"Helga!" Sigaw ni Levi ng makita ang kaibigan sa tapat ng eskwelahan. Nakipagpatenterong lumapit ako sa kanya. Uwian na kasi ng mga kapwa niya estudyante kaya naman crowded na ang paligid.
"Leviii!" Sigaw rin nito at niyakap ako ng makalapit ako sa kanya. "Namiss kita sobra." Masayang sabi nito. Napanguso na lang ako.
"Ako din. Nakakainis bakit ba hindi tayo magkaklase." Humiwalay ako ng yakap kay Helga. Napatingin ako sa mga kasama niya. Una ko agad napansin ang matangkad na lalaking kasama nila. Actually dati ko pa siyang napapansin na kasama ni Helga. Meron itong facial feature ng isang banyaga. Mukha itong amerikano. Kaya siguro agad ko itong napansin. Hindi rin naman kasi mapagkakailang gwapo ito. At idagdag pang matangos ang ilong nito.
"Sino yun Helga?" Nginuso ko sa kanya ang lalaki. Hindi na ako nakapagpigil na itanong. "Ang pogi." Dagdag ko. Napakagat na lang ito sa labi na halatang pinipigilan ang pagngiti.
"Bakla yan e." Napanganga akong tiningnan siya. Hindi ako makapaniwala. Gosh! Na-attract ba ako sa bakla?
"Totoo?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. Natatawa itong tumango.
"Helga, tara na may practice pa tayo." Pakiramdam ko ay tinulos ako sa pagkakatayo ko ng marinig ang boses nung bakla. Hindi tulad ng karmihan sa bakla na sobrang landi ng boses. In fact ang manly nga e. Sayang! Ang pogi niya pa naman tas bakla pala. What the heck!
"Tara na Levi!" Umambrisete ako sa braso niya. Samantalang nasa kabilang tabi niya naman ang bakla. Pasimple kong itong nilingon. Shocks! Mukha talaga siyang lalaki e! Sayang naman!
Habang naglalakad kami pauwi ay nagkukwentuhan sila. Hindi na lang ako nakikisingit sa kanila dahil una sa lahat hindi ko sila kilala at pangalawa hindi ko naman alam ang pinagkukwentuhan nila dahil lahat sila magkaklase.
Nang malapit na ang bahay ni Helga ay lumipat na ako sa kabilang kalsada. Isa ko na naman. Buti na lang may headset ako. Isusuot ko na sana ang pangalawang earbud ng tawagin ako ni Helga. Nilingon ko ito. Pero mas unang naglanding ang tingin ko sa bakla niyang kaibigan bago kay Helga.
"Bye Levi bukas na lang!" Energetic na sigaw nito. Energetic as always. Tumango lang ako.
.
."Ang weird mo daw levi." Tiningnan ko ang dalawang babae niyang kasama bago binalik ang tingin kay Helga.
"Weird is unique." Kaswal na sagot ko. Napatingin ako sa lalaki na dumadaldal. Nasa harapan ko siya at kausap nito ang kaibigan nila ni Helga. Kumbaga parang saling pusa lang ako sa squad nila. Dahil tuwing uwian ay sumasabay ako kay Helga.
.
.Inaantay ko ngayon si Helga dahil magkasabay kami umuwi. Hindi talaga si Helga ang kasabay ko umuwi tuwing uwian. Ang dati kong kaibigan. People come and go. Tanggap ko yon. Kaya nga hindi ako naghahabol sa mga taong mas pinipiling iwan ako. Isang beses ka lang napagod at sumuko, sumuko na rin sila. Life really sucks. So does bestfriends. And the one I first fell in love. Mapait akong napangiti ng maalala ko na naman sila.
Maliit lamang ang eskwelahan na ito at may pagkakataon na nagkakasalubong kami ni Joshua. My first love. And I hate myself from being nervous around him. I hate myself from being updated about him. Pero kahit na ganoon pinipilit kong ngumiti. Para ipakitang wala lang ang lahat nang iwan niya ako. Para ipakitang kahit na gasgas ay hindi niya nagawa sa puso ko. Kahit sa totoo lang ay nag iwan ito ng saksak sa puso ko na hanggang ngayon ay dumudugo pa rin dahil hindi pa natatanggal ang punyal. Hindi pa.
Nakita kong lumabas ang baklang kaibigan ni Helga. Si Clarence.
"Hi! Si Helga?" Nakangiting tanong ko rito.
"Nandon pa nga sa loob e. Naglililinis pa nga sila e. Sabi ko antayin ko na lang sila dito." Dahil sa palaging pagsabay ko kila Helga ay naging palagay na ang loob namin sa isa't isa. Nang minsang magkasabay kami ni Helga ay panay ang kwento nito na hindi ko naman maintindihan. Hindi ko alam kung hindi ko lang iniintindi o dahil sa sobrang dami ng ikiniwento nito ay wala na akong naintindihan.
Tulad ngayon. Kwento na naman ito ng kwento. Napailing na lang ako dahil sa pagkakatulad nila ni Helga. Minsan kasi ay may kiniwento ito na hindi niya rin maintindihan dahil sa bilis nitong magsalita. Kaya naman ay tumatango tango na lang ako at kundi naman ay magtatanong. Para kunwari ay naiintindihan ko ito.
"Helga!" Sigaw ko kay Helga na nasa harapan namin. Kasabay nitong maglakad ang dalawa pa nitong kaibigan. Si Echo at Hazel. Parehas babae. "Ang ingay naman nitong lalaking to! Andaming kwento!" Pagsusumbong ko rito habang nakanguso. Tinawanan lang ako nito at nakipag-usap na uli kila Hazel at Echo. Mas humaba tuloy ang nguso ko.
"Sus! Baka ma-in love ka pa nga sakin e." Pang-aasar ni Clarence. Nakanganga ko itong tiningnan. As always lagi niyang sinasabi yan.
"Feeling nito!" Ingos ko.
"Syempre pogi!" Umirap pa ito sa kin.
"Wow! Iba din! Lakas ng amats nito!" Manghang sabi ko sa sarili ko.
.
."Helgaa~" untag ko sa rito at pinatong ang baba sa balikat nito. Napapikit ako ng tapikin nito ang pisngi ko. Umayos ako ng tayo at pinagmasdan na lang ng tingin ang nga estudyanteng nagsisiuwian.
"Pascual!" Nilingon ko si Clarence. Halatang inaasar na naman ako nito. Kaklase nito ang kaklase ko dati na kaparehas ko ng apilyido. Naalala ko pang tatlo kaming parehas ng apilyido nung third year ako. Sa tuwing tatawag ng Pascual ang mga kaklase ko nun ay pare-parehas kaming lilingon. Hanggang sa nakasanayan ko na lang.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano na naman?" Tanong ko rito.
"Ikaw ba? Si Shaina tinatawag ko e." Ngumisi ito. Iniwas iwasan nito ang kurot ko rito. Natawa na lang ako dahil napa-aray ito sa kurot ko.
"Tara man hunt na lang tayo." Sabi ko rito ng may makita gwapong estudyante. Inakbayan ko ito.
"Hanggang landi lang ako."tiningnan ko ito.
"Boring!" Ingos ko.
"Ganun talaga pag pogi." Umirap ito sakin kasabay ng pagpingot niya sa ilong ko.
BINABASA MO ANG
April Romace
Short Story"Hindi naman ako humingi ng atensyon. Okay na sakin kung anong meron tayo. Ang kailangan ko lang naman ay yung taong magi-stay sakin."- Levi