Simula

3K 42 1
                                    

Simula

"Your Father is fine now, but we need to check him for the next 48 hours." Doctor Allermo said to me. Tumango naman ako at saglit na tumingin sa Daddy ko na nasa loob ng ICU.

Pagkatapos ng ilan pang paalala at paliwanag tungkol sa isinagawa nilang surgery sa Daddy ko ay tuluyan nang nagpaalam ang doctor sa akin. Samantalang ako ay naiwang nakatingin kay Dad, na punong-puno ng tubes sa buong katawan.

Ang Dad ko ay matagal nang nakakaranas ng pagsakit ng puso dahil sa komplikasyon dito. Napakatagal ang inintay naming panahon para mapapayag si Dad na magpa heart transplant.

"Ms. Christele Barican?"

Napatingin ako sa tumawag sa akin sa likuran ko at nakita kong isa itong Doktor dito sa ospital kung saan isinagawa ang surgery ni Dad.

Tinignan ko siya nang mabuti. He's a doctor here in Liongson Hospital. Nalaman ko dahil nakita ko sa kanyang white gown ang logo ng ospital na ito. I can't hide that he's handsome. I think mas matanda siya sa akin ng ilang taon. Maputi siya at tingin ko ay namumula lamang kapag naiinitan. Maganda at makisig ang kanyang pangangatawan. Downturned eyes, thin lips, fine nose and he looks good on his white gown.

"Yes?" I asked.

"The Chairman of this hospital wants to see you." Sabi niya kaya kitang-kita na siguro ang pagkagulat sa mukha ko.

"Pardon?" hindi ko makapaniwalang sabi.

"It's true. Chairman Liongson wants to see the daughter of Dr. Achae Barican." Sabi niya sa akin habang nakangiti.

Saglit ko siyang tinitigan at tumingin sa kinaroroonan ni Dad.

"Where?" tanong ko.

He smiled. "Please follow me." Sabi niya at tumalikod na sa akin.

While we're on the way to the office of the Chairman of Liongson Hospital, every staff of the hospital are bowing on him. Who is he?

Bumukas ang elevator at tila naalarma ang mga sakay noon at naglabasan lahat.

"Good day, Doc!" bati nila sa kasama ko at tanging tango lamang ang sagot nito sa kanila.

"Let's go." Sabi niya at pinauna ako sa pagpasok sa loob ng elevator.

Nakita kong pinindot niya ang 40th floor ng building na ito, ibig sabihin nito ay ang pinakahuling floor sa building na ito.

Saglit akong napatingin sa kanya at sa gulat ko ay napaiwas na lang ako ng tingin. Bakit siya nakatingin sa akin?

Bigla siyang natawa kaya napatingin ulit ako sa kanya. He smiled on me.

"You feel uncomfortable with me." Sabi niya na parang siguradong sigurado na siya sa sinabi niya.

Napaubo ako ng peke at saglit na umiwas ng tingin. Ano ba naman ito? Tama siya sa sinabi niya, hindi talaga ako komportable na nasa tabi ko siya ngayon.

Narinig ko ulit siyang tumawa kaya napatingin ako. "I'm Laurence Picar, Dr. Picar for short. I already know you, so don't worry. And by the way, don't be shy, mabait ako promise. I'm a good boy " Sabi niya habang nakangiti.

Napangiti naman ako at tumango. "Nice to meet you, Dr. Picar." sabi ko sa kanya.

Tumunog na ang elevator at hudyat na iyon na nasa 40th floor na kami. Nakakapagtaka dahil sa tuwing bumubukas ang elevator sa mga nagdaang floor ay wala man lang sumasakay kasabay namin. Gusto kong itanong iyon pero nahihiya na ako.

Wildest DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon