Yohan Pov
Inis at galit ang nararamdaman ko ngayon ng makita kong magkasama si chloe at si zander, Anong pakana na naman kaya ang binabalak nung lalake na yun, Kung ano man yun hindi ako papayag na gawin nya yun kay chloe ko."Bakit kayo magkasama?" Tanong ko habang pinipigilan ang sarili ko.
"K-kuya kasi a-ano---" Putol ni chloe sa sasabihin nya ng magsalita si zander
"Bakit may problema ba kung magkasama kami? Napaka protective mo namang kuya kung pipigilan mo syang makipag-usap o makipag-kaibigan man lang sakin" Sabi nya saka lumapit kay chloe, Hinawakan nito ang kamay ni chloe saka akma na sana silang aalis ng pigilan sila ni brent.
"Hey saan mo sya dadalhin" Tanong nito saka akma na sanang aagawin yung kamay ni chloe pero pinigilan sya ni zander
"Pwede ba, Tumabi ka dyan sa dadaanan namin" Cold nyang sabi saka tumingin sakin. "Wag kang mag-alala wala akong gagawin sa kanya" dugtong nya saka tuluyan kaming tinalikuran ni brent habang hawak nya ang kamay ng chloe ko.
Sa inis ko ay natiklop ko yung kamao ko saka akma na sanang susuntukin yung pader ng pigilan ako ni brent. "Wag mong suntukin, kawawa yung pader" Nang-aasar nyang sabi saka umalis, "Fuck baliw sya" Sabi ko sa sarili saka naglakad patungo sa tambayan namin ng ka-Gang ko.
Ayoko ng pumasok ngayon nakakawalang gana, Habang naglalakad ako ay may nahagip yung mata kaya napahinto ako. may sumusunod sakin, Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad ng biglang--------
BooooooOooooooghhhhhhhhsss
"A-ahhhhhhhhhhhh" Daing ko ng may humampas sa likod ko kaya napaluhod ako
"Masakit ba King yohan" Sabi nung humampas sakin saka nya ulit ako hinampas nung dos 4 dos na hawak nya.
"F-fuck a-ahhh" Daing ko ulit ang sakit sobra, Alam kona kung sino yung gagong humampas sakin, Sya lang naman yung mukhang unggoy na leader nung gang na natalo namin, Kaya siguro gumaganti sya ngayon.
"Ano yohan kaya mo paba?" Nakangisi nyang tanong sakin, Tumayo ako kahit na masakit parin yung likod ko.
"Wag kang ngumisi nagmumukha ka lalong unggoy" Cold kong sabi saka pinagpag yung pants ko
"unggoy pala ha" Inis nyang sabi saka akma na sana ulit akong hahampasin ng kunin ko yung kahoy na nandoon saka ko sya inunahan kaya napaluhod din sya, "Sh*t nakaisa ka!" sabi nya saka ulit tumayo, binitawan nya yung dos por dos na hawak nya saka tumingin sakin na parang may pinapahiwatig..Alam kona , binitawan ko din yung kahoy na hawak ko saka ako tumingin sa kanya. Hindi pa man ako nakakapag-ready ay nasuntok na nya agad ako sa mukha, "F*ck nadudungisan na yung gwapo kong mukha" Sabi ko sa isip saka ako sumugod at sa pagkakataon na yun ay hindi kona sya hinayaang makasuntok pa sakin. Pawis na pawis akong napaupo ng matapos yung laban namin at ayun yung unggoy na yun nakahandusay, Nawalan na ata ng hininga, wag naman sana. Tumayo ako saka naglakad pauwi, ayoko ng pumunta sa tambayan mas mabuting umuwi nalang ako.
"A-anong nangyari dyan?" tanong nung isang pamilyar na boses.
"Wala to" Sagot ko saka akma na sana ulit maglalakad ng pigilan nya ako
"Yohan alam kong hindi ka ok, please hayaan mo akong damayan ka" Sabi nya saka hinigpitan yung hawak sa braso ko
"Nicole hindi mo kaila----" Putol ko sa sasabihin ko ng magsalita sya
"Please" sabi nya saka sya yumuko, wala nakong nagawa kundi ang pumayag, no choice naman ako makulit kasi yang si nicole.
Chloe pov
Nandito kami ngayon ni zander sa park, Ewan ko kung bakit nya ako dinala dito, "Sorry nga pala chloe" sabi nya habang nakatingin sa malayo
"Bakit ka nagsosorry?" tanong ko saka tumingin sa kanya sakto rin naman ang paglingon nya kaya nagkatitigan kami.
BINABASA MO ANG
Ang Inosente Kong Kuya
Teen FictionAnong gagawin mo kapag nainlove ka sa kuya mo? Itutuloy moba yung nararamdaman mo o susuko kana lang kasi alam mong magkapatid kayo. Subaybayan ang kwento nila Chloe at Yohan na aantig sa inyong mga puso.