Fantasy High : 04

3 1 0
                                    

-----


"WAAAHHHH!!!" Sigaw lang ako ng sigaw habang nililipad ako ng sasakyang kinauupuan ko. "WAAAHHHH! AYUKO NAAA!!!" Maiiyak na talaga ako!! Ayuko na!!

"HAHAHAHA!" Siraulong SVEN!!! Maiiyak na ako tapos sya maiiyak na rin sa kakatawa!

"WAAAHHHH!! TAMA NA!!!"

Ang likot. Ang likot ng paningin ko. Buti ako hindi. Tae. Umiikot na ang paningin ako at parang ano mang oras ay masusuka ako. Kakababa pa lang namin sa sinakyan naming ride at hindi na ako sasakay ulit! Ayuko na! Ayuko--- masusuka na ata ako! Pero walang lumalabas kaya sinara ko na lang ang bibig ko at naupo saka pinatong ang ulo sa tuhod.

"Hahaha! Kaya pa ba?" Tae. Nanghihinang itinaas ko ang kamao kong nakakuyom. Ni hindi ko na nga makuyom ng maayos. Tawa lang naman sya ng tawa.

Naiwan ko ata sa ere ang kaluluwa ko. Hindi ko na kayang maglakad pa. Nanghihina na talaga ako. Kaya naman, sa sahig na talaga ako naupo saka inayos ang pagkakastraight ng legs ko. Kulang na lang humiga ako sa sahig. Pero ayuko, marumihan pa ang buhok ko kaya no thanks na lang.

"Tumayo ka na jan." Aniya. Sinamaan ko naman sya ng tingin bago bumusangot. Dinig ko naman ang tawa nya. Tss. "Dun tayo magpahinga sa isang cafe."

Nanghihina man ay tumayo na ako at sinundan sya sa paglalakad. Pero huminto ako ng may makitang cafe. Tinakbo ko ang pagitan namin ni Sven at bahagyang hinili ang dulo ng damit nya. Tumingin naman sya sa'kin. Nginuso ko ang Ice Cream Cafe bago tumingin ulit sa kanya. Bumuntong hininga sya saka ako hinila habang nakaakbay sya sa'kin. Para-paraan din. Smirk.

Nakaupo na ako habang hinihintay si Sven na bumalik. Sya kasi ang nag-order dahil hindi ako makakapili kong sumama ako sa kanya na mag-order. Kitang-kita ko sya mula sa kinauupuan ko kaya kita ko rin ang paglapit ng isang babae sa kanya. Nilingon nya ito ng walang kaemo-emosiyon. Pero hindi yun tumalab sa babaeng sobra ang ngiti. Bumubuka ang bibig nung babae kaya I assume na nagsasalita ito. Duhh.

Hindi ako chismosa kaya pinabayaan ko na lang silang mag-usap. Pero yung ice cream koo! Ang tagal.

Nakanguso akong tumitingin sa labas ng cafe. Ihh! Nagugutom na ako, gusto ko ng ice cream! Binalik ko ang tingin kay Sven at nakikipag-usap pa rin sya dun sa babae. Okay lang naman kahit tumagal ang usapan nila, pero yung ice cream nga kasi! Tumingin ulit ako sa labas at saktong nagtinginan kami nung bata. Nanlaki ang mata ko at nagmamadaling gumawa ng portal palabas. Ayuko dumaan sa pwesto nina Sven baka magtanong pa yun pag napansin ako.

"Van!" Ani ko saka niyakap ng mahigpit ang bata.

"Tita Zu!" Aniya saka yinakap din ako pabalik.

"Sinong kasama mo?" Tanong ko pagkahiwalay ng yakap.

"Uhm, si kuya Vince!" Sagot nya habang nakangiti.

"Nasa'n naman yun?" Takang tanong ko habang pinapalibot ang paningin sa paligid.

"Nag-CR po." Sagot nya.

"Ba't hindi ka nya sinama? Pareho naman kayong lalaki?" Kunot noong tanong ko.

"Hindi ko po alam." Aniya. "Ano pong ginagawa nyo dito? Diba po may school ka?" Tanong naman nito.

Fantasy HighWhere stories live. Discover now