Chapter 5

103 1 0
                                    

Yohan Pov

Pagkakita ko kila chloe ay agad akong umalis ng bahay, Nagseselos ako eh -,-

Sa bagay kasalanan ko naman, Kung diko sana sya iniwan edi sana di sila magkasama nung brent na yun -,- bwiset kasi yung zander na yun pinagbantaan yung buhay ni chloe.

Siguro nalilito kayo, Isa akong gangster at si zander sya yung taong galit na galit sakin.

Nagalit sya sakin nung malaman nyang may gusto sakin si Nicole yung ex-Girlfriend nya,At dahil sakin kaya sila naghiwalay, Sa pagkakaalam ko sa ibang bansa na nakatira si nicole.

At yung si zander dipa rin sya maka-move on kay nicole hanggang ngayon kaya ayun ginagantihan nya ako.

Subukan lang talaga nyang saktan si chloe mapapatay ko sya.tsk

Nandito nga pala ako sa bakanteng lote na kung saan ako lagi akong tumatambay kapag malungkot ako.

Naalala kona naman tuloy yung kanina, Naghalikan sila ang sakit nun.

Bakit ba kasi diko pa masabi sa kanya na hindi kami magkapatid baka sakaling may pag-asa pang maging kami, yung magustuhan nya ako, kaso diko pa kayang sabihin sa kanya natatakot ako na layuan nya ako, hayyst ang hirap

"Mukhang may problema ka ata" Napalingon ako dun sa nagsalita

"Anong ginagawa mo dito" inis kong sabi habang nagtitimpi sa kanya<

"Kinakamusta ka dati kong kaibigan" Sabi nya habang nakangiti

"Zander pwede ba wag mong idamay si chloe" Sabi ko saka kinawakan yung kwelyo nya.

"Easy pare" Sabi nya ulit saka tumawa ng nakakaasar

"Sa pagkakaalam ko hindi talaga kayo magkapatid ni chloe tama ba?" Tanong nya

Napantig yung tenga ko ng sabihin nya yun.

"P-paano mo nalaman" Sabi ko

"Hindi na importante yun, Ang isipin mo na kung paano kapag nalaman nya" Sabi nya kaya nasuntok ko sya.

"Gago ka zander!" Galit kong sabi saka akma sana ulit syang susuntukin ng unahan nya ako.

"Easy kalang yohan, nag-uumpisa palang ako" Sabi nya saka ako tinalikuran, Napahawak ako sa labi ko, Sakit sumuntok nung gag*ng yun.

Chloe pov

Nandito ako sa sala habang di mapakali, anong oras na kasi wala parin si kuya, nag-aalala nako.

Napatingin ako sa gate ng makitang pumasok yung kotse ni kuya,Agad akong lumapit sa kanya.

"Kuya bakit ngayon kalang?" tanong ko ng hindi nya ako pansinin nagdire-diretso lang sya papasok sa bahay

"kuya may problema kaba? pansinin mo naman ako" sabi ko ulit habang hinahabol sya kaso dipa rin nya ako pinapansin hanggang sa makarating kami sa kwarto nya.

"kuya naman eh, ano bang problema" sabi ko ng bigla nyang isara yung pinto, F*ck sinaraduhan ako -,-

"Bahala ka dyan! Akala mo papansinin kita bukas magta-------" sigaw ko ng bumukas yung pinto.

"Chloe pwede ba na-ccr nako, istorbo ka" Sabi nya saka sumandal dun sa may pintuan.

Napanganga ako dun sa sinabi nya.

"Tumata---" putol nya sa sasabihin ko.

"Nawala na, Napigil istorbo kadaw kasi" Sabi nya ulit saka ako inirapan.

wahhhhhhhh nang-irap bakla talaga.
Napatingin ako dun sa may labi nya, teka bakit parang may dugo.

"kuya ano nangyari dito" Tanong ko saka hinawakan yung labi nya

Ang Inosente Kong Kuya Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon