Fantasy High : 02

7 2 0
                                    

-----


MAGIGISING. Maghahanda. Papasok. Makikinig. Kakain. Makikipagkwentuhan. Papasok. Uuwi. Maghahanda. Matutulog.

Paulit-ulit lang hanggang sa isang araw... Anniversary na ng Fantasy High! May magaganap daw na program at kailangan umattend ang lahat ng estudyante ng F.H. Ayuko sanang pumunta kaso nga, LAHAT daw ng estudyante kailangang pumunta. Ano naman kaya ang ganap dun? Shrugs.

Kasalukuyan din kaming nasa dorm ni Helian. Pipili raw kasi kami ng susuotin namin. Roll eyes. Baka puro pambata ang ipasuot nya sa amin.

"Wala ka bang ibang kulay na damit? Pwera sa orange?" Tanong ni Isha habang nakataas ang kilay. Pwera kasi sa white at yellow,puro orange na ang kulay ng damit nya. Err, nahiya yung mga purple kong mga damit. Hehe.

"May mall naman diba dito---"

"Tama! Magmall na lang tayo!" Putol ni Isha sa sasabihin ko.

Nasa tapat pa lang kami ng mall pero kita na namin ang mga taong nagsisiksikan makapasok lang sa loob.

"Maybe, no." Mahinang ani ko. Sinang-ayunan naman nila ang sinabi ko at napagpasyahan na magsarili na lang daw kami sa pagpili ng susuotin naming damit. Gulo namin noh?

Bumalik na ako sa dorm ko at dumaretso sa kwarto ko. Mamayang gabi na ang party. Kailangan ko na lang maghanap ng damit para sa susuotin ko. Tapos maliligo na ako!

As I was saying nga, pagkabukas mo ng closet ko, bubungad sayo ang colorful kong mga damit. May purple, may violet, may magenta at iba pang kulay na related sa purple/violet. Pero syempre, may kakaunti naman akong damit na hindi related sa purple or violet ang kulay.

*knock*

*knock*

*knock*

"Pasok!" Aniko.

"Psst." Nilingon ko si Titus na nasa pintuan ko pa at nakasilip lang.

"Bakit?" Kunot noong tanong ko.

"Diba sabi nung Prof natin, dapat may escort ang mga babae?" Tanong nya. "So, may escort ka na ba?" Tanong nya pa. Natawa naman ako ng konti dahil sa itsura nya. Nakalabi habang nakatingin sa sahig. Ang cute!

"Wala pa." Sagot ko.

"Pwedeng ako na lang?" Tanong nya habang nagpa-puppy eyes. Ang cuteee! Natatawang tumango ako. Para syang bata.

Nakangiting sinara nya ang pinto ko. Nagpatuloy naman ako sa pagpipili ng damit. At sa huli, napili ko yung dress na indigo sa taas,dark violet na gitna hanggang sa purple na ang pang-ibaba. Nai-imagine nyo ba?

(A/n: kung hindi nyo naiimagine dahil hindi naman ako marunong magdescribe XD nasa multimedia ang pic 👆)

Naligo na ako pagkatapos kong makapili ng susuotin. Hindi ko muna sinuot ang dress na susuotin ko. Ano yun excited lang? Lol. Nakabath robe lang ako at sinimulang ayusin ang sarili.

Fantasy HighWhere stories live. Discover now