Chapter 6

1.5K 28 0
                                    

Chapter 6

Cup Noodles

Monday, 4:00 am ng umaga. Gising na ako dahil ngayong araw magreresume ang medical mission na naantala dahil sa akin. Bumaba na ako para makapagluto ng breakfast.

Naging maayos na ang paa ko, nakakalakad na ako ng ayos ngayon. At naghilom na din ang mga sugat ko, laking pasasalamat ko sa mga cream na ibinigay sa akin ni Stella.

Maayos na nagdaan ang ilang araw na kasama ko si Stella. Nakatapos kami ng limang Korean drama at halos lahat ay tungkol sa field of medicine. Wala, baliw na baliw si Stella sa field niya eh.

Halos araw-araw din na pumupunta si Aclid dito sa bahay para makilaro ng Helix Jump sa phone ko. Hindi ko nga alam kung bakit ayaw niya nalang magdownload sa phone niya para hindi na siya mahirapan kakapunta sa amin eh.

Minsan ding bumibisita sila Chairman at Tita Marga dito sa amin. Ipinagluto din ulit kaming dalawa ni Aclid ng Lengua ni Tita Marga. At samantalang si Laurence ay isang beses lang nagawi sa amin dahil punong-puno daw ang schedule niya dahil siya ang sumalo sa mga duty ni Aclid.

Samantalang si Dad ay hindi parin nagigising. Pero naniniwala akong magigising din siya. At sana, kapag nakauwi na kami galing Medical Mission, maaabutan ko na siyang gising at malakas na. Sana.

Naayos ko na din ang mga gamit ko. At tulad ng sabi ni Tita Marga, nagbaon na ako ng sampung cup noodles na beef, in case, para kay Aclid. Halos iyon lamang ang laman ng maliit na maleta kong dala.

Inihain ko na ang mga pagkain pagkatapos ay umupo na ako at nagsimula nang kumain. Bigla kong naalala si Stella na malungkot na malungkot na umalis kahapon dahil tapos na daw yung freedom niya.

Napatingin ako sa pinto noong biglang may nag-doorbell doon. Saglit akong uminom ng kape bago tumayo at buksan ang pinto.

Habang naglalakad, napatingin ako sa orasan. 4:45 palang naman sino kaya ang nag-doorbell?

Binuksan ko ito at nakita kong si Aclid ito. Kitang-kita ko na medyo basa pa ang buhok niya. Napangiti ako at pinapasok siya.

"Good Morning! Ang aga mo ha." Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papasok ng bahay.

Lumingon ako sa kanya. "Kumain ka na ba ng breakfast?" tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya sa akin kaya pinasunod ko na siya sa dining room at ako naman ay pumunta saglit sa kitchen para ikuha siya ng pinggan.

Nilapag ko sa harapan niya iyon at umupo sa tabi niya.

"Let's eat." Sabi ko sa kanya at nagsimula na ulit akong kumain.

"You will be with me. Ako nalang ang magdadala ng kotse." Biglang sabi niya sa akin habang kumakain.

"Okay." Maikli kong sabi at nagpatuloy sa pagkain.

"About your Dad, he's fine and stable. I asked Laurence to check him from time to time." He said kaya napahinto ako saglit sa pagkain.

"Thank you." I mean it.

Tumango naman siya at nakita kong nagsalin siya ng juice sa dalawa naming baso.

"I really miss my Dad." Bulong ko.

"He miss you too." Biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti.

He smile too.

Halos sampung oras ang byahe namin papunta sa Benguet. Noong nasa may Pangasinan na kami ay nag volunteer ako na ako na ang mag-drive dahil nakita kong inaantok na si Aclid. Pumayag naman siya at nagpalit kami ng pwesto.

Wildest DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon