Chapter 7

10.2K 52 0
                                    

Andrea Pov!

Sumapit yung araw na graduation ko ng Kinder kasama namin sya nag akyat din sya para sabitan ako ng medalya at ribbon mayroon din syang regalo sa akin na isang stainless na pwedeng lagyan ng mainit at malamig na tubig.

Nene, lagi mo itong gagamit pag pumasok kana sa elementarya matibay ito hindi agad ito masisira. - sabi nya sa akin habang karga karga ako.

Uncle salamat po sa regalo nyo po, opo ito po gagamitin ko sa sunod na pasukan, iingatan ko po ito. - naka ngiting sabi ko sa kanya

Sige aasahan ko yan na iingatan mo ang mga bagay na bigay ko sayo ,masaya akong nakikita kang masaya . - sabi nya sakin

May 1 , ito yung araw na ikakasal na sya abala ang lahat sa pag luluto at pag aayos para sa kasal nila parang ang bilis lang January 12 sila nagka kilala tapos mayo 1 sila ikakasal ..Katulong din si mama sa pag luluto kahit na maga yung binti nya kasi tumulong parin si mama at papa ako naman isa sa mga naging isa sa mga flower Girl sa kasal nila.

Nung mag pipicturan na ayaw kung sumama, umiyak ako nilapitan na ako ni mama at lola Nelda pero umiyak parin ako hindi ko alam kung bakit ako umiiyak habang kinakasal sila.Nung hindi na nila ako mapatigil sya na mismo ang lumapit sa akin at kina usap ako.

Ssshhh!!tahan na wag ka ng umiyak ang ganda ganda pa naman ng ayos sayo ngayon matatanggal make up mo sayang kaya wagkana umiiyak sumama kana sa pag picture. - sabi nya sa akin habang karga karga ako hindi ko alam kung bakit sa tuwing sya ang mag papatahan sa akin madali lang akong napapatahan nya kaya naman tumigil na ako pag iyak.

Pare!tila yata ang batang iyan ang mag papasakit ng ulo mo.grabe maka iyak parang tutul sa kasal mo knina ko pa yan nkitang umiiyak simula nung kasal nyo.
- sabi nung isa sa mga kumpare nya hindi naman narinig nung iba dahil busy sila sa pag picture ,paalis narin yung iba papunta sa reception.

Ng maka alis na ang lahat patungo sa isang hotel ang reception nila pero.Maraming bisita halos buong barangay ang dumalo ako naman ay sige lang ang ikot ikot sa loob pero nung kakain na ako ang inasikaso nya binigyan nya ako ng pagkain at ma iinom..Nung ihahagis na yung bulaklak na hawak nung bride lahat ng dalaga at abay ay nag kumpulan habang ako nka tingin lang.

Pero nagulat ako ng sa akin mismo na lumanding na boque nung bride hindi naman ako kasali sa akin napa punta  may kasabihan daw na kung sino ang maka salo ng boque ng bride yun ang isusunod na ikakasal kaso ako ang naka salu kaya naman inulit yung pag hagis ng boque.

Ilan sa mga kamag anak ni mam lani yung iba maraming kinuha na pagkain kala ko gutom lang sila pero laking gulat ko inilagay sa plastic bag yung pagkain na nasa plato nila.

Ng matapos na ang kasalan umuwe na kami dahil sa pagod ang lahat lalo na si mama at papa sila ang naging katulong sa pag aasikaso sa pagkain at hugasan na plato may katulong naman kaso si mama masakit pa ang kanang binti nya lalong na mamaga. Kaya umalis narin kami.

Sila Uncle Abner naman at ang bagong asawa nya umalis narin pupunta pa sila sa Manila.Dun daw muna sila ng ilang araw may bahay kasi dun si Uncle Abner sa Novalitches ,Quezon City may nka tira naman dun pamangkin nya at iba pang relative nya.ilang araw din silang ma wawala kaya si mama at papa na nman ang mag aasikaso sa bolmilan at pabutasan marunong na kasi si mama mag timbang ng ginto pati ako marunong narin dahil sa natutu ako kaka tingin sa mga ginagawa nila.

I'm a Rape Victim ( True Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon