Pero....T-Top 1 naman a-ako e" Depensa ni Lara sa sarili
"Ipinagmamalaki mo na Top 1 ka? Aba! Top 1 ka nga, Ang baba naman ng average mo!! Puro ka kasi pasarap sa buhay mo e!! Hindi ka na nagaaral!" Sabi pa ng Daddy nila "Wala kang pagkain ngayon Lara. Napakatamad mong mag aral!" Sabi niya pa at hinila ang asawa kasama si Lauren at umakyat na sa taas
Umiyak naman ng umiyak si Lara dahil sa masasakit na salitang sinabi sakanya ng ama. Palagi nalang magaling sa mga mata niya si Lauren at hindi na pinapansin si Lara na ginagatungan naman ng step mother niyang si Soo Min
Hanggang mag high school ang dalawa ay ganon parin ang eksena sa bahay nila. Mas mataas si Lara pero mas pinupuri si Lauren. Sanay na sanay na si Lara sa ganitong eksena sa bahay tuwing bigayan ng report card
At huling quarter na ng Grade 10 nila ngayon, Hindi na sinubukan lang sabihin ni Lara ang average sa ama dahil alam niya naman kung anong reaksyon nito. Kahit na puro paarte lang si Lauren sa eskwelahan ay pumapasa parin ito dahil sa binabayaran ni Soo Min ang mga guro nila
"Anong average mo Lara?" Tanong ng Daddy nila at tumingin kay Lara na paakyat na sa hagdan
"95" Maikling sagot ni Lara. Sa hirap ng pinagaaralan sa kurso niya ay isa na sa pinakamataas na grado ang 95. Sa section nila ay Top 1 siya at ang sumunod na average sakanya ay 92.64 na
"Bakit 95 lang? Nagbubulakbol ka na ba ha?! Hindi ka namin pinagaara--" Pinutol ni Lara ang sasabihin ng ama
"Hindi niyo ako pinag aaral para bumagsak? Hindi niyo ako pinag aaral para lang makakuha ng 95? Bakit? Sa tingin niyo madali 'tong pinagaaralan namin? Lahat naman ginawa ko ah! Bakit hindi niyo man lang masabi sakin na 'Ang galing mo naman Lara!' 'Ang taas naman ng average mo Lara!' Pero bakit di yun makalabas sa mga bibig niyo?! Yun lang naman yung gusto ko! Palagi niyo nalang akong ikinukumpara kay Lauren! Pero alam niyo yung mas nakakatawa? Mababa na nga yung grades ni Lauren siya parin yung bida sainyo! Lahat ginawa ko para makuha yung mga gradong ineexpect niyo sakin pero never akong nanalo mula kay Lauren kasi yung palagi lang naman magaling sainyo si Lauren diba?! Naka 89 lang si Lauren habang ako 95, Si Lauren parin yung magaling! Palagi nalang si Lauren! Lauren! Lauren! Haven't heard of Lara?! She's here! She's dying just to gave the grades you expected from her! But you know what's really funny about it? Her parents doesn't even see her hardworks! They doesn't even see her efforts! Kasi yung magaling na magaling lang naman para sainyo si Lauren! Dad....I wan't you to remember that you have two daughters, TWO! It's Lauren and....Lara....You can compliment Lauren but please don't leave Lara behind....It hurts...so much" Mahabang sabi ni Lara habang tumutulo ang mga luha niya at mabilis na umakyat sa kwarto niya at nagsara ng pinto. Masakit para sakanya ang mga naranasang iyon...Although alam niyang ganon naman talaga ang itatrato sakanya dahil sa anak nga lang siya ng isang mistress.....Isang kabit
~~~~~•~~~~~•~~~~~•~~~~~
"The winner is....." Pasuspense na sabi ng MC. Kabadong kabado si Yoongi at ang ilang nga contestant
"Contestant #12! Mr. Kim Taehyung! Congratulations!" Sabi ng MC sabay palakpak at palakpak din ng mga manunuod
Sa kabilang banda, Hindi naman makapaniwala si Yoongi sa narinig. Inaasahan niyang siya na ang mananalo dahil sa ginawa niya na lahat lahat ng makakaya niya para manalo pero...hindi parin sapat yun
"It's okay anak. Marami pa namang contest diyan na pwede mong salihan" Sabi ng kanyang ina at hinagod ang likod nito
"Yoongs! Huwag mong masyadong damdamin!" Sabi ni Yoona sa kapatid nang mapansin niyang nakakunot ang noo nito at mahigpit na nakasara ang mga kamay na tila ba galit ito
"Ayoko....Ayokong natatalo" Sabi ni Yoongi at tumayo at tinignan ng masama si Taehyung na nakatingin sakanya ngayon
"Yoongs, Chill....Wag kang mag start ng away!" Mahinang bulong ni Yoona sa kapatid
"Ayokong natatalo....Hindi na ako matatalo ulit" Sabi ni Yoongi at nilagpasan ang ate at ina habang padabog na lumabas
Nagpaumanhin naman ang ina sa mga tao at sinundan ang anak
Susunod na araw ay nakayukong pumasok si Yoongi
"Siya yun diba? Yung natalo sa robotics tapos sinamaan ng tingin si Taehyung?"
"Oo siya yun! Di niya matanggap na talo siya! Tapos sinisisi niya si Taehyung? Hay Nako!"
Mas lalong napayuko si Yoongi sa mga naririnig niya
Lumipas ang ilang araw ay ganun parin ang usapan sa kanilang eskwelahan na mas lalong nagpababa sa self-esteem ni Yoongi
"Okay class! May gaganaping Mr. and Ms. Campus saating eskwelahan. Sino ba ang gusto niyong maging representative ng ating section?" Tanong ng teacher nila
"Maam!" Pagtataas ng kamay ng isang kaklase niya
"Yes?" Sagot naman ng guro
"Maam! Basta huwag po si Yoongi ha? Baka po kasi mamaya magwala na pag natalo siya ulit!" Sabi ng kaklase niya at tumawa ng tumawa. Sumabay naman sa tawa niya ang tawa ng mga kaklase niya pa
Mas lalong napayuko si Yoongi at naisip na sa oras na siya ay natatalo, Maraming tao ang naiinis sakanya kaya nangako siya sa sarili na simula ngayong araw......
Hinding hindi na siya matatalo ulit
----------------------
So....How's the first chapter?
BINABASA MO ANG
Defeat|MYG|
FanfictionA man who can't accept his defeats and a woman psychiatrist who had a bad past....What will happen if the two met each other and mixed up with each other's lives? "In all the fights I got defeated....Our fights are the one I easily accepted" -Min Yo...