Part 45

54 5 0
                                    

Lou Pov:

"Ugh! This is so frustrating!" inis kung satinig habang iniisip what could maybe the reason why Gael, seems always busy these past days. He always calls naman to check on us, but it's not enough. Dapat bumabawi ito sa amin ni Axel. Isa pa itong si Kuya, palagi ding wala sa bahay at kung umuwi gabi na. Nag leave nga ng two months, hindi mo naman mahagilap. Wala tuloy ako mapagbuntunan ng inis!

Tulad ngayon, gabi na ulit. At kahit ayaw ko, I can't help myself, but expect that Gael would came. One week mahigit ko na itong di nakikita. Nakaka miss din kaya, araw araw sa nakalipas na eksaktong sampung buwan, palagi ko itong nakikita. Tapos nagising lang at gumaling na talaga, di man lang kinonsedera ang aking damdamin. Hindi din naman ito umuwi ng Bataan para di ako madalaw araw araw. Pag tinanong ko naman, why he didn't visit us, may inasikasong papeles. Diba, nakaka frustrate! Ano bang klaseng papeles yan at umabot nang isang linggo mahigit?

"Good evening!?"

"Ay! kabayo!"gulat kung sambit at napaigtad talaga ng bongga. Lakas ng tibok ng puso ko.
Paano kasi nagsalita malapit sa aking teynga.

I'm here at the dining area at kumain mag isa ng dinner. Sina Mom at Dad may friends dinner na pinuntahan.

Pagtingin ko who it is....

It's Gael!

Wearing a big smile on his face na parang wala itong kasalanan sa akin! Lalo akong nainis!

Padabog akong tumayo at sinamaan ito ng tingin.
Kaya lang namiss ko pala ito.

Ayan tayo eh, bumibigay agad ang depensa. Mahal ko talaga ang lalaking ito.

Tapos biglang may nilabas galing sa likuran nito.

A boquet of fresh flowers.

"Para sayo." He said sabay abot sa akin.

Tinanggap ko naman. "Ano to suhol?" Kunwari'y inis ko paring saad tikwas ang isang kilay.

"Hay, nagtatampo talaga ang mahal ko." Anito at lumapit sa akin, then hug me lightly. "I love you." May pahabol pa.

"Mag sorry ka muna kaya, bago yang i love you mo." Maktol ko este lambing pala.

Pinakawalan nito ako pero di naman lumayo, he stare at my face.

"Na miss kita." Talagang iniinis ako.

"Patawarin mo na Lou!" Biglang sulpot ni Kuya. Dumiretso sa ref.

I march towards him.
Pagtapat ko dito binatukan ko sa ulo."Isa ka pa!" Gigil kung sambit.

"Ay bakit pati ako nadamay!" Reklamo nito, kinamot ang ulong binatukan ko. Hawak naman sa kabilang kamay nito ang cartoon ng fresh milk.

"Binigyan nyo ako ng sakit ng ulo, kakaisip anong mga pinagkakaabalahan niyo!" Singhal ko sa dalawa.

But they just laugh at niyakap ako ng sabay.

"Sorry na!" Nagduet pa ang dalawa.

"Okay, sorry forgiven, yan lang naman hinihintay ko, lalo na sayo Mr. Gael!" sambit ko at pareho silang tinulak, naipit ako sa yakap ng mga ito.

"So were good na?" Tuwang bulalas ni Gael.

"Hmmpp..As if naman matitiis kita." Inirapan ko ito at nagtungo sa lababo para maghugas ng kamay.

"Pa'no baliw na baliw sayo Gael." Buska sa akin ni Kuya Lance sabay halakhak. He's now sitting on the dining table drinking fresh milk. Pati si Gael, binigyan din na tinanggap naman nito. Hindi ko alam, close na agad ang dalawa.

"Isa pa, tatamaan ka ulit sa akin!" Gigil kung banta dito, nakasimangot.

"Ganyan ka naman lagi sa akin. Naku Gael, ngayon pa lang mag isip isip ka na kung pakakasalan mo pa ba tong kapatid ko. Sadista." Hindi talaga ako tinigilan. At si Gael naman, ngingiti lang.

"Ang hilig mo kasing mang asar!" Reklamo ko sabay padyak sa kaliwang paa at sinamaan ito ng tingin. Looks like I'm gonna cry. Baka maniwala si Gael na sadista ako.

"Nakakainis!" Dabog ko at iniwan ang dalawa sa dining area.

Paakyat na ako sa staircase ng bigla may humila sa akin.
Paglingon ko si Gael.

"I love you and hindi magbabago ang pagmamahal ko para sayo kahit sadista ka pa." anito seryoso.

"Hindi naman ako sadista, kay Kuya lang. Ang hilig mang asar." Nakayuko kung wika.

He lifted up my chin."I find it cute. You two na nag aasaran, hindi ko nakita ang sadista doon."

"Totoo?" I said.

He just nod at hinila ako. He hug me.

Pumapanatag talaga ang aking kalooban, sa yakap nito. At lagi kung ipagpapasalamat sa Diyos na ibinalik nito sa akin si Gael. Hindi ko ma imagine na mawala ito sa buhay ko ng maaga.

"Malapit na birthday ko, two days na lang. Sana wag ka muna umuwi ng Bataan. I want to celebrate it na kasama ka." pahayag ko.

"Yeah! Of course!" Masiglang payag nito and let go of me.

"I love you Gael." Sambit ko with eye contact with him and smile at him sweetly.

"Hay, ang swerte ko talaga!" He said smiling too at giniya ako paakyat sa taas. Magkahawak kamay kami habang naglalakad. "I love you too." Ganti nito sa aking i love you and kiss me sa gilid ng aking teynga.

Dumiretso kami sa kwarto ni Axel. He wants to see our baby bago umuwi kina Tito Charles.

At talaga namang kahit tulog, kinuha sa crib at kinarga.
Pupungas pungas tuloy ang paslit na nagising.

Akala ko mag ta tantrums, but no, he smile at Gael. He really know it's his Dad.

"How's my baby?" Tanong nito kay Axel at pinugpog ng halik sa mukha.

Nakiliti naman ang bata, humagikgik. Then when Gael stop, Axel touch the face of his Dad. Parang na miss din nito ang ama na ilang araw di nakikita.

"You miss Daddy too? Huh! You miss Daddy. I miss you too son."

Kung pwede lang ako na ang mag aya dito ng kasal so that we could be together na, ginawa ko na. Kasi naman, ni isang beses, hindi na nito binanggit ang tungkol sa inalok nitong kasal sa akin dati. Pero naiintindihan ko naman kasi kagagaling pa lang nito sa coma.

Napabuntung hininga ako ng malalim while looking at them na busy sa pagkukulitan. My heart is so full of gratitude that I have them both in my life.

"Pwede kaya dito nalang ako matulog ngayong gabi?" Biglang baling na tanong nito sa akin. "Dito sa room ni Axel." Dugtong nito ng di ako makaimik agad. Medyo na loading ako.

Actually hindi naman talaga dito natutulog si Axel sa gabi. Katabi ko lagi. Pinagawan lang ng room para pag may mga emergency akong lakad pwedeng sa room nito ito matulog kasama ang yaya at  para may playroom na din sa umaga.

I rolled my eyes. "Axel sleeps in my room. But you can sleep there too."

"Are...are you sure it's okay with them? I mean Lance, Tito and Tita."

"We already slept together Gael." Vocal kung sambit.

Tapos bigla akong kinindatan, sira ulo talaga.

Napailing nalang ako at natawa.

"I'll borrow Kuya Lance a clothes para may pamalit ka." Paalam ko dito ng mabilis. Bigla ata akong namula dahil sa pagkindat nito, kung bakit kasi ang daldal ko.


















Stay With MeWhere stories live. Discover now