Defeat 6

229 11 0
                                    

CHAPTER 6

"M E E T I N G"

Yoongi's POV

Nasa dining table kami ngayon habang naglalaro ng chess. Ito na yung madalas naming pagka abalahan ngayon

"Yoongs" Tawag niya kaya napatingin ako sakanya

"Hmm?" Sagot ko habang nakayuko at iniisip ang strategy na gagawin ko

In some way, Medyo nacocontrol ko na yung sarili ko everytime na matatalo ako

"Alam mo bang may kaarranged marriage ka?" Tanong niya na nagpaangat ng tingin ko sakanya

"Ahh....Oo" Sagot ko at yumuko ulit dahil ako na ang gagalaw

"Agree ka?" Tanong niya

Tumingin naman ako sakanya "Wala naman akong magagawa" Sabi ko at tinignan siya

"Hindi ka ba nalulungkot....or somehow...nasasakal? I mean, Example gusto mo magjowa tapos di mo magawa kasi arranged ka ganon?" Sabi niya at nagshrug

"Wala naman akong jowa" Sagot ko katulad ng choice of words niya

"Kung meron nga" Sabi niya

"Eh wala nga" Sagot ko

"Example nga lang meron!" Pagpipilit niya

"Bakit? Gusto mo ba?" Tanong ko na nagpatahimik sakanya. Natawa naman ako sa reaksyon niya

"Just Kidding~" Sabi ko at ngumiti nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman iyon at tinignan

From: Mom
[Yoongi, Come here at the company. Quick]

"Pinapapunta ako ni Mama sa kumpanya. Maiiwan ka dito?" Tanong ko kay Lara

"Ahhh...Okay lang naman" Sabi niya

"Wag na. Sumama ka na" Sabi ko at tumayo. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at hinila siya palabas ng condo. Nilock ko naman ang condo ko at pumunta na kami sa elevator at sa parking lot

Pagdating namin sa kumpanya ay dumiretso na kami kaagad sa opisina ni mama

"Nandito na kami" Sabi ko at pumasok kami sa loob

"Kami?" Tanong ni mama at yumakap sakin

"Kasama ko si Lara" Sagot ko

"Hmm..." Sagot niya

"Bakit niyo pa ba ako pinapunta dito?" Tanong ko

"I want you to meet your soon to be wife" Sabi niya at tinawag ang babaeng kanina'y nakatalikod

"She's Park Lauren" Sabi ni Mama at humarap saakin ang babaeng matangkad, payat at nakafitted na dress

"L-Lauren...?" Tanong ng nasa likod ko na nagpaharap saakin sakanya

"Kilala mo siya?" Tanong ko

"S-Siya yung.....S-Step sister k-ko" Sagot niya

"Hi Yoongi" Bati niya saakin "And long time no see my dearest sister.....Lara" Sabi ni Lauren at lumapit saamin

"Y-Yoongs....." Bulong ni Lara sa likuran ko "Ano bang nangyari sainyo?" Tanong ko sakanya "B-Basta!" Sagot niya at tumakbo palabas

"Lara!" Tawag ko "Excuse us" Sabi ko at sinundan siya

Lara's POV

B-Bakit kailangan ko pa silang makita?...Bumabalik lang lahat sakin

*FLASHBACK*

"Lara naman! Maglalampaso ka lang di mo pa ayusin! Alam mo ba kung magkano yan ha?! Mas mahal pa yan sa buhay mo tapos babasagin mo lang!? Napakatanga naman kasi!!" Sabi ni Soo Min kay Lara habang nakaluhod ito sa sahig

"S-Sorry po" Sabi ni Lara habang umiiyak at paulit ulit na nanghihingi ng paumanhin

"Mommy! Sinira niya yung doll house ko!" Sumbong ni Lauren kay Soo Min at pumeke ng iyak

"Wala ka na ngang nagawang tama dito sa bahay tapos maninira ka pa ng gamit?! Napaka walang kwenta mo! Lumayas ka dito! Layas!"

"Lara!" Rinig kong boses mula sa likod ko na nagpabaling sakin doon

Si Yoongi pala

"Ano bang nangyari? Tunatakbo ka nalang bigla palabas" Sabi niya at tinabihan ako

"K-Kasi....A-Ano" Ayaw lumabas ng mga salita mula sa bibig ko kaya napaluha nalang ako, Inaalala ang mga masasakit na salitang sinabi nila saakin

"Let's go. Umuwi na tayo. Dun ka nalang magexplain" Sabi niya at hinila ako papunta sa kotse niya

Tahimik lang ako habang nasa biyahe kami. Ganun din si Yoongi

Nang makarating kami sa condo ay iniupo niya ako sa upuan sa harap ng piano at kumuha ng monoblock at umupo sa harapan ko (Ganto kasi yan, pagpasok mo ng condo sa harap ng pinto andun na yung piano tapos sa left yung sala tapos sa right yung kitchen)

"Anong nangyari? Why did you just ran away?" Tanong niya

"S-Siya yung.....s-step sister ko...." Sagot ko at yumuko habang magkasalikop ang dalawa kong kamay

"Siya ba yung nanakit sayo? Kasama yung step mother mo?" Tanong niya pa na ikinatango ko

"T-Tapos.....s-siya pala yung b-bride mo" Sabi ko at mas lalong yumuko

Itinaas niya naman ang ulo ko at nagpantay ang mata naming dalawa

"Hindi siya....kung ayaw mo"

---------------------------

Defeat|MYG|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon