Chain 14 - Schoolmates

207 12 1
                                    

Chain 14

Schoolmates

I don't know what's happening to me. Nakatulala lang ako sa labas ng kwarto kung saan idinala si Kendall. My heart keeps on beating rapidly. Bakit alam ni Zarvick na takot ako sa pagpasok ng ospital? Bakit medyo nabawasan ang pangamba ko nang hawakan niya ang kamay ko? Damn. Why?

"Climate, are you okay?" Lumapit sa akin si Rheum.

"Yes, medyo nag-aalala lang ako kay Kendall."

"Don't worry, she'll be alright." Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko siya pabalik.

Nakita kong nakatitig sa akin si Zarvick at pinapanood kami ni Rheum habang nakasandal sa pader na katapat ko. Mariing magkasalubong ang kanyang mga kilay. Doon ko lang napansin na gulo-gulo ang buhok niya, halatang kababangon lang. Siguro ay dumiretso agad siya sa dungeon nang malaman na nawawala si Kendall. Suplado niyang tinaas ang kanyang kilay nang makitang tinitingnan ko siya. Umiwas ako ng tingin.

Naghintay kami ng ilang sandali bago lumabas ng doctor. Sinabi niyang maayos na si Kendall. Maraming pasa at sugat sa katawan, nagkaroon din ng bali ang kanyang buto sa braso pero maaayos din kaulanan. Maaaring magising na rin daw siya maya-maya. Nakahinga ako ng maluwag.

Nang umalis ang doctor ay pinayagan na kaming makita si Kendall. Inaya na ako ni Rheum pumasok pero nag-aalangan akong tumango kaya nauna na siya. Akmang hahawakan ko na ang door knob nang kunin ni Zarvick ang mga kamay ko. Gulat akong tumingin sa kanya.

"You're trembling," pinisil-pisil niya ang mga kamay ko gamit ang kanyang mga daliri.

Umangat ang titig niya sa akin. Nakakunot pa rin ang noo. Mabilis kong binawi ang mga kamay ko.

"I-I'm fine,"

Tinalikuran ko siya at pumasok na sa kwarto ni Kendall. Halos isang oras kami sa loob nang kumatok at pumasok ang isa sa mga tauhan ni Mr. Megarry. Sinabi nitong kailangan na namin bumalik ng dungeon at sila ang pinadala upang magbantay kay Kendall.

Gusto ko iyon dahil hindi na ako magtatagal pa sa ospital. Sa totoo lang ay kanina ko pa gustong lumabas ngunit walang kasama si Kendall. Naalala ko pa noong nandito rin ako, pakiramdam ko ay hindi talaga umalis si Kendall sa tabi ko. Tapos ako ay iiwan siya rito dahil sa takot ko?

"We should go, Cliandria." Sabi sa akin ni Zarvick sa tabi ko.

Nasa labas na kami ng kwarto at kasalukuyang kaharap ang tatlong tauhan na pinadala.

"You should get some rest. Bumalik ka nalang bukas, sasamahan kita." Marahang sinabi niya at hinawakan ang aking siko.

Lumabas si Rheum sa kwarto ni Kendall kaya lumayo ako kay Zarvick. His brows furrowed. Para bang nainis sa ginawa ko. Hindi ko na siya binalingan.

"Alis na tayo?" Rheum asked me. I just nodded.

"Ihahatid po muna namin kayo-" pinutol ni Zarvick ang sinasabi ng isang tauhan.

"You three stay here. Bantayan niyo nalang si Kendall, ako na ang maghahatid." He said firmly.

"Sige po, Mr. Izra."

Nauna na akong naglakad palabas. Marami akong nurses nakikita at sa tingin ko ay 'di ko na kaya. Naaalala ko lang si Kuya tuwing nakakakita ng tulad nila. Damn it!

Sinabayan ako ni Rheum sa paglalakad at nararamdaman kong nakasunod lang sa amin si Zarvick sa likod.

"Mag taxi nalang tayo?" Humarap sa akin si Rheum nang makalabas kami.

"Sa sasakyan ko na siya sasakay. Kung ayaw mo sumabay, mag taxi ka nalang." Sumulpot si Zarvick sa likuran niya.

Zarvick glared at me before turning his back. Kumunot ang noo ko. What's his damn problem? Tinitigan ko ang likod niya habang naglalakad siya palayo. Papuntang parking lot ng ospital upang kuhanin ang kanyang kotse.

Breaking The Chains (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon