WHC 1

9 0 0
  • Dedicated kay IreneSambile
                                    

RJ'S POV

Ashburn State University

7:55 am

Matapos kong tignan ang wrist watch ko ay bumaba na ako sa aking kotse. Inayos ko muna ang medyo nagusot kong uniform at saka lumakad ng mabilis habang palinga-linga ako sa buong parking lot ng ASU.

Natatakot kasi ako na baka may bigla nanamang humarang sakin at pagtripan ako. Siguro naman ay walang bibinyag sakin ngayong unang araw ng pasukan dahil busy ang lahat sa paghahanap ng kani-kanilang designated rooms.

Buti nalang alam ko na kung saang room ang first subject ko. Dito ako dumaan sa likod ng building ng engineering department para makaiwas sa mga dapat iwasan.

Malapit na ako sa back door ng building nang biglang may lumagapak sa lupa kaya bigla akong napatingin sa right side ko.

Napatingin din ako sa mataas na bakod nitong eskwelahan habang pababa ng baba ang aking tingin sa babaeng nakaluhod ang isang tuhod sa lupa.

Seryoso natalon nya yung bakod na yon na 8feet ang taas?

Amazing! ang galing naman nya.

Tumayo na yung babae na ipinaglihi yata sa pusa at pinagpag ang kanyang tuhod, pagkatapos ay iniayos nya ang kanyang mahabang buhok dahil napunta lahat yon sa harapan at natakpan ang kanyang mukha.

Nung maayos na nya ang kanyang sarili ay bigla syang napatingin sakin dahil siguro hindi naman talaga daanan ng mga istudyante ang lugar na ito at kami lang ang tao dito ngayon.

She walk towards me. Maganda sya pero bakit parang ang weird ng itchura nya para sa isang babae? Muka syang-

I suddenly heard a snap kaya napakurap ako. Nasa harapan ko na pala sya. Bakit di ko naman yata napansin?

"Checking me out?" mayabang nyang sabi. Naks ah ang taas ng self confidence.

"H-hindi ah. Naamaze lang ako dahil kaya mong tumalon sa ganyang kataas na bakod." shit bakit ba ko nauutal?

She smirk then left. Hays siguro nga wala talagang gustong kumausap sa akin ng matagal dahil sa itchura ko.

Napatingin tuloy ako sa wrist watch ko.

Oh fuck! 8:15 am na! Male-late na ko!

Kaya naman nagtatatakbo na ko sa loob ng engineering department. Nasa 4th floor pa naman ang room ng first subject ko. Tsk!

Pagdating ko doon ay marami nang tao sa loob ng room. Yung iba nagkakamustahan about their vacation at yung iba naman nagkukulitan lang, kaya nakatungo akong pumasok. Ayaw kong mapansin nila ako. Mahirap na. Naupo ako sa last row at pinakadulong upuan sa tabi ng bintana.

Sakto lang ang dating ko dahil kasunod kong pumasok ang aming prof.

----------------------------------------------------

ALLIE'S POV

Tangina! tinanghali ako ng gising punyeta! mag aalas-otcho na!

Dali-dali akong naligo at nagbihis at lumipad papunta sa bago kong papasukang school. De joke lang yung lumipad. Actually pinili ko talaga tong apartment na nilipatan ko dahil malapit lang sya sa bago kong school. Walking distance lang.

Kaso iikot pa dun sa kabilang kanto para marating ang main gate. Baka ma-late pa ko pag dun ako dumaan. Sa sobrang laki ba naman ng lintek na skwelahan na yun eh aabutin ako ng pito-pito bago makarating sa dapat puntahan. Isa pa hahanapin ko pa yung lintek na classroom na yun kung nasaan man yon.

When he CriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon