RJ'S POV
poke.. poke..
Kinalabit ko ang aking bagong katabi. Lumingon naman sya kaso nakataas ang isang kilay nya habang nakapangalumbaba pa rin.
"Classmate tayo?" mahina kong tanong.
"Is'nt it obvious?" medyo madiin ang pagkakasabi nya ngunit mahina lang upang sapat kong marinig.
"It is." nahihiyang kong tugon. Ibinalik na nya ang kanyang pansin sa gurong nagtuturo sa unahan.
Aish! Ano bang klaseng tanong yun RJ? Natural magkaklase kayo kasi kung hindi edi sana wala sya ngayon dito. Pero sa loob-loob ko ay may nararamdaman akong saya. Siguro naman sa huling taon ko sa kolehiyo ay may magiging kaibigan na rin ako. Tama! kakaibiganin ko sya mamayang lunch break, sana ay hindi sya tumanggi. Napangiti ako sa aking mga naiisip. Itinuon ko na lang din ang aking pansin sa pisara.
----------------------------------------------------
~kkkrrriiinnnggg!!!!~
Sa wakas lunch break na rin! Nag- inat muna ako bago ipasok ang mga gamit ko sa loob ng akin bag. Kahit unang araw palang ng klase ay marami na agad itinuturo.
"Miss suma-" paglingon ko sa aking katabi ay wala na sya! inilibot ko ang aking paningin sa buong classroom, halos naglalabasan na rin aming mga kaklase.Ako na lang yata ang nandito sa loob. Natanawan ko syang nasa labas na ng pintuan.
Binilisan ko na aking pag-aayos upang habulin sya. Aish ang bilis naman nyang mawala! lakad-takbo ang ginawa ko palabas ng room ngunit-
BBLLAAAGG!
Paglabas na paglabas ko sa pintuan ay natalisod ako dahilan upang malakas akong bumagsak sa sahig ng lobby. Oh fuck!
"hahaha."
"hahahaha lampa talaga hahaha!"
"Pano tabachoy kasi kaya hindi nakaya ang katawan bwahahaha!"
"Oo nga sis hahaha!"
Narinig kong tawanan ng mga istudyanteng nakakita sa aking pagbagsak. Nangingilid na ang luha ko dahil sa kahihiyan ngunit pinigil ko dahil baka lalo lang nila akong pagtawanan.
Tumayo na lamang ako at pinagpag ang narumihan kong uniform. Hindi pa man ako nakakabawi ay may bumatok na sa aking ulo.
"Oi baboy ramong nerd sumunod ka samin!" sigaw sa akin ni Lester.
"Bakit? Ano nanaman bang ginawa ko sa inyo?" mahinang tanong ko.
"Aba't nagtatanong kapa!-" tinulak nya ako. "- mga pre kaladkarin nyo na yan!" aniya pa sa kanyang mga kaibigan at nag patiuna nang maglakad.
Tinulak-tulak naman ako ng mga kaibigan nya.
"Mabuti pa sumunod ka na lang para di ka lalong masaktan haha!" sabi nung tumulak sakin.
Siguro sila ang may pakana kaya natalisod ako kanina.
Sumunod na lamang ako tutal ay lagi naman nila akong pinagtitripan eh. Nasanay na ko. Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng loob nila sakin e di ko naman sila inaano. Lalo na tong si Lexter. Hindi sya pumapalya ng pangbubully sakin simula nung 1st year kami. Hinahayaan ko na lang tutal isang taon ko na lang sya makakasama,natyaga ko nga ang tatlong taong pangbubully nya eh,ngayon pa ba ako susuko?
May araw ka rin.
----------------------------------------------------
ALLIE'S POV
BINABASA MO ANG
When he Cries
RomanceI thought no one could accept me for who am I. No one could respect me. No one could love me. No one dare to be friend with me. I thought everyone is going to hurt me. Until she came.