Desire in Human Blood 4 : Eternal Castle University.
**
NANG makaalis ang dalawang kaibigan ay nagpatuloy si Tania sa pagkain, may humawak sa kanyang balikat na may malaking palad at napalingon siya, laking gulat niya ng makita ang taong iyon..
"How are you? ... Victoria .." sabay ngiti ng lalaki..
**
"Hunter ?" Kunot na noo ni Tania ang bumungad sa lalaki "Ikaw ba yan ?" hindi siya makapaniwala sa nakikita niya sa kanyang harapan, paano'y ang kausap niya ngayon ay matagal na niyang hindi nakikita... Lima ? pito ? ... O, sampung taon? ... sa sobrang tagal na ay hindi niya mawari kung kailan. 19 years old na sya ngayon at ang natatandaan nya lamang ay napakabata pa nila ng huli silang nagkita, ang ipignagtataka nya lang sa kanyang sarili ay kung bakit ito bigla na lamang naglaho na parang bula. Buti na nga lamang ay kahit napakalaki na ng pinagbago nito ay tanda pa rin niya ang taong kaharap. His both shoulder shrugged.
"Well ... yeah" at muli siya nitong binigyan ng maaliwalas na ngiti. Sa sobrang tuwa at pagkabigla ni Tania ay hindi na niya napigilan ang sariling tumayo sa kinauupuan upang yakapin ng napakahigpit ang matipuno at napaka-gwapong lalaki. Hindi naman sya nito binigo at ginantihan pa sya ng yakap.
"Mukhang miss na miss mo'ko, ah" pabirong sabi pa nito matapos humiwalay sa pagkakayakap. Hindi nawawala ang ngiti nito at ganun na rin ang sa kanya.
"Oo naman. Ano kaba? syempre, sa tagal ba naman nating hindi nagkikita, nawala ka na lang basta, sino ba naman ako para mawalan ng karapatang ma-miss ang tulad mo, ha, Hunter?" aniya.
"Edi childhood best friend mo!" hirit niya sa sinabi ni Tania.
"Eh, yun naman pala eh!" at sabay naman nu'n ang pagtawa nila. At dahil sa busy silang nag ke-kwentuhan ay hindi nila napansing nakatingin ang mga kababaihan na nanunuod sa kanila, or... mas maganda sigurong sabihin na.... titig kay Hunter. Paano ba naman kasing hindi,e, sa kakisigan,katangkaran,ma-appeal at napakagwapo nitong mukha everyone will turn their head just to stare with this gorgeous man. Ngunit ng mapansin nila iyon ay binaliwala na lamang nila at nagpatuloy sa kwentuhan saka umupo.
DUMATING si Aliona ng nag-iisa. Napatingin naman si Victoria sa dako ng kaibigan.
"O, asan si Rin?" Tanong niya nang makalapit ito sa table nila. Sa halip na sumagot ay nagkibit balikat lang ito. At bago pa muling masabi ang nais ay nagtanong agad si Yona.
"Who are you?" kunot na noo'ng tanong ni Yona sa lalaking katabi ngayon ni Tania. Ang masasabi lang ngayon ni Tania sa isip niya ay sadyang ang creepy ng kaibigan niya, napaka straight forward kasi nito sa mga bagay-bagay.
"I'm Hunter Lee Pearce, childhood best friend ni Victoria" sagot naman agad ni Hunter sa creepy-ng pagkakatanong ni Yona. Inilahad niya ang kamay sa dalaga. Hindi naman ito tinanggihan ni Yona at iniabot nya rin ang kamay ng binata bilang pagpapakilala.
"Aliona Revari, at your service Mr. Lee" ngisi ni Yona. "Hindi man lang naikwento sa amin ni Victoria namay childhood best friend pala syang ubod ng gwapo." sabay sulyap kay Tania.
BINABASA MO ANG
Vampire's Sweet Secrets
VampireFull of Secret. Desire. Love. History and needs. Victoria Collin is a bright, pretty, intelligent, polite and a strong college girl. Her dad died in an unknown mysterious reasons. She's living alone home. She have two loyal friends, Aliona Revari a...