Chapter 13 (Pagbabalik ni Papa)

8.1K 42 0
                                    

Andrea Pov!

Hindi na ako papasok sa private school na yun dahil nga sa nangyari na gawa ko na kipag away ako ..tapusin ko lang daw matapos ang buwan ng Marso.

Sumapit na yung Birthday ng Pang apat na kapatid ko na babae si Baby ray ray kaya naman marami ang handa si Uncle Abner ang nag handa syempre Anak nya..

Dahil sa anak na nga ni Uncle Abner si baby ray pinag sabihan na ni mama si Uncle na.

Kuya, kung maari sana ay bawas bawasan mo na yung mga binibigay mo sa mga bata, lalo na kay Andrea, ma dalagita na kasi sya at isa pa ibigay mo na lamang kay baby ray mas kailangan pa nya kasi ikaw naman ang ama nito - sabi ni mama

Hayaan mo na ako Jane, ito na lamang ang tanging tulong ko sa mga bata saka pari-parihas ko naman silang binibigyan meron din naman si baby ray ko - sabi ni Uncle Abner.

Pag sapit ng buwan ng Marso, may event sa school meron kaming recognation na gagawin. Dalawa na kaming nag aaral nung kapatid ko na babae sunod sa akin. Sabi ng isa sa classmate ko meron daw kaming award na matatanggap ..ako rin daw meron naka lagay daw sa invitation kaya naman masaya ako..Nag attend kami ng kapatid ko may award sya subalit sa akin hinihintay ko na tawagin ang pangalan ko ngunit tila hindi ako tinawag kahit naka lagay sa invitation ang pangalan ko na ksama sa award ilang beses ko pang hiniram yung invitation nung katabi ko para icheck na mabuti pero andun nga..Kaya naman pag katapos ng program tinanung ko sila kung bakit hindi tinawag pangalan ko sabi ng teacher ko.

Hindi na kana namin pina akyat sa stage dahil wla naman si mama mo saka di pumayag yung iba na may award ka dahil nakipag away ka sa ka klase mo - sabi ng Teacher ko.

Kaya naman grabe ang sama ng loob ko sa kanila.sabi ko sa Teacher ko.Yung kapatid ko hindi narin nag punta sa recognation namin dahil sa nangyari.

mam, ipinagtanggol ko lang ang sarili ko dahil sila naman ang nang bubully sa akin at sa kapatid ko - sabi ko

Umuwe narin ako nun na galit sa kanila pero hindi ako umiiyak sabi ko sa sarili ko " Talunan lang ang umiiyak, award lang yan makukuha ko rin ulit yan , Kaya ko ito ako pa " sabi ng isip ko.

Kaya nung mapasukan ulit iba naman ang school ko sa Paaralan Ng San Rafael ako nag enroll isang public school, marami akong magiging kaibigan. Kasama ko yung kapatid ko na babae Grade two naman sya malaki sa kain dahil mataba ako naman tama lang ang katawan hindi payat hindi rin mataba..

Kaya naman sabi ko sa sarili ko na "Gagalingan ko sa klase ko para may award ako at si mama ang mag lalagay nun"

Subalit malayo ang paaralan nilalakad lang namin mahigit dalawang kilomentro din ang layo nun may sasakyan naman na Jeep kaya lang medjo tanghali na dumaan kaya lakad na lang kami marami naman kaming mga estudyante na nag lalakad ska maraming prutas sa daanan ang kalsada hindi pa simentado.Masaya naman mag lakad kahit malayo pa maaga lagi ang gising namin dahil 7:30 ang time 7:15 ang flag ceremony ..Mag hapun ang pasok namin kaya nag babaon kami ng pananghalian namin ng kapatid kung babae.

Pinag igihan ko ang pag aaral ko nun kapag may exam at quiz may perfect score ako minsan 2 mistake. May katabi ako nun na dalawa kaklase ko ako yung nasa kanang bahagi nasa gitna si rose mae sa kaliwa naman si Patrick .

Mahitsura si patrick maputi sya matangos ang ilong saka makinis ang kutis nya ... Ako naman malinis ako sa katawan ,maputi rin ako saka sabi nila maganda daw ako.
😊😊😊

May inabot sa akin si Rose mae na papel na naka tupi. Binasa ko ito.

Andrea ,
         Nung pasukan pa lang crush na kita, ang cute kasi ng smile mo saka maganda ka, hindi karin masungit at mabait ka, kaya kung pwede sana na ligawan kita.
           Sana pumayag ka.

                                     -  Patrick -

Na tawa ako dahil nasa iisang haba lang kami ng upuan nun pagitan lang namin si rose mae na ka klase namin. Nung tumingin ako ngumiti sya sakin kaya sinulatan ko rin.

Patrick,

         Pasensya kana pero hindi pa ako nag papaligaw , Grade 5 pa lang tayo ang babata pa natin para sa ligaw na yan kaya wag mo sanang mamasamain na kung pwede kaibigan muna tayo.

                                   -Andrea-

Inabot ko kay rose mae yung papel,binigay naman nya kay patrick at binasa ito ..Ngumiti sya at tumingin sakin inilahad nya yung kamay nya.

Friends - Patrick

Sige, Friends na tayo - sabi ko

Kaya naman friend ko na sila ni rose mae ..Nag titinda din ako sa school ng mani ska banana chips pang dagdag baon namin.

Nung nasa kalahatian na ng School year . naka laya na si papa buwan yun ng September yun naka balik si papa 2008 yun .

11 years old na ako nun, Grade 5, Buwan kasi ng Agosto ang kaarawan ko.

Pagbalik ni papa medjo war pa sila nila Uncle at mama pero nag ka sundo rin naman kasi mag bebestfriend sila.

Si Uncle Abner isang Kagawad parin sa Barangay namin ..Pero si papa nag bago ang ugali nya, Masungit na ska para inom na, Pinapagalitan narin kami na papalo na ako na bubugbug na kapag lasing sya laging galit sa akin, kay mama at kay Uncle.

Nag simula narin ulit syang mag trabaho balik sya sa pag giginto nya nag lipat rin kami ng bahay pero dun lang din sa lugar namin medjo malayo nga lang sa kalsada.

 

I'm a Rape Victim ( True Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon