"Malapit na ang prom!" Naghuhugis puso ang matang sabi ni Ivory. Isa pa sa mga classmate ko nung third year. Magkaklase sila ni Helga. At lubos ang inggit ko dahil hindi nila ako kasama.
"Anong susuotin mong gown, Levi?" Tanong ni Helga. Kasalukuyan kaming nasa hallway para sa 30 minutes break.
"White." tipid kong sagot.
"White?!"magkapanayam na tanong nilang dalawa. Tumango lang ako.
"Bakit white?" Mababahidan ng disgusto ang tinig ni Ivory.
"Oo nga. Parang kang ikakasal." Dugtong pa ni Helga.
"Dapat magpapagawa kami e. Kaso kulang na sa oras kaya nagrent na kami." Sagot ko sa kanilang dalawa. Napatango-tango naman sila.
"Sabagay. One week lang preparation natin. Last week lang ng friday nila inanounce." sabi pa ni Ivory.
"May partner na ba kayo?" Tanong ni Helga.
"Si King." Namumula pa ang pisnging sabi nito. Kaya naman nagkatinginan kami ni Helga.
"E ikaw Levi?" Baling sakin na hindi na inusisa si Ivory. Isa kasi sa squad nila ang partner ni Ivory.
"Wala nga e. May partner na ba si Clarence?" Tanong ko.
"Partner ko na siya!" Masiglang sabi nito. Napanguso na lang ako. Okay na sana sakin kahit si Clarence ang makapartner ko e.
I have no choice kundi tanggapin ang alok ni Xenon.
.
.I AM SO BORED RIGHT NOW!!! Sabi ko na nga ba at ganito ang mangyayari e. I'm stuck with Xenon. Siya ang prom date ko. Xenon is a type of person who ask so many questions. And I hate that kind of person! Kung hindi siya tanong ng tanong ay napakatahimik naman nito.
Mabuti na lang at nakipag-palit siya ng upuan sa kaibigan ko. Umupo ito sa tabi ng kapatid ni Andrea. Nang makapagpalit sila ay napahinga na lang ako ng maluwag dahil sa wakas ay si Andrea na ang katabi ko.
Matagal ang naging daloy ng program bago nagsimula ng tumogtog ang sweet dance hudyat na bukas na ang dance floor.
My first dance is obviously my prom date. It was so awkward! The hell! Hindi siya nagsasalita! Mabuti na lang at ang pangalawang sayaw ko ay ang kaibigan ko nung third year. Rome. Kaming apat nila Helga, Ivory, Rome at ako ay magkakaibigan nung third year. We named our squad ' camp sawi '. Meron pa kaming tatlong kaibigan. But nasa pinaka higher section sila kaya hindi kami nagkakakitaan.
"Hay, ang hirap naman maging maliit." I laugh at Rome's remark. Hindi kasi ito matangkad. Kung wala akong heels ay siguro hanggang balikat ko ito.
"Ang liit mo kasi e." Natatawang sabi ko.
"Kala mo lang yun." Nanlaki ako ng tiningnan niya ako ng may kahulugan. Did I ever mention that this friend of mine is a pervert. Well nasabi ko na so.
Umayos niya pagkakahawak niya sa baywang ko. Tingin ko nga sakop na ng braso nito ang baywang niya. Bale nakayakap siya sakin samantalang nakapatong ang kamay ko sa balikat niya. Hindi naman na ako nailang dahil kaibigan ko naman siya.
Nagtip toe ako para asarin siya. Nagtiptoe rin ito pero hindi nahigitan ang tangkad ko kaya naman natawa ako ng malakas.
Kumabog ang dibdib ko ng mahagip ng mata ko si Clarence. He's dancing with his partner. Helga. Tahimik akong nagdasal na sana nakita niya ako. Naconcious tuloy ako kung anong iisipin nito kapag nakita ako.
Nang matapos ang kanta ay nagpapicture lang kami at saka ito umalis. Nilibot ko ang tingin ko at hinanap ang mga kasama ko kanina. Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko. It was Clarence.
"C-clarence." Mahinang usal ko. Naiilang ako dahil sobrang lapit namin sa isa't isa na halos magkayakap na kami. Kung kanina ay may enough space pa sa una at pangalawang sayaw ko ngayon ay wala na. Hindi na ako gumawa ng move para magkalayo kami. Hindi ko alam pero pakiramdam ko safe ako habang yakap niya ako. Naisip ko ang gusto kong sabihin kay Clarence. Sasabihin ko ba? Wala namang mawawala.
"Kung bibigyan ako ng pagkakataon kung kanino ako ma-i-in-love. I mean kung bibigyan ako ng pagkakataon pumili kung kanino ako mahuhulog. Pipiliin kong sayo na lang." Nakahinga ako ng maluwag ng masabi ko na ang gusto kong sabihin. Dati ko pa ito gustong sabihin pero ngayon ko lang nasabi.
Si Clarence, isa daw sa dahilan kung bakit siya naging bakla ay dahil sa ex nito.
"Hmm. Bakit naman?" Untag nito sa paglalim ng isip ko.
"Wala. Feeling ko kasi hindi mo ako sasaktan. Baka kapag sayo ako mahulog hindi na ako masaktan." I let my heart speak. Kahit ngayon lang.
"Maganda ka naman, matalino at mabait." Naguluhuhan ako. Hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin. Pero mas hindi ko maintindihan ay kung bakit ako naiiyak. Inilayo ko ang sarili ko para punasan ang luha sa mata ko.
"O bakit ka umiiyak?" Natatawang sabi nito. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap uli ako. Yumakap naman ako dito.
"Ikaw kasi e, pinapaiyak mo ako." Naiiyak pa ring sumbat ko rito. Tumingala ako sa taas para pabalikin ang luha ko.
Napaka-manly niya ngayon. Hindi na ito medyo malambot. Kapag inaasar ako nito ay pilit kong pinapakita na naiinis ako. Dahil kapag ginagawa niya yon ay nahuhulog ako. Sa mga oras din na yon ay nakakalimutan kong bakla ito.
Sa buong prom ay si Clarence ang pinaka-matagal na sayaw ko. Sa oras na yon ang pinaka-memorable ng prom night ko. At mas lalo akong nahulog sa kanya. Tinanggap ko na rin na gusto ko siya kahit bakla pa siya. Kenekeleg eke!!!
Nag-e-expect ako na isasayaw ako ni Joshua. Pero dahil kay Clarence. Hindi ko na hinangad na isayaw pa niya ako. I hate him. He promised me a dance. Tulad ng sinabi nito noon na hindi niya iiwan. Pero hindi na naman ito tumupad. Iniwan niya ako ng hindi sinasabi ang dahilan tulad nong una. At ngayon ganun pa rin. Umiwas ito sa hindi malaman na dahilan. Kahit sa pangalawang chance na binigay ko sa kanya ay nagawa pa rin nitong sirain.
BINABASA MO ANG
April Romace
Short Story"Hindi naman ako humingi ng atensyon. Okay na sakin kung anong meron tayo. Ang kailangan ko lang naman ay yung taong magi-stay sakin."- Levi