Chapter 2 (Janicka: Torpe ka!)

17 1 0
                                    

Ako nga pala si Janicka Consulasyon. Ako lang mag-isa wala akong mga kapatid. Hiwalay din ang mga magulang ko. Lola ko lang ang kasama ko sa bahay dahil ang mama ko nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang salimuot ng kwento ko no? Kaya ganto ko lalaki kung kumilos. Dahil ako lang ang nagtatangol sa sarili ko simula pa noong bata ako! Pero palakaibigan naman ako!

Kaibigan ako ni lance. Magkaibigan na kami sumila pa noong first year college pa kami. Parang ang tagal na e no? Tinutulungan ko sya sa panliligaw kay anicka! Grabe ang torpe nya talaga!

Eto pala ang kwento kung paano kami nabuong tatlong magkakaibigan.

Naalala ko sa may canteen yun. Doon ko nakita si lance ang likot likot nya kasi tapos panay tayo, uupo, tapos tatayo, uupo, tatayo, uupo. Para bang may gustong lapitan pero hindi nya magawa.

Pinapanood ko lang sya. Siya lang kasi mag-isa sa table nya at may tinititigan din sya. Ang ganda ng tinititigan nya maputi, maganda, mukhang mayaman at mag-isa din.

First day of school pala noon mga first year pa kami. Palakaibigan ako pero una kong nilapitan ay yung babaeng tinititigan nya.

"Hi! I'm Janicka!" bati ko sa kanya. At nakipagkamay ako sa kanya.

"Hello! I'm Anicka!" sagot nya.

"Halos magkatunog tayo ng pangalan! Ang galing!" pamangha kong sinabi sa kanya.

Ngumiti lang sya.

"First year ka din diba?" tanong ko ulit sa kanya.

"Yup." sagot nya.

"Anong course mo anicka?" tanong ko ulit.

"Hrm, ikaw?"

"Ah, engineering ako, akala ko magiging magkaklase din tayo. Sayang!"

Tinignan ko ulit si lance at ganun parin ang ginagawa nya tayo, upo! Tayo, upo! Tayo, upo! Gustong gusto nya talagang lumapit sa amin.

Tumingin sa orasan si Anicka.

"11:00 am na pala! Janicka I need to go! nice meeting you. Sana magkita ulit tayo next time." Nagpaalam na sya habang naglalagay ng lipstick.

"Bye! Nice meeting you too! Magkikita pa tayo nyan e kung ang mundo nga e maliit lang tong school pa kaya!" Nagpaalam nadin ako. At umalis na sya.

Matagal pa ang aantayin ko alas dose pa kasi ang klase ko.

Tinignan ko ulit si Lance at may lumapit at tumabi sa kanyang lalaki, at si Jeron yun. Grabe ang laki ng headphones nya! Natatabunan na yung mukha nya. Tapos yung bag nya parectangle parang refrigerator! Natatawa tuloy ako!

Nilapitan ko sila at nagpakilala.

"Hi! I'm Janicka!" kinamayan ko din sila.

"Hi! Ako naman si Jeron! Upo ka miss?" natatawang sabi nya. Tumingin ako ng masama sa kanya.

Miss? Kailangan may question mark? Porket ba ganito ang itsura ko? Umupo naman ako.

"Ikaw?" tanong ko kay lance noon.

"A-ah, I'm Lance." nauutal at nakatulalang pagpapakilala nya.

"D-diba ikaw yung kasama kanina nung magandang babae?" kinakabahang tanong nya.

"Ah, oo bakit crush mo no?" Pang-asar kong tanong sa kanya.

"A-ah, hindi ah para kasing nakita ko na sya doon sa amin."

"Kunyari ka pa!"

"Hindi talaga!"

"Okay."

"Anyway, ano palang course nyo?"

tanong ko sa kanila.

"Engineering!" sabay pa silang sumagot.

"Ako din engineering! Anong section nyo?" tanong ko ulit.

"Ceit-19-101p!" sabay ulit sila.

"Ang galing talaga ng pagkakataon! Ako din CEIT-19-101p!"

"Magkakaklase pala tayo!"

sabay sabay naming sinigaw!

"Apir!" sabi ko sa kanila!

"Apir talaga?" tanong nila.

"Edi a line! A LINE!"

At doon nagsimula ang pagkakaibigan naming tatlo!

*****

At ngayon!

Pagtapos namin magpasa ng resume. Naghiwalay-hiwalay na kami.

Nag-iisip ako habang naglalakad pauwi.

Kapag natanggap kami sa trabaho. Iipunin ko yung sahod ko para matulungan ko si mama at para makauwi na sya sa pilipinas. Miss ko na kasi sya. Matagal ko na din syang hindi nakikita. Dati kasi kada isang taon umuuwi sya para magbakasyon. Ngayon dalawang taon na syang hindi umuuwi. Kaya mag-iipon ako ng pera para sabihin sa kanya na umuwina sya kasi may pera na kami at mahal na mahal ko sya.

*****

Nakauwi na ako.

Si lola nagluluto na ng ulam namin pag-uwi ko. Nagmano muna ako bago ako pumunta sa kwarto ko.

Nagbihis na din ako.

"Mag fafacebook muna ako bago magreview!"

30 notifications! puro game request!

10 messages! "Pa like naman po ng picture ko!"

at 1 friend request! Jesus √ accepted! :)

hinome ko na. At nagbasa ako ng mga quotes, jokes, naglike ng mga pictures, status at ano ano pa. At may isang status na natawa ako.

Agad kong tinawagan si Lance!

Sinagot naman nya agad. At agad din nyang pinatay!

"Letche to ha!" bulong ko.

Tinawagan ko ulit.

Sinagot nya naman ulit. At sinabi ko tungkol kay Anicka ang pag-uusapan namin! Pero kunyari lang! Aasarin ko lang sya!

"Ano? Talaga?" tuwang tuwa nyang tanong.

Natatawa na ako kahit di ko pa sinasabi sa kanya yung status na bagay sa kanya.

"May nabasa kasi ako sa facebook, na bagay sayo! Pero may tanong muna ako sayo! Ano ba nagustuhan mo kay anicka?" Natatawa na talaga ako!

"Uhm maputi tapo...."

"Hahaha! Maputi pala ha! Its not love! Its dove! Na dove at first sight ka! Hahaha yun lang! Bye!" Agad kong pinatay yung phone ko!

"Yari ako bukas nito kay Lance!"

"HAHAHA!"

ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA!

PLEASE VOTE! THANK YOU!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr . Torpe! (Ako torpe? Torpe ako! "TORPE KA!")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon