ALLIE'S POV
Fukai Mori (Inu-yasha theme song.)
Fukai fukai mori no oku ni
ima mo kitto.
Okizari ni shita kokoro
kukushiteru yo.
Kinapa ko sa gilid ng uluhan ko ang cp. Grabe sobrang bangag pa ko. Sino kaya tong pesteng tumatawag na to. Di nya ba alam nakakabulahaw sya ng natutulog?
boy-baduy Calling ...
"Hello." sagot ko. Nakapikit pa ko at nakadapa sa higaan.
"Allie nagising ba kita?"
"Hindi! hindi! sa katunayan nyan nag i-sleeptalk lang ako ngayon." pamimilosopo ko. Mas bangag pa yata sakin tong kausap ko eh.
"Ah kanina pa kasi kita tinatawagan."
"Why?"
"Diba pupunta tayo sa mall ngayon?"
Tss oo nga pala. Inaya nya ko ngayong sabado gumala. Napa-oo na lang ako kasi kawawa naman tong lalaki na to eh. Hays ewan ko ba sa sarili ko. Hindi kasi ako basta-basta nakikipag-kaibigan sa kung sino-sino. Siguro ginayuma ako neto hmm.
"Anong oras na ba?"
"11:30 na."
Shet tinanghali ako ng gising! 12noon kami magkikita eh.
"ge ge txt ka na lang kung nasaan ka man at susunod na lang ako."
"Susunduin na kita. Saan ka ba nakatira?"
Hell no!
"Wag na! Kaya ko nang mag-isa!" pagkatapos ay inend call ko na. Hahaba pa usapan eh.
Bumangon na ko at tumingin muna sa salamin na nasa gilid ng aking higaan. Grabe feeling ko dumoble na mga eye-bags ko sa sobrang yatpu! Dumeretcho na kong cr para maligo.
MALL
Hmm asan na kaya yun? sabi nya sa text dito lang daw sya sa tabi ng penshoppe pero bakit wala naman. Tsk ang dami-dami naman kasing tao ngayon dito.
Bigla na lang may humawak sa balikat ko. "Hoy!"
"Ay kalbo!" sorry naman nagulat ako eh. Tumingin ako sa aking likuran. Si RJ pala. Alam nyo ang panget talaga nito magdamit tapos samahan pa ng makapal na salamin, braces at hinimod ng kalabaw na hairstyle. Baduy na baduy eh! Pero may itchura naman kahit medyo chubby.
"Haha lagot ka kay kuya nakatingin sya sa atin." bulong nya tapos itinuro nya si kuyang masama ang tingin samin. Bakit? Dahil kalbo sya? E di naman sya yon eh!
"E di naman sya yon eh! Tara na nga gutom na ko." nagpatiuna na kong maglakad.
"Haha saan mo ba gustong kumain?"
"Sa foodcourt nalang."
Sabi nya kasi libre nya daw since sya ang nagyaya at syempre sino bang ayaw ng libre? Haha.
"Bakit? Ayaw mo ba sa restaurant? May alam akong masar-"
Huminto ako at nilingon sya. "Hindi porket marami kang kwarta eh magsasayang kana." Mayaman kasi tong ugok na to. May kotse eh. Saka mahal pagkain sa mga ganong kainan. Ayaw ko non.
"Per-"
"Hindi mo ko jowa para pakainin sa lugar na ganon. Saka isa pa mura ang pagkain sa foodcourt at masarap din." naglakad na ulit ako.
Sumunod naman sya. "Aish oo na. Palagi ka nalang highblood." nakangiti nyang turan.
Sa totoo lang gwapo sya pag nakangiti. Ako lang ba nakakakita non? Tss mga naiisip ko. Erase erase!
BINABASA MO ANG
When he Cries
RomanceI thought no one could accept me for who am I. No one could respect me. No one could love me. No one dare to be friend with me. I thought everyone is going to hurt me. Until she came.