Chapter 14

27 2 0
                                    

Nicole Pov 

Hindi parin ako makapaniwala na sinampal nya ako, Ano bang tingin nya sa sarili nya? Totoo naman yung sinabi ko ah? Na nilalandi nya yung boyfriend ko. 

"Bakit mo sinabi kay chloe yun!" Sabi ni zander kaya napatingin ako sa kanya 

"Dahil yun ang tama!" Inis kong sabi para kasing kinakampihan nya pa yung chloe na yun. 

"Hindi kaba naaawa?" tanong nya saka sya tumitig sa mata ko 

"Bakit ako maaawa? Ako ang dapat na kaawaan mo!" Sigaw ko ng bigla nyang hawakan yung dalawang balikat ko 

"Maaawa? Nicole tama na ang pagpapanggap! Alam kong wala kang sakit! At sinasabi molang yon kay yohan para kaawaan ka nya! " sabi nya habang nakahawak sa balikat ko ng mahigpit 

"Paano mo nalaman?" Tanong ko habang pinipigilan na tumulo yung luha ko, Binitawan nya yung balikat ko saka sya sumandal sa pader. 

"Hindi na importante yon" Sabi nya kaya lumapit ako sa kanya saka ako lumuhod 

"P-please wag mong sasabihin kay chloe lalong lalo na kay yohan" Pagmamakaawa ko habang nakaluhod parin, Hindi ko hahayaang sabihin nya yung totoo. 

"Nicole pwede ba tama na!" sigaw nya kaya napatayo ako 

"Z-zander kahit konting awa lang please" sabi ko ulit saka ko hinawakan yung kamay nya 

"Nicole tama na! wag kang desperada!" Sabi nya kaya nasampal ko sya 

"Bakit mo ginagawa sakin  to zander!" Sigaw ko habang tumutulo yung luha ko 

"Dahil mali ka nicole!" Mahinahon nyang sabi kaya mas lalong tumulo yung luha ko 

"Zander mali bang magmahal? Mali bang mahalin ko si yohan?" Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin 

"Nicole wag mo ng ipilit yung sarili mo sa taong ayaw sayo.. please tama na" Sabi nya kaya naitulak ko sya 

"Hindi zander! hindi ako titigil! akin lang si yohan sakin lang sya!!" Sigaw ko bago sya iwan mag-isa 

Zander Pov 

Nakatayo ako ngayon habang hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni nicole, Desperada na nga talaga sya.

Hindi kona nakikita sa kanya yung dating sya, Ibang iba na sya ngayon hindi kona sya kilala. 

"Zander diba ka-gang mo sila brandon?" Biglang tanong sakin ni aldrin kaya napalingon ako sa kanya 

Oo nga pala hindi nyo pa alam, ka-gang ko sila brandon at hindi alam ni yohan na kasali ako sa gang na bumugbog sa kanya. 

"Ang kapal din ng mukha mong puntahan si yohan pagkatapos ng ginawa ng mga ka-gang mo sa kanya!" inis nyang sabi saka akma sana akong susuntukin ng pigilan sya ni rex. 

"Wag dito nasa hospital tayo" Sabi ni Rex saka tumingin sakin. 

"Kung ano man yung nangyari kay yohan kasalanan nya yon! " Sabi ko saka sila tinalikuran 

"Alam moba kung bakit hindi lumaban si yohan kanina?" Muling sabi ni aldrin kaya napahinto ako sa paglalakad 

"Hindi" maikling tugon ko  

"Wag na kayo mag-away wala naman ng pupuntahan yang pag-aaway nyo" Sabi ni rex kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad, Hindi ko alam na sila brandon ang bumugbog kay yohan kaya wala akong nagawa upang ipagtanggol sya. 

Fast Forward

 

Nakaupo ako ngayon habang hinihintay si brandon, tinext ko kasi sya na magkita kami. 

Ang Inosente Kong Kuya Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon