Desire in Human Blood 3 : The Inception.
Year 1870 ..In their world. There is a new born.
"Very unexpected! for hundred years. Ngayon lang ulit ako naka-encounter ng 3 klaseng hybrid" saad ng medyo blondy na mabrown ang buhok,maputi,may katangkaran mga nasa edad 40 na babae.
"Pang ilan na ba siya sa may 3-hybrid?" tanong naman ng maputing lalaking may matipunong pangangatawan,may magandang mukha at kasing-edad ng babaeng kausap.
Naroroon sila sa isang malaking kwarto na tanging ang makikita mo lamang na kulay nito ay itim at puti. Maging ang kurtina nito na nakataklob sa binta dahilan upang hindi kapasok ang sikat ng araw ay itim rin. Malaki ang kwartong ito at elegante at classic.
Mayroon itong kulay itim na chandelier at mga nakapaskil pang maliliit na ilaw na nakapalibot doon. May black table at dalawang white chair sa gilid noon. Sa ulunan naman ng masterbed ay may dalawang lampshade sa gilid, maging sa paanan ay makikita kang black and white stripe table. Sa higaan naman ay may maraming unan (Nasa Media photo po) at sa gitna ng higaang iyon ay....
"Uwaahhh, uwaahh, uwaaaahhh...." iyak iyon ng isang sanggol, ito ang nasa gitna ng higaan, at pinapanood siya ng babae at lalakeng nag-uusap.
"Uh?.. pangatlo?.." nakakunot pang sagot-tanong ng babae. Nag-isip-isip ito sandali at..
"tama, pangatlo na nga siya." kampante't siguradong sagot na nito.
Tumango naman ang lalaki. "Kung ganon ay mabuti ito. Kapag naging lima na ang may 3-hybrid ay matutupad na natin ang kagustuhang mapatunayan sa mga lowly dogs na iyon ang ating kahusayan sa lahat ng bagay. Wala silang laban sa atin. Walang iba! Tayo lamang ang may karapatang makuha at masakop ang mundong ito. At ang mga lapastangang taong walang konsensya ay gagawin nating alipin, pagkain,inumin at pagpapapaslangin. At ang mga mayayabang na walang binatbat na mabababang uri ng aso iyon ay ating gagawing bantay at pahihiyain. Magiging masaya tayo roon! Napakasarap siguro kapag nakamtan na natin iyon." Pagpapahayag nito at tumawa pa ng may halo halong emosyon na makikita sa kulay abo nitong mata.Galit,lungkot,saya,dismaya,hustisya, at iba pa na di mawari ang katotohanan sa likod ng itsurang ipinapakita.
"Napaka-brutal mo talaga kahit kailan, Keelan Shearwood" Iling pa ng babae. Bumuntong hininga na lamang ang lalake sabay taas ng kaliwang bahagi ng kanyang labi.
"Masaya lamang ako,Rackel." Tugon nito.
"Masaya? saan? Totoo ba iyan? .. o baka naman iba ang iyong nararamdaman? Kilala kita. Asawa mo ako at daang taon narin tayong nagsasama." ani ng babae. Tumingin sa ibang direksyon ang lalake. Hindi mo mabasa sa kanyang mukha kung ano ang kanyang nararamdaman, paano'y walang ka-emo-emosyon ang mukha nito,maliban sa kulay abong mata.
"Paslangin mo na ang half human-werewolf na ina nito at parusahan mo ang bampirang ama nito. Kahit na nakatulong sila upang madagragan ang 3-hybrid ay gumawa parin sila ng kalapastanganan." pag-iiba nito. Tumango na lamang ang babae sa kaalamang hindi naman siya sasagutin ng asawa.
BINABASA MO ANG
Vampire's Sweet Secrets
VampireFull of Secret. Desire. Love. History and needs. Victoria Collin is a bright, pretty, intelligent, polite and a strong college girl. Her dad died in an unknown mysterious reasons. She's living alone home. She have two loyal friends, Aliona Revari a...