Levi: Wala! Teka nga, matanong kita. Ano ka ba talaga? Are you a gay or a guy?Clarence: .....
Levi: uyy! Sagot!
Clarence: I'll take the guy.
Levi: Nakita mo na ba kaibigan ko. Pogi yun. Wait lang send ko pic.
Clarence: patingin nga para kapag nakasalubong ko siya. Magpapasama ako sa bahay niyo.
Levi: sus! Baka landiin mo pa yun.
Clarence: sayo lang kalandian ko.
Levi: *you sent a photo*. Oh kaibigan ko, binibenta ko ng wampipti
Clarence: no thanks
Levi: HAHAHA choosy
Clarence: ikaw na lang
Levi: HAHA bwisit
Clarence: you mean kinikilig
Levi: tse!
Clarence: ang gwapo ko para sayo lang.
Levi: I'll take it. Kapag nakita kita iuuwi na kita. Jk!
Clarence: Sige lang, kung gusto mo nga sunduin mo na ako ngayon e.
Levi: Naks talaga ba? Hahaha! Diba dapat ikaw yung susundo kasi ikaw yung lalaki?
Clarence: Syempre ikaw sumundo. Gusto mo naman e.
Levi: bat ganon mukha kang amerikano
Clarence: wala e, ganda kasi ng lahi ko e.
Levi: Alam mo ba kung bakit hanggang second chance lang ang binibigay?
Clarence: Kasi kapag binigyan mo uli ng ilang pagkakataon. Ulit ulitin lang nya ang maling ginawa niya. Paulit-ulit ka lang masasaktan.
Levi: Masama na ba ako kung hindi na ako naniniwala sa kanya?
Clarence: Masama ba kung protektahan mo lang ang sarili mo from pain
Levi: E pano kung nang dahil sa kanya nahihirapan akong magtiwala
Clarence: Maganda ngang hindi ka madaling magtiwala kasi hindi ka maloloko basta basta. Ako nga hindi ako mabilis magtiwala e.
Levi: Ang sad naman edi di mo ko pinagkakatiwalaan :'(
Clarence: kinikilala pa kasi kita. Kapag nakilala na kita magtitiwala rin ako.
Levi: Ganun ba? :-(
Clarence: pero I like you.
Levi: What do you mean by like?
Clarence: As my...
Levi: Friend:'(
Clarence: as my gem
Levi: gem?
Clarence: yes
Levi: wag ka namang ganyan.
Clarence: a fragile one
Levi: ganun ba ako karupok?
Clarence: No! Yung taong pinahahalagahan. Yung taong iniingatan para hindi mabasag. Gets?
Levi: Mahalaga?
Clarence: yes! Goodnight my gem.
Levi: Sana nga hindi ka nagloloko.
Napakagat ng labi si Levi. Hindi niya inaasahan ang rebelasyon ng gabing iyon. Kaya ang siste ay magdamag siyang gising. Kinabukasan ay tinanghali na siya ng gising. Agad niyang chineck kung may nag message sa kanya. Lumukso ang puso niya ng mag-pop ang message galing kay Clarence.
Clarence: hindi ako manloloko sa mga ganitong bagay.
Levi: so ano ba talaga ako sayo?
Clarence: Mahalaga ka sakin.
Levi: o heart ko sayo na. Ingatan mo ah sinira na yan ng iba.
Clarence: Edi buoin natin.
Levi: yiee ang harot mo talaga!
Clarence: Sayo lang ang kaharutan ko.
Levi: HAHAHA! gawa mo?
Clarence: nagchachat. May kapalit na ako sa section two.
Levi: sa two ka talaga?
Clarence: opo nandon nga kaibigan ko e.
Levi: nagsisisi na talaga ako kung bakit ako tamad. Edi sana nasa higher section din ako.
Clarence: kaya mo yan. Treat kita kapag mataas grade mo.
Levi: di nga?!
Clarence: oo nga. Kaya galingan mo.
Levi: Aye aye captain!
Clarence: aasahan ko yan.
...
"So, ano nang status niyo ni Clarence?" Tanong ni Trish habang naglalakad kami papunta sa school. Parehas kaming napatingin ni Helga kay Trisha.
"Well..." nakangiti kong sabi. Gamit ang hintuturo ay pinindot-pindot ko ang pisngi ko. Kekekeleg kese e!
"Ay naks ang harot!" Magkapanayam na sabi nilang dalawa.
"Eh kase e!" Natawa na lang kaming tatlo.
"So ano nga?--- putsa sumagot ka wag kang magpa-cute diyan!" Natawa ako ng naubasan na ng pasensya si Helga.
"Wala naman." Nakangiti pa ring sabi ko.
"Anong wala?!" Kunot ang noong tanong ni Trisha.
"I mean landian lang ganun."
"Hay! Ewan ko sa inyo. Basta kung ano yung desisyon mo support ka namin." Napangiti ako sa kanilang dalawa. We don't call each other bestfriends but we support each other. As long as we know each other we will be there for each other. Not the other person I know. The person I called bestfriend but look at us we don't even speak to each other.
Nasa harap na kami ng school ng mapatigil ako sa paglalakad. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Clarence na nakatayo sa harap ng computer shop na nasa tapat ng school.
"Oy tara na Levi!" Agad kong hinila si Helga at Trisha.
"Itago mo ako Helga!" Mabilis naman nitong hinarang ang katawan sakin.
"Bakit ka ba nagtatago?" Tanong nito.
"Sabi ko kasi hindi ako magpapakita kay Clarence e." Sabi ko rito. Nagsimula na kaming maglakad habang nakaharang pa rin ito sa harap ko para hindi ako makita ni Clarence. Tiningnan ko kung san ko nakita si Clarence pero napahinto ako ng makitang wala na siya don. Where is he?
Nabitawan ko ang laylayan ng damit ni Helga ng may yumakap sakin mula sa likod. Naamoy ko agad ng samyo nito kahit na nasa likod ko lang ito. Nilingon ko ito at naestatwa ng makita kung sino ito.
"Looking for someone?" A playful voice asked.
"C-clarence." I can't help but to stutter.
"Tago ka pa ah." Natatawa itong humiwalay sakin. Napa-aray na lang ako ng pingutin nito ang ilong ko.
"Nako! Ganyan ka pala kalandi kay Levi ha!" Manghang sabi ni Helga. Napasimangot na lang ako ng tumawa si Clarence.
"Tara na nga Helga, Trisha!" Hinila ko na silang dalawa at tuluyan ng pumasok sa loob ng eskwelahan. Pumila na kami para sa magpa-enlist. Nasa harapan ko sila trisha at ako naman sa likod nila.
"Huy, galit ka ba?" Clarence nudge me at the back. Hindi ko siya pinansin. I fished my phone in my pocket. And read the notes I made.
"Magkahiwalay ang pila ng lalaki kuya." Rinig kong sabi ng nasa likod ni Clarence. Natawa ako.
"Feelingera kasi yan, miss. Akala niya may p*p*e na siya." natawa naman yung babae. Umayos ako ng pila ng makita ang seryosong mukha ni Clarence.
I scanned my notes. Humarap ako kay Clarence.
"What?" Naramdaman kong nanigas siya ng yakapin ko ito. Nakangiti akong umayos ng pila. Shet!!!
BINABASA MO ANG
April Romace
Short Story"Hindi naman ako humingi ng atensyon. Okay na sakin kung anong meron tayo. Ang kailangan ko lang naman ay yung taong magi-stay sakin."- Levi