"Kamay mo." Sabi ko habang ang nakaabang ang kamay para abutin ang kay Clarence.
"Bakit mo hinihingi kamay ko? Meron ka naman." Takang tanong nito. Huminga ako ng malalalim at ako na mismo kumuha ng kamay nito.
"Ano ba--- o sige sayo na kamay ko!" Natawa ako sa kanya. Tinapat ko ang camera ng cellphone ko sa magkasalikop naming kamay. Nang makakuha ng angula ay pinindot ko na ang 'shutter'. Saka satisfied na pinagmasdan ang kuha.
"Ano bang ginawa mo?" Dumukwang ito sa cellphone ko. Hinayaan ko naman siya.
"Burahin mo yan." Nagtaasan ang balahibo ko sa batok dahil sa boses siya.
"Ano ba wag ka mag-alala hindi ko naman to ipopost e." Medyo nalungkot ako.
Nandito kami sa harap ng classroom niya. Simula nung pasukan ay lagi ko siyang pinupuntahan. Para itong wala sa mood. Pagkakita niya pa lang sakin kanina ay parang ayaw niya na akong makita.
Nakangiti ko itong tiningnan habang nakatanaw ito sa baba ng building
"Ano bang gusto mong gawin? Punta tayong canteen libre kita, ano?" Suhestyon ko dito. Pero hindi ito natinag at blangko pa ring nakatingin sa kawala.
"Ayokong kumain."
"Ayaw mo? Libre ko na nga e." Sabi ko pa rito.
"Punta na lang pala tayo kila Helga." Hopeful na sabi ko. Hoping na sasama ito. Tumingin ito sa relo nito
"Bumalik ka na sa room mo, Levi. Time na." Tumalikod na ito at pumasok sa classroom nito. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa maka-upo ito.
Mapait akong napangiti at napailing. Bakit kapag sa kanya okay lang sakin masaktan? Kahit sa mga ganong kilos pa lang mabilis na akong ma-discourage. Alam kong nagsasawa na siya sakin sa kakakulit ko sa kanya araw-araw. I've made a decision. Kapag ganito pa siya buong week titigilan ko na siya. Makakaya ko kaya?
.
."O dito ka na ba?" Tanong sakin ni Helga. Napatingin ako sa kanilang dalawa ni Trisha bago ngumiti at tumango. Hihintayin ko pa kasi si Clarence. Dahil sumali siya sa isang contest sa school.
"Alam mo Levi. Hindi mo naman kailangang gawin yan sa sarili mo e. Kung cold na siya sayo tumigil ka na. Tulad ng ginagawa mo dati." Sabi ni Trisha. Natawa ako.
"Ganun ba ako kawalang pake dati?" Tanong ko.
"Well, dipende. Kapag alam mo nang ayaw sayo ng tao hinahayaan mo sila. Hindi mo sila hahabulin kung alam mong wala kang ginawang masama." na-overwhelm ako. Mukhang nabasa na ako ni Helga.
"Don't worry. Nakipag-deal na ako sa puso ko. Kapag itong week na to ganon pa rin siya. I'll stop." Nagkatinginan silang dalawa.
"Okay/good." Tumango-tango pa silang dalawa.
"Oo nga! Kaya pwede niyo na akong iwan dito. Aantayin ko lang naman siya tas uuwi na ako."natatawang taboy ko sa kanila.
"Sige. Sure ka ba na aantayin mo pa siya?" Hindi kumbinsidong tanong ni Trisha.
"Oo nga! Kaya sige na mauna na kayo. May headset ako. Music is life." Nakangiti akong kumaway habang papalayo sila. Napalis agad ang ngiti ko ng mawala sila sa paningin ko.
That's a lie. I'm not really okay.
Napalingon ako sa likod ko ng makarinig ng tawanan. Nakita ko si Clarence kasama ng dalawang babaeng contestant din. Nakita ko rin sila sa venue kanina.
"Clarence!" Napalingon ito ng tawagin ko ito. Nakangiti akong kumaway habang papalapit dito. May sinabi ito sa dalawang kasama niya bago sila umalis. Nakatinginan pa kami nung isang babae. Nagtaka ako ng mag-smirk ito. Sinundan ko pa ng tingin ang papalayong pigura ng babae bago hinarap si Clarence na nakatingin pala sakin.
"Contestant din?" Tanong ko. Tumango lang ito at naglakad na uli.
"Bakit ka pa nandito?" Tanong nito. Sumunod ako dito hanggang sa magkasabay na kaming maglakad.
"Wala lang gusto lang kitang hintayin." Napahinto ito sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Nagtatanong ang matang tiningnan ko ito.
"Levi." Parang hirap na hirap itong sambitin ang pangalan ko. "Alam mong importante ka sakin diba?" Tumango ako. Sinaklob ng kaba ang puso ko. Hinawakan niya magkabila kong kamay kaya napatingin ako sa kamay naming magkasalikop.
"At alam mong hindi kita masasaktan diba?" Mukha itong frustrated kaya mas naguluhan ako. Naramdaman ko ang pagkunot ng noo ko.
"What are you trying to say?" Naguguluhang tanong ko.
"I'm so sorry for feeling you bad. Ayoko lang na madamay ka pa sa magulo kong buhay kaya habang maaga pa lang tinapos ko na para di gaanong masakit. Sorry kasi hindi kita mabibigyan ng atensyon ngayon kasi marami akong problema sa buhay at kapag tinuloy ko pa to lalo ka lang masasaktan. Ayokong masktan ka. Hindi kita mabibigyan pansin kasi marami na akong responsibility sa bahay at school. Sorry talaga, Levi. You are beautiful inside and out, your smart and lastly your kind kaya hindi mo deserve ang tulad ko. You deserve better than me sorry for breaking your heart and thank you for making me happy. I hope you understand and I hope wag mo akong iiwasan. I hope we can still be friends."
Nagsusumamo ang boses na sabi nito. Pagkatapos kong marinig ang dahilan niya. Pakiramdam ko napaglaruan ako. Pinakilig pero hindi inibig. Then it struck to me like a lightning. I laugh out loud. "What's funny?" Kunot noong tanong nito
"Hindi naman ako humingi ng atensyon. Okay na sakin kung anong meron tayo. Ang kailangan ko lang naman ay yung taong magi-stay sakin. I thought I finally find someone who would stay by my side. Kahit na paiba-iba ugali ko. Kahit na madalas cold ako. Kahit na bigla bigla na lang magiging hyper."
"So I guess galit ka?" Tanong nito.
"We're still friends." Lumiwanag ang mukha nito dahil sa sinabi ko.
"Thank goodne---"
"But don't expect that my treatment would be the same. You. Broke. My. Heart." Bawat salita ko ay may diin "Oras lang ang makakagamot dito. But don't worry hindi kita iiwasan tulad ng gusto mo." Tinalikuran ko ito pero muli ko itong nilingon.
"Next time don't fool around." Sabi ko bago ito talikuran. "Cause it hurts like hell."
BINABASA MO ANG
April Romace
Short Story"Hindi naman ako humingi ng atensyon. Okay na sakin kung anong meron tayo. Ang kailangan ko lang naman ay yung taong magi-stay sakin."- Levi