Chapter 8
Meet Again
Natapos ang medical check up at feeding program ng maayos. Napatingin ako sa orasan at nakita kong 11:00 na ng gabi. Umupo nalang ako sa isang bakanteng upuan habang iniintay sila Cj na maayos ang ibang gamit.
Inunat ko ang binti ko dahil nakakapagod. Dinaig ko pa ang may sariling karinderya. Kanina kasi ay nagkulang ang niluto ko kaya nagluto ulit ako ng panibago.
"You're tired?" tanong sa akin ni Aclid noong nakalapit siya sa akin.
Tumango lang ako at napayuko. Dahil kay Daddy kung bakit ako nandito. Unang araw palang 'to, at sana ay kayanin ko ang mga susunod na araw, para kay Dad, ito ang hiling niya.
Napatingin ako sa paligid. Madami paring tao ang nandito sa court, pero ang iba ay umuwi na dahil bukas na ulit ipagpapatuloy ang medical check-up.
Nalaman ko na pati ang ibang kalapit na barangay ay dumadayo din dito kaya mas lalong dumadami. Nasabi kasi sa akin ni Cj na tatlong oras pa ang byahe bago makapunta sa pinakamalapit na ospital.
"Tingin mo ba kaya ng Liongson Hospital na magpatayo ng kahit maliit na ospital or clinic dito?" bigla kong tanong sa kanya habang nakatingin sa mga nag-uuwiang mga tao.
Tumingin ako sa kanya, bumuntong-hininga siya at tumingin sa mga nag-uuwiang mga tao na hindi nakaabot sa unang araw na libreng magpapagamot.
"Chairman wants to do it. I don't know yet, but I want that idea too." Sabi niya.
Tumango naman ako.
Maya maya lang ay tinawag na kami ni Cj para umuwi na sa Villa namin. Ang sabi ay bahala na daw ang ibang staff na mag-ayos ng iba pang aayusin. Hindi na kami tumanggi dahil pagod na pagod na din ang katawan ko.
Nakapag dinner na kami doon sa Baranggay Hall kanina kaya ngayong nandito na kami sa villa ay tuloy tuloy na kami sa kwarto namin.
"Goodnight." Sabi ko sa kanya bago pumasok sa kwarto ko.
Humiga agad ako pagkapasok ko at napatingin sa phone ko na biglang tumunog. Kinuha ko iyon at nakita kong nag-text ang isang unknown number.
From: Unknown Number
Goodnight :)
-Master of Helix Jump
Napangiti naman ako at hindi na nag-abalang magreply sa text niya.
Kinabukasan ay nagising ako ng maaga. Dinig na dinig ko ang tilaok ng mga manok sa labas na nagsisilbing alarm clock dito sa probinsya.
Napahawak ako sa mukha ko at ramdam na ramdam ko ang pawis at lagkit sa buong katawan ko. Naalala ko nga pala na walang aircon or electric fan dito. Tanging mga solar light lang ang meron dito kaya maliwanag.
Dala dala ang mga damit ko para makaligo dahil isa lang ang CR dito at nasa tabi iyon ng kusina. Lumabas ako ng kwarto ko at saglit na napatingin sa may pinto ng kwarto ni Aclid. Sarado pa ito, siguro ay natutulog parin siya.
Naligo muna ako saglit at pagkatapos ay nagluto na ng agahan. Ang tanging nakita ko lang sa ref ay itlog at hotdog. Sa ibabaw nito ay nakita ko ang isang plastic. Kinuha ko iyon at binuksan, nakita ko na pandesal iyon.
Niluto ko ang itlog at hotdog pagkapos ay naglagay ng kaunting butter sa pan at inilagay doon ang mga pandesal.
Noong natapos akong magluto ay saktong-sakto ang paglabas ni Aclid sa kwarto niya. Nakita kong papunta siya dito sa may kitchen. Bigla nalang akong natawa sa itsura niya.
BINABASA MO ANG
Wildest Dream
Teen Fiction|Completed| Dr. Aclid Liongson, a cold-hearted head cardiologist of Liongson Hospital meet Chef Christele Barican who's the daughter of Aclid's mentor that is currently under coma because of heart complication. They will meet and will go to a medica...