Fantasy High : 05

0 0 0
                                    

cw // alcohol

-----

"ZULEIKA! CALLISHA! San kayo pupunta?" Sulpot ni Helian na nakangiti.

"Helian may alam ka bang bar na nakalocate sa loob ng academy?" Tanong ko habang nagpupumiglas sa hawak ni Isha.

"Huh? Uhm, ewan." Sagot nito. "Pero parang may narinig na ako tungkol dun. Bakit?"

"Gusto mong sumama?" Tanong ni Isha kay Helian ng nakangiti.

"Saan?" Excited na tanong ni Helian. Halos mapatampal naman ako ng noo.
"Puntahan natin ang sinasabi nilang bar!" Sagot ni Isha. Mas bumusangot ako ng makitang mas lumiwanag ang mata ni Helian. Seryoso ba sila?

"Ilang taon na kayo ulit?" Tanong ko saka hinilot ng bahagya ang sentido. Bata pa ako para mastress!

"17!" Sagot ni Helian na nakangiti pa rin.

"17 na tayong tatalo. Malapit na sa 18 kaya consider na yun Ika! Hindi naman tayo maglalasing! Saka, bakasyon na! Sulitin na bago magsimula ang second semester!" Pangungumbinsi ni Isha.

"Ang panget pakinggan lalo na at hindi pa tayo 18! Wa---"

"Tara na!!!" Sabay nilang sigaw saka tumatakbong hinihila ako. Halos madapa naman ako sa biglaan nilang paghila. Pag ako nadapa!

"Hello po! Pwede po bang pumasok?" Tanong ni Helian sa isang bantay sa tapat ng Sky Bar. Habang inaayos ko naman ang sarili ko. Mygosh! Buti hindi ako nadapa! Tsk!

"Only 18 and above lang diba ang pwede pumasok jan?" Agad kong tanong dun sa bantay.

"Pwede naman po ang 16." Sagot nito na ikinabusangot ko. Ngingiti-ngiti naman ang dalawa kong kasama. Ano bang meron sa bar?!

"Kuya naman! Pwede nyo namang sabihin na "Oo! 18 and above lang ang pwede!" Ihh!" Ani ko ng nakabusangot. Natatawa naman ang dalawang hinila ako papasok.

Anong klaseng management ang meron dito?! May bar sa loob ng academy?! Hindi dapat yun pwede! Baka hindi na pumasok ang mga estudyante at dito na mamalagi!

"Actually miss, sarado ang bar na ito tuwing may pasok." Nakangiting sabi nung bartender. Mas lalong bumusangot ang mukha ko. "Smile miss, mas gumaganda ang babae kapag nakangiti."

"Talaga ba? Buti na lang at natural na sa'kin ang nakangiti, since birth na. Since birth na rin akong maganda, hihi." Bungisngis na ani ni Helian. Napairap lang naman si Isha.

"Ba't mo binabasa ang utak ko?" Tanong ko dun sa bartender na ang laki ng katawan. Pero gwapo.

"Salamat." Nakangiting sambit nya kaya pinanliitan ko sya ng mata.

"Wag mong babasahin ang utak ko." Ani ko.

Tumitingin na rin ang dalawa kong kasama sa mga drinks na pwede nilang inumin. Nakabusangot man pero tumingin na rin ako sa mga drinks na available.

"Libre mo Isha ah?" Paninigurado ko. Naiirap naman syang umoo kaya umorder na ako. "Isang Chocolate Fuse."

Ngumiti naman yung bartender saka nagsimulang gawin ang inorder ko. Tinugnan ko lang naman kung paano nya ginawa ang inorder kong drink hanggang sa maserve na nya ito. Buti na lang pala at hindi puro alcohol ang available. Baka nasa dorm na ako ngayon at nagpapahinga.

Fantasy HighWhere stories live. Discover now