My Classmate's Brother

1K 4 0
                                    


Andy's POV

"So girls, anong oras tayo pupunta kila Ethan?" pabulong na tanong ni Shay sa amin. Nasa kalagitnaan kasi kami ng klase.

"No idea." bored naman na sagot ni Louise sa kaniya.

"Andy?" baling sa akin ni Shay. "Nagtatanong kasi sa akin si Marco." tukoy niya sa boyfriend niya. "Gusto niya daw sumama."

"You do realize na project ang pupuntahan natin kila Ethan di ba? At hindj date?" kunot noong tanong ko sa kaniya.

Nakangiti naman to ng alanganin at pailalim akong tinignan.

Gosh. She's using that face again!

"Alam ko naman. Kaso kasi, alam mo namang 2 months na kami hindi nagkikita. Tas hanggang bukas lang siya dito, eh mamaya pa siya makakadating." mahinang sagot niya.

Sundalo kasi ang boyfriend niya at hindi naman din kasi sila talaga madalas magkasama dahil sa Mindanao ito nadistino.

"We'll talk later." sagot ko pero nasa harap pa din ang tingin. Nahuli ko kasi yung prof namin na nakatingin sa amin.

Hindi pa naman ako gusto ng prof namin na to dahil sinagot sagot ko siya last week. All I did is to point out what he said wrong, which turned into an argument. And my point has been proven. *flips hair*

We're currently eating at the bench while waiting for Ethan. Irreg student kasi siya and mas una ng 1 hour ang uwi namin nila Shay.

"Wala naman tayong pasok bukas ng morning. Hindi ba pwedeng bukas nalang kayo magkita?" tanong ko kay Shay na kinabusangot niya.

"Andy, aalis na din siya ng gabi bukas." sagot niya na para bang hindi niya yun sinabi sa akin ng ilang ulit na simula nung dismissal namin.

"Kaya nga. You guys still have time to spend."

"No!" exaggerated na sagot niya. "You see if he will arrive today at 7 and he will leave tomorrow at 6. That means we only have 23 hours for each other."

"23 hours---"

"Well, minus the time he'll spend sa pag punta sa barracks nila pagdating, siempre maliligo pa yun tapos babyahe pa. After that kinabukasan he still has to allot a time to prepare his things before leaving again." mahabang sabi niya na naman. Ni hindi nga ako pinatapos sa sasabihin ko."Hindi mo kasi naiintindihan kasi single ka eh." tampong sabi niya pa.

Aray ha. Bastos na to!

Ngali ngali na akong sumagot pero inunahan na ako ni Louise.

"Isama mo na"

Pagkarinig nun ni Shay parang nagningning pa yung mga mata niya.

"Thank you, Louise. Buti ka pa may puso." pagpaparinig niya. "Buti nga pupunta pa ako sa overnight na yan eh. Kung hindi lang talaga to last na overnight natin, hindi talaga ako pupunta."

Nakadating na kamo sa bahay nila Ethan ng passed 8 pm. Thanks to the traffic.

Nasa loob kami sa library sa bahay nila Ethan. Hindi ganun kalaki yung bahay nila pero sapat na to have a 21 square meter library na sakto para sa paggawa namin ng project.

We're Accounting students pero we have an IT subject na minor and this subject requires us to do a simple database depending sa choice namin.

At first we do not know what to do kasi hello Accounting po bakit kailangan namin gumagawa ng system? Pero good thing Ethan has a ComSci graduate na kuya. He's three years older than us and has been helping us since day one.

One Shots SPGWhere stories live. Discover now