"Uy, si Levi oh!" Napa-angat ang tingin ko mula sa pagsusulat ng marinig ang pangalan niya. Kumabog ng mabilis ang puso ko ng makita ang napaka-importanteng tao na dumating sa buhay ko. Nawala na ang dating sigla niya. Napakurap ako ng magkasalubong ang tingin namin. Nahigit ko ang hininga ko at naging uneasy sa kinauupuan ko. Bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa paraan ng pagtingin nito. Para itong tumatagos. I'll admit it's my fault.
.
."Helga." Natulos ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses na yon mula sa likod ko. Her voice is cold and flat like a robot. Ito ang unang beses kong marinig ang boses niya simula ng huli naming magkausap. Naramdaman ko ang presenya niya sa tabi ko. Nagtagpo ang tingin namin. Pero wala man lang akong nakitang reakyon niya. Tumango ito sa akin na ikinagulat ko. Ine-expect kong magiging uneasy siya kapag nagkatinginan kami. Pero mali ako. Kakaiba nga pala siya. Kayang niyang gawin lahat ng maisip niya ng hindi nagdadalawang isip kapag gusto niya.
.
.Napatingin ako sa grupo nila Helga at Trisha. Kasama nila si Levi na nakalublob ang katawan sa pool habang sila Helga ay paa lang ang nakababa sa tubig. Malakas silang nagtawanan. Napangiti ako habang pinagmamasdan si Levi na tumatawa. Hindi siya nagbago sa kaibigan niya. Ganun pa rin siya. Pero nagbabago siya sa mga taong nanakit sa kanya. Kasama na ako.
Tapos na ang moving up ceremony namin. At ngayon nga ay cinelebrate namin ito sa isang resort na sinang-ayunan ng buong section namin. Sinama naman nila Helga si Levi na pinayagan ng teacher namin.
"Kyaahh! Levi!" Hiyaw nila Trisha at Helga habang tumatawang hinihila ni Levi ang paa nila. Nang sa wakas ay may ihulog niya na sila Helga ay lumangoy naman ito sa malalim na alam niyang hindi kayang puntahan nila Helga. I sigh. I wish I never did that to her. I'm such a jerk.
.
.Kakatapos ko lang maligo at magpalit ng damit ng maisipan kong lumabas ng nirentahan naming cottage. Naubatan kong nakaupo sa gilid ng pool si Levi. Bumalik ako sa cottage at kumuha ng tuwalya. Pagbalik ko ay umupo ako sa tabi nito at nilublob ang paa sa pool. Nagsalubong ang tingin namin pero wala itong naging reaksyon.
"Ang ganda ng buwan, hindi ba?" Napaawang ang labi nang magsalita ito sa kauna-unahang pagkakataon.
"Ah y-yes." I cursed myself for stuttering. Nanlamig ako ng tumingin ito sakin ng nakangiti.
"Sana mag-stay na lang yung buwan kung nasan ito ngayon. Ayoko siyang umalis. Kahit siya na lang ang mag-stay sakin. Gusto ko siyang mag-stay but I guess hindi ako sapat." Nakaramdam ako na ibang bagay ang tinutukoy niya. Nakaramdam ako ng guilt.
May kung anong kumurot sa puso ko ng makita kong may makinang na bagay ang tumulo sa mata niya. Hinawakan ko ang pisngi niya dahilan para mapatingin siya sakin.
"I'm really sorry." Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at pinagdikit ang noo namin.
Yumakap ito sa akin at mas lalong lumakas ang hikbi. Itinapi ko sa katawan niya ang twalyang dala ko. Dahil nararamdama ko ang lamig ng balat niya.
"I just want someone to stay." She sobbed. "But I guess it's better if no one enters to my f*ck*ng heart." I lost my word to what she said. I think I'm too late.
.
.Sa pagmamasid sa kanya mula sa malayo napagtanto kong hindi ko pala kayang ganito kami. Hindi ko kayang hindi niya ako kausapin. Hindi ko kaya ang cold treatment galing sa kanya. Hindi ko kayang parang wala lang ako sa kanya. At mas lalong hindi ko kayang maging magkaibigan lang kami. Nagsisi ako kung bakit ko siya pinakawalan dahil sa takot na masangkot ito sa magulo kong buhay.
Simula pa lang nang una ko siyang makita nakuha niya na agad ang atensyon ko. I love her. Na-realize ko ito ng bitawan ko siya. Siya ang nagpasaya sa akin kapag malungkot ako. Siya ang nagbibigay ng lakas sa akin kapag may promblema ako. Nakakabakla mang sabihin pero bakla ako dati. At naging lalaki ako dahil sa kanya. I'm ready to be his official boyfriend not just his April fools boyfriend.
BINABASA MO ANG
April Romace
Short Story"Hindi naman ako humingi ng atensyon. Okay na sakin kung anong meron tayo. Ang kailangan ko lang naman ay yung taong magi-stay sakin."- Levi