Fantasy High : 07

0 0 0
                                    


-----


NASA loob lang ako ng kwarto ko,nakikinig ng music. Kakatapos ko lang manood ng isang movie at naisipan kong magpatugtog. Ilang sandali na lang at maghahapunan na kami.

*knock*

*knock*

*knock*

"Open!" Sigaw ko. Bumukas ang pinto ng kwarto ko at sumilip doon ang mama ko.

"Get dress,princess." Utos ni mommy na ikinakunot ng noo ko. "Where going somewhere." Dagdag ni mommy bago sinara ang pinto at hindi man lang hinintay ang sasabihin ko.

Kahit nagtataka ay nagbihis na rin ako. Plain blue dress na may white ribbon lace as a belt and flat shoes. Nagsuot ako ng headband na parang tinirintas at may Forget-Me-Nots flowers on the side. I grab my pouch as I exit my room.

"Where are we going, mommy?" Tanong ko agad pagkababa ko.

"At my friend's house." Sagot ni mommy.

"Why?" Tanong ko ulit.
"Uhm, farewell party? Not sure." Blink. Seriously, mom? "Pupunta ng mortal world ang asawa nya." Dagdag nya kaya tumango na lang ako.

"How about daddy?" I asked.

"Hindi sya sasama, pero sasama ka. So lets go." My eyebrows knotted. Pout. Can't I stay here?

Sumunod ako kay mama ng nakanguso. Well, ganyan na talaga ang tatay ko. Nasa loob lang sya ng bahay palagi. Sa loob ng bahay nya ginagawa ang mga trabaho nya. And maybe, sa kanya ko namana ang hindi pala-labas. Shrugs.

Dahil sa mabilis na pagpapatakbo ni mama ng sinasakyan namin,ilang minuto lang ay nakarating agad kami sa,,, Jongvale?

May pinakita si mommy na card dun sa security bago kami pinapasok. Patuloy pa rin sa pagmamaneho si mommy hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang mailaw na bahay. Party nga.

"Lets go." Sumunod lang ako kay mommy hanggang sa pumasok sya sa loob ng bahay.

"Alyssa! Buti't nakapunta ka!" Sulpot ng isang babaeng kasing-edad lang ata ni mama.

"Ako pa ba?" Ani ni mama saka sila nagtawanan. Okay? "Eto nga pala ang nag-iisa kong anak,si Zuleika." Pagpapakilala sa akin ni mama run sa babae.

"Hello, there. I'm Rhian, you can call me Tita Rhian." Pagpapakilala ni Tita Rhian. Ngumiti naman ako sa kanya. "You're so pretty."
"Well, may pinagmanahan." Singit ni mommy. Ngumiwi naman si Tita Rhian. Haha.

Nagpaalam muna si tita Rhian na aasikasuhin pa ang ibang bisita kaya pagkatapos kong kumain, nagpaalam din ako kay mama na lalabas para magpahangin.

Ang lamig ng simoy ng hangin dito sa labas. Naglakad-lakad ako hanggang sa natagpuan ko ang isang playground. Gabi na kaya wala ng mga tao, so solo ko ang playground!

Sumakay ako sa swing at dinuyan yun. Ang tahimik ng paligid kaya di maiiwasang hindi ako mapaisip ng kung ano-ano. Bigla kong naisip yung mga pinapanood kong horror movie. Yung mag-isa lang yung bida sa isang lugar tas gabi pa. tapos biglang may magpaparamdam dun sa kanya--- waaahhhh! Tinatakot ko lang ako sarili ko. Tae. At dahil sa mga pinag-iisip ko, napagpasyahan kong umalis na sa playground at bumalik na sa bahay nina tita Rhian.

Nakakatayo pa lang ako ng biglang yumanig ang lupa. Agad kong pinalutang ang sarili ko at hinanap ang taong may gawa nun. Nilibot ko ang paningin ko sa buong playground. At saktong pagtingin ko sa likuran ko, may biglang bumubulusok na mga bato ang nakita ko. Nagbalak akong gumawa ng barrier para protektahan ang sarili ko, pero dahil sa pagkataranta ay hindi ko yun nagawa. Napapikit ako at hinintay na tumama sa akin ang mga bumubulusok na mga bato ngunit wala akong naramdaman. Iminulat ko ulit ang mga mata ko at na bigla dahil sa pader na nakatapat sa harapan ko, ang dahilan kung bakit hindi tumama sa akin ang mga bato.

Fantasy HighWhere stories live. Discover now