Gael Pov:
She's jealous!
And I find it cute...
"Hindi ko naman napansin she's flirting with me, and nakakahiya naman if I didn't smile back diba?" I answered gently.
"So sa akin noon okay lang sayo ang deadmahin mo?"
"Siyempre hindi, but I have to."
"And why?"
"Dahil napakaganda mo. Dahil ayokong magkagusto sayo."
"Kung hindi ba ako umamin sayo ng feelings ko, at hindi nanganib ang buhay ko, hindi ka rin ba aamin?"
Natigilan ako.
Because what she just said, hit me.
I have no plans kasi talaga.
"Silence means... Yes." she stated then shrug her shoulders. "It's okay I understand Gael." dugtong nitong wika at nginitian ako.
I know, kahit ayaw nitong aminin at ipakita, she's been hurt and disappointed.
"I'm sorry. It's just that, ayoko lang na masaktan ka... Everytime I see your face, lalo na pag nakangiti, natatakot ako, na ang mga ngiti mo mapalitan ng lungkot at luha pag pinursue ko ang feelings ko para sayo. Hindi mo kailan deserve ang masaktan at mgdusa dahil napakabuti mong tao. " I explained her the truth." Kaya lang ang madami kong kinatatakutan naglaho lahat, mas nakakatakot pala nong sabihin mong you want to give up on me. "patuloy ko nong di ito umimik.
" No one's perfect Gael. And as I've told you, if masaktan man ako, masaktan mo man ako pagdating ng araw, don't blame yourself, it's my choice na mahalin ka, at kasama nong minahal kita ang posibilidad na masaktan ako. Wala naman kasi talagang makapagsasabi what will happen diba?" she said and smile at me.
Palagi itong may positive outlook halos sa lahat ng bagay.
Nakaka good vibes.
Kaya lang...
Minsan...
Her mood pabago bago.
Babae💃
And then our order came. Hinatid ng dalawang waiter.
Maybe because it's late na for breakfast at pareho kaming gutom. Agad na kaming kumain ng walang imikan.
"Oh by the way, give me you're phone number later, then bibigay ko din number ko sayo." wika ko ng maalala, tapos na ako kumain. I just drink my coffee.
She just nod, and finish her food too.
Then drink water."Wala ka bang facebook, twitter, messenger, instagram?" she ask.
"No." maikli kong sagot.
Natawa ito. "Totoo?"
"Yes." alanganin kong sagot.
Nakakahiya mang aminin, pero yon ang totoo. Wala talaga akong hilig sa mga social media.
"Bakit? Halos lahat ng tao ngayon, they all have." natawa nitong sabi sa akin, na aamused din.
"Ayaw mo no'n yong boyfriend mo hindi mahilig sa social media?"
"Actually, gusto ko, gustong gusto." she agree while pakindat kindat pa.
I really didn't imagine this day would come, totoo.
And I'm very thankful it happened.
"But... , even if gusto ko, you need to create one, a Messenger will do, para pwede tayong mag video call... Pero, ako lang dapat ang friend mo." maya maya dugtong na wika nito.
Kahit hindi ako active sa social media alam ko naman lahat anong ibig sabihin ng mga iyon. I don't know lang how to create it, and how to use it.
" Bakit ikaw ba, isa lang friend mo sa messenger? "
" Don't tell me selos ka?" kantiyaw nito sa akin.
"Sigurado ka bang wala kang mga manliligaw?" duda kong tanong.
"Meron. Kaya lang I stop entertaining them, nong na met kita sa bar. Even, I don't know your name, lagi kitang naiisip. Hanggang nagtuloy tuloy na."
Natahimik ako.
Lagi akong may pagdududa dito, but she always amaze me.
The love she had for me, ramdam ko yong very genuine.
Yong wala lang.
Walang maraming explanation, basta she loves me. Yon na yon.
Everytime she looks at me, pakiramdam ko, gwapong gwapo talaga ito sa akin.
Nakaka boost ng confidence ko na matagal ng nawala sa akin.
"Thank you." came out from my mouth, staring at her with amaze.
"Lagi ka na lang nag te thank you." komento nito with a laugh.
"And hindi ako magsasawa to say that."
"Sana, hindi ka magbago Gael. I mean, yong pagkakagusto mo sa akin, natatakot ako baka pag hindi na tayo magkasama, you will realize.... Ugh! Mahal lang talaga kita. I'm sorry." she said and drink her coffee.
"Bakit ka nag so sorry?" I asked looking at her. She can't look at me now.
I get her right hand na nakapatong sa mesa.
Then she slowly look into my eyes."Baka kasi isipin mo, wala akong tiwala sa nararamdaman mo para sa akin."
"Hindi mo kailangan mag sorry Lou, dahil ang kung ano mang mga kinatatakutan mo sa relasyon natin, ganon din ako. Pero we could work this out kahit hindi tayo magkasama. We should trust each other. Wala ng atrasan." I said firmly.
Sigurado na ako, kung may babae man na gusto kong mamahalin ko habang akoy nabubuhay, si Lou lang iyon.
She just nod while a smile form in her lips.
But the expression of her face change agad.
" May problema ba? "tanong ko dito.
" Yes. About the terrorist na nandon sa hospital. Kailangan natin siya mailabas before gumabi. Bilin ng mga kasamahan nito. Dahil kung hindi mangugulo sila. "
"Wag mo ng alalahanin iyon. Ako na ang bahala."
"Totoo!?" she's happy na ulit.
I nod. "Yes."
Sapat na ang takot na nadarama nito kagabi, ayoko ng mag alala pa ito ulit because of those people.
Madali ng lusutan ang pagpapalabas ng pasyente kahit wala pang tatlong araw.
Maya maya lumabas na din kami ng restaurant para bumalik ng hospital.
Pagkarating doon, agad akong nagpunta sa head office nitong hospital. While si Lou, pinadiretso ko muna doon kina JC.
Kailangan matapos na ang koneksiyon namin sa mga terorista.
Bukas na ang alis namin, para sa bagong misyon. Hindi na aabot ng isang araw na makasama ko si Lou.
Gusto kong sulitin ang ilang oras na kasama ito. Make memories with her kahit sandali lang. Babaunin ko sa aking pag alis.
YOU ARE READING
Stay With Me
RomanceA story about a Soldier and a Doctor. On how their LOVE survive despite the long distance RELATIONSHIP. On how their TRUST build even their far from each other. And who is the ONE willing to give up their JOB just to be with him/her.