Chapter 9

12 1 0
                                    

Zel's POV
Lumabas na kami sa classroom na yun at napag desisyonang umuwi na. 4:00 na ng hapon pero ang dilim dilim dito sa loob. Meroong kaunting ilaw na nakasindi, pero ang iba ay tuluyan ng nasira. Sa loob ng 2 araw ng paglalakbay namin ang daming nangyari. May pasok na pala bukas. Kailangan na talaga naming umuwi. At Nakalimutan kong wala na pala ang van namin.

"Uhm... guys, ano nga pala gagamitin nating sasakyan?" Tanong ko sakanila

"Oo nga pala, nawala na yung van natin. Pano yan mga kuys?"- Rhy

"Maglakad nalang tayo"-Jhay

"Eh? Ang layo-layo ng school na'to sa mga bahay natin?-Anne

"Maglakad nalang tayo hanggang sa may mga sakayan. Bilisan nalang natin para hindi tayo gabihin."-Vhong

Nanahimik na ulit kami at tsaka bumaba na.

------

Andito na kami sa may harap ng malaking pintuan palabas ng campus na'to. Binuksan na nila at kami'y lumabas na. Bumungad na naman samin yung malaking statue kanina sa may harap ng school na'to. Ang creepy talaga. Ewan ko kung bakit may ganyang nakakatakot na statue sa harap ng school. Buti d natatakot ang mga students dito? O baka nasanay na? Nakita namin ang gate at tuluyan ng nakalabas sa university. Sinara na namin ang gate at naglakad na ulit.

"Oh?! Guys! Ayun pala yung van natin oh!" Sigaw ni Jhay dahil sya ang nangunguna sa paglalakad.
Nakapagtataka naman at bumalik ang van? Ano yun sinauli? Hiniram lang ganern? Eh? Nasunog yun eh?

"Pano napunta ulit jan?" Tanong ko

"Baka hiniram? Sinauli din?"-Rhy

"Baliw! Bakit naman hihiramin yung van natin? Wala ba silang sariling sasakyan? Tsk."-Vhong

"Eh nasunog yan diba? Pano mapupunta ulit jan ng buo?" Tanong ko sakanila. Pano nga ba? Eh sa pagkakatanda ko eh sumabog pa nga yan.

"Nasunog?"- tanong ni Jhay

"Hindi ko pa ba nakekwento sanyo kung bakit nawala ang van natin?" Oonga pala, d ko pa pala nakwento sakanila

"Wala kang nasabi at meron ka palang alam kung bakit nawala ang van natin" sagot ni Vhong
At kinwento ko na nga kung anong nangyari sa van namin.

"Eh? Panong nangyaring bumalik ang van natin ng buong-buo? Wala nga akong makitang bakas ng pagkasunog"-Anne

"Yun din ang pinagtataka ko eh"

"Icheck nyo nga, baka mamaya may nilagay jan na kung ano"

Sinunod naman nila ako at tinignan ang van. Binuksan ko naman ang pinto at pumasok sa loob para tignan kung may kakaiba ba. Chineck ko bawat upuan at wala namang kahit anong kakaiba.

"Wala namang unusual things dito sa loob. Mukhang ok naman."

"Wala rin namang bakas dito sa labas eh. Pumasok na kayo at umuwi na tayo."-Vhong

Nagsipasukan na sila sa loob at umupo sa dati nilang pwesto. Katabi ko si Vhong dito sa may harap at sina Anne naman sa likod. Umandar na ang sasakyan at tuluyang nakaalis na kami sa lugar na iyon.

---------
Nakatingin lang ako sa may bintana ng sasakyan. Iniisip ko parin kung ano at sino yung mga nasa panaginip ko. Sino yung babae? Ang nagpakilala lang ay si Yce. Yceshaia bayun? May pagkakahawig sina ni Vhong. Yung babae naman parang familiar? Hindi ko alam kung saan o kelan ko nakita. Parang ang gaan ng loob ko sakanila kahit d ko sila kilala. Anong meron sakanila at napanaginipan ko yun?

"Sa bahay nyo nalang tayo matulog? May mga gamit naman kami dun eh" tanong sakin ni Vhong

"Sige, dun nalang din tayo kumain" sabi ko at muling tumingin sa labas. Madalas kasi sila mag overnight sa bahay kaya marami silang mga gamit dun. D naman kami pinagbabawalan ni mommy. Mas gusto nya nga daw yun dahil mas safe daw kung sa bahay nalang mag stay.

"Andito na tayo!!! Mga kuys gising na!!!"-Vhong

Bumaba naman sya at binuksan ang pintuan ko sa may gilid.

"Salamat" sabi ko at ngumiti sakanya. Binuksan din naman nya ang pintuan nina Anne sa likod.

"Mga kuys! Gising na!" Sabi ni Vhong at isa isa sila inalog.
Nang magising ang lahat ay pumasok na kami sa loob. Halatang napagod sa byahe. Naunang maglakad sina Rhy kasunod sina Anne. Nagpahuli ako para sabihin sa driver namin na ipasok nalang sa loob yung mga gamit namin sa van. Hinintay ko naman na matapos sila bago ako pumasok. Pero bago ako tuluyang makapasok.

"Humanda kayo!!!"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. D ako makagalaw. Pati ang paghinga ko hindi naging normal. Tumingin ako sa likod upang tigan kung sino yung sumigaw. Wala naman akong makita na kahit ano. Nabalik lang ako sa katinuan ng tinawag ako ni Vhong.

"Oh Zel, may hinihintay ka pa ba?"-Vhong

"A-ah w-wala naman hehe. Wala ka bang narinig na sumigaw?"

"Sumigaw? Wala namang sumigaw eh?"-Vhong

"A-ah ok. Tara pasok na tayo. Anong oras na oh may pasok pa bukas." Sabi ko at hindi pinahalata na may nangyari sakin. Nauna nakong umakyat at pumunta na sa kwarto nila. Sa kwarto nila ako natutulog kapag andyan sila. Para naman may bonding kami. Iniisip ko yung sumigaw. Hindi ko alam kung sino yun. Parang...parang yun yung bumulong sakin nung pagpasok namin sa university.

GusaliWhere stories live. Discover now