Chapter 3

55 5 3
                                    


Jayme's POV

After ako ilibot ni Dan, nag aya na syang pumasok dahil tumunog na ang first bell indicating that we only have 5 minutes left para makapunta sa mga rooms namin.

Nang marating namin ang room, saktong kasabay lang namin ang instructor sa pinto. Pinakilala ako ni Dan bilang bagong estudyante.

"Oh. The director told me about you" sabi nya at pinauna nya nang pinapasok si Dan. "I'm prof. Agatha Lopez and I will be your adviser and he also told me about who you really are. Tell me if you encounter any problems."

"Thank you Ms. Lopez but I think I'll be fine." I told her with smile

"Still, if there's something you need don't hesitate to tell me and please, call me prof. Agatha or Ms. Agatha." she insisted at medyo hinawakan pa ang braso ko. Okay that's weird. Is that normal here? Medyo napaatras ako kaya ngumiti nalang sya at niyaya na ako pumasok sa loob ng room.

"Okay class, we have a new student who will join us starting today." Sabi nya at pinapunta nya ako sa tabi nya. "This is Jayme. Be nice to her, everyone." At humarap sya sakin. "You may take your seat."

Naglakad na ako palayo at nakita ko si Dan na kumakaway at tinuturo ang upuan katabi nya. Napangiti ako dahil tabi ng bintana ang pwestong tinuturo nya. Naupo na ako at tumingin na sa harap pero nakita ko yung mga babaeng pinakilala ni Dan kanina

"Hi again Jayme. Can't believe you'll be our classmate." Sabi nya na parang tuwang tuwa sya. I think Kira is her name. Nakatingin din si Danny at nakangiti sakin

Nag hello nalang ako at nginitian sila. Lumipas ang oras at oras na para sa P.E namin. "Let's go baby Jayme, palit na tayo for our P.E class." Isinukbit nya ang kamay nya sa braso ko at sinimulan na akong hilahin ni Kira

"Hoy Kira. Umayos ka nga. Nahihirapan si Jayme oh" sabi ni Danny at hinampas nya pa si Kira.

"Aray ko naman" reklamo ni Kira at binitawan ako para haplusin ang hinampas ni Danny.

"Tumigil nga kayong dalawa" saway ni Dan sakanila. "Punta na ako sa boy's changing room." Sabi nya. "See you sa gym Jayme. Wag mo na pansinin yang mga lokaret na yan" dugtong nya at kinindatan ako bago umalis.

"Tara Jayme? Dito tayo" aya ni Danny sakin

Pagkapasok namin sa changing room, medyo nahiya ako dahil sabay sabay silang nagbibihis kahit may mga cubicle naman. Napatingin ako kila Danny at Kira dahil naghubad na sila. Naramdaman kong medyo uminit ang mukha ko kaya pumunta na ako sa assigned locker ko para kunin yung p.e uniform ko

Agad ako pumasok ng cubicle para dun magpalit dahil hindi naman ako sanay magbihis na maraming taong nakakakita sakin. Paglabas ko, nakita ko sila Danny na hinihintay ako at nahiya ako dahil kami nalang pala ang tao dito.

"Awe. Bakit hindi yung shorts ang suot mo?" Tanong ni Kira na parang dismayado? I don't know kung anong mali pero mas kumportable kasi ako sa jogging pants. May shorts kasi at pants sa p.e uniform.

"Tumigil ka nga. Umiiral ka na naman" sabi ni Danny at binatukan si Kira. "Tara na at baka tayo nalang ang wala dun." At hinawakan ni Danny ang kamay ko at hinila na palabas

"Dumadamoves ka lang eh." Bulong ni Kira kay Danny pero narinig ko naman. Hindi ko sila maintindihan. Sinamaan naman ng tingin ni Danny si Kira na tumatawa

Hinayaan ko lang si Danny sa paghila sakin papuntang gym. Napatingin samin ang mga tao nang makapasok kami. Sumama kami sa mga ka-block namin.

Sa totoo lang, simula kaninang umaga ko pa napapansin na maraming tumitingin sa akin. May dumi kaya sa mukha ko?

"MGA BESH! MAY NAKALAP AKONG BALITA. SI PAPA CARL ANG ASSISTANT NGAYON NI SIR SUAREZ!" sigaw ni Dan pagkarating nya sa amin.

Sir Suarez siguro instructor namin sa p.e. Nandito ang papa nila Danny?

"Papa? You mean father?" Bigla kong tanong sa kanila

Tiningnan nila ako na parang may sinabi akong kakaiba

"Jayme girl..," sabi ni Dan na parang hindi makapaniwala. Okay? May mali ba?

Narinig kong tumatawa naman sila Kira at Danny. Si Dan naman, tinitingnan lang ako nang biglang may dumating

"Everyone. Listen!" Sigaw nung dumating. Sya siguro si sir Suarez. "Today, we will play volleyball, these are the teams. Come here para makita nyo kung sino ang ka-team nyo" sabi nya at pinakita yung listahan

Nagpuntahan na kami dun para makita namin ang groupings pero may nakita akong pamilyar na lalaking kumakaway sakin. Si Carlito! Lumapit sya sakin at inakbayan ako

"Jayme! How's your day so far?" Tanong nya. "Sorry hindi kita nasamahan sa room mo kanina ah"

"Okay lang, tinulungan naman ako ni Dan at nilibot nya rin ako" tugon ko at ngumiti

"Dan?" Tanong nya

Tumingin naman ako sa pwesto nila Dan at nakita ko silang mga kaklase ko na nakatingin samin

"Mr. Alvarez, you are here to assist not to talk." Sabi ni sir Suarez

"Mamaya nalang Jayme, sabay tayo mag-lunch. Goodluck sa game." Paalam nya at pumunta na sa tabi ni sir

"Girl! Ano yun? Close kayo ni papa Carl??" Biglang lapit ni Dan

Sasagutin ko sana si Dan pero pinapwesto na kami. Kasama ko sa team si Kira at sa kabila naman si Danny. Mamaya maglalaro ang boys after ng girls

Bakit papa ang tawag ni Dan kay Carl? May anak na ba si Carl?

Pasimula na ang laro nang biglang sumigaw si Carl

"Sir! Wait lang po."

Lumapit sya sakin at nilahad ang kamay na parang may hinihingi. "Yung salamin mo tanggalin mo muna" ngiti nya sakin. Binigay ko naman

May mga narinig akong napasinghap nung inangat ko ang ulo ko. Napatingin ako kay Danny at nabitawan nya ang bola

"Tie your hair baby" sabi ni Kira sabay abot nya ng hair tie sa akin.

"Thank you"

Kinindatan nya ako at tumingin kay Danny at nakita kong nginitian nya ito ng nakakaloko. Ano ba meron?

===============≠=================

If my errors man, sorry. Inaantok na kasi ako habang sinusulat ito.

May nagbabasa ba nito?

-gen

A Beautiful Nerd (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon