Prologue
Naranasan mo na bang umuwi ng gabi? Yung may sumusunod sa iyo pero pag lingon mo wala naman ..
Nangilabot ka na ba? Ika nga "Your fears can give you a wings ".. lahat tayo ay mayroong mga bagay na pinaniniwalaan at kinatatakutan... multo, enkanto,maligno, at kung ano pa man. Nag simula ang lahat nang pauwi ako galing sa aking kamagaral....
Pauwi na ako ng bahay .mag aalas nwebe na ng gabi nang mapadaan ako sa masukal at madilim na parte ng daan pauwi sa amin..
Galing ako noon sa aking kamag-aral na si Danz dahil may tinatapos kaming proyekto...Habang ako ay nag lalakad malapit sa puno ng santol sa masukal na parte ng aming bayan.. mayroon akong naaninag na gumalaw sa bandang kanan ang aking paningin..dumeretso ako ng lakad..isang mabilis na lakad dahil sa masukal ang daan patungo sa amin at 20 metro ang layo ng mga lamp post sa aming bayan kaya ito ay tinatawag ng mga tao na "cross road" dahil sa marami raw na haka haka at sabi sabi na ang lugar na kinatitirikan ng aming bayan ay isa raw na malawak na simenteryo noong 500 taon na ang nakalipas at ilang linggo narin ang nakararaan nang may kumalat na balita na may nag papakita na nag iibang anyo na gumagala sa aking dinadaanan ngayon,paminsaninsan nga ay nag babalat kayo ito na kakilala mo at bigla na lamang mawawala at yung iba naman ay nag babalat kayong hayop. Sa aking paglalakad tila may kung sino ang sumusunod sa aking likuran ..habang pabilis ng pabilis ang aking lakas ay palakas ng palakas ang pag yabag ng mga paa nito na tila papalapit ng papalapit sa akin .. kinutuban ako ng masama noong gabing yaon ..muntikan na akong matalisod ng isang punong kahoy sa sobrang takot at sa sobrang kaba.
Minuto lang ang lumipas nang biglang nawala ang tila sumusunod sa akin at habang ako'y nag mamadali sa pag lalakad ay naglakas ako ng loob na lumingon ngunit ako ay nagulat nang wala akong nakita ni isang bakas o galaw ng damo .. nagsitaasan ang aking mga balahibo at kung ano ano ang pumasok sa alking isipan ... sa sobrang takot ko ay pumipintig ang aking pantog na tila ako ay naiihi at nag lakas ako ng loob na tumigil muna sandali at ako ay nagrelease ng toxic saaking katawan ..habang ako ay nag lalakad may anino akong naaninag gamit ang aking peripheral view isa iyong anino ng tao at nakatitiyak ako doon papaalis palamang ang aking kaba nang nakita ko ang anino ng kung sino ..
Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko .. " waaaaaaaaaaaa!!!!!!" Sigaw ko nang makita ko ang isa kong kamag-aral na si Yonis....
"ano ka ba naman ginulat mo ako..kanina pa ako nanginginig sa takot sa daang ito"
"ang layo pa ng bahay nyo dito ahh" tugon nya sa akin.
Napalingon ako sandali dahin alam ko na may kasama ako sa daan na tinatawid ko .. habang nag lalakad kami ay tinanong ko sya..
"Ikaw ba yung kanina pang sumusunod sa akin?????"... nagulat ako nang bigla syang nawala.
Yonis!!!! Nasaan ka? ?
Nagtaka ako at napatakbo ng mabilis nang maalala ko yung haka haka na aking narinig sa aming bayan.
Kakaunti pa lamang ang natatanaw kong bahay at ang nakaka takot pa ay puro abandunado na ang mga ito .. napadaan din ako sa bahay ng aking kaibigan na si Glyza at nag kwento sa mga nangyari .... ngayon lang sya naka rinig nang ganoong pangyayari at maging sa talambuhay ko ay ngayun ko lang din talaga naranasan ang ganoong pangyayari..
"Best.. sabi nya"
Ohh bakit naman best???" Tanong ko kay Glyza
"Ang tagal na nating di nag kikita.!!".. sabi nya.
"Oo nga no .. mahigit 3 taon na rin ang nakalipas"... tugon ko.
"Ehh bakit sobra namang dilim ng bahay nyo? ?" Dagdag ko.
"May nangyari kase ilang buwan nlang ang nakalilipas .. pumikit ka at ipapa imagine ko sayo ".. sabi nya sa akin
Simula nang mag kakilala kami ni Glyza mahilig talaga syang magpaimagine habang tinatakpan ang mga mata ko . Naging close ko kasi sya isang taon bago sila lumipat dito sa kinatatayuan ko ngayun.
......
"Nagluluto ako kanin ng araw na iyon nang biglang may kalalakihang dumating isa na doon ang matagal ko nang ninanasa na si Aljun . Makisig siya .. gwapo ngunit mabarkada.. kilala mo sya. Diba sya yung lagi kong ikinukwento sayo...
Nung mga sandaling iyon ay pumasok siya kasama ang mga kabarkada niya at hinila nila ako sa talahiban malapit sa puno ng santol at hindi na ako maka palag.....Mga bandang alas nu webe na iyon ng gabi.. pinag samantalahan nila ang aking katawan at salitan nila akong binaboy at ang masakit pa doon ay pagkatapos nilang gawin iyon sa akin ay tinadtad nila ako ng maraming sak sak at saka iniwan na parang hayop sa lugar na iyon. "
Dumilat ako at kinilabutan ako sa aking nakita.. may dugo na naka kalat sa sahig.. nakita ko rin ang duguan nyang nga paa.. ang dugong dumadaloy ay nanggagaling sa kanyang katawan na tadtad ng saksak. Nakita ko ang katawan ni Glyza na kalunos lunos ang kanyang sinapit sa kagagawan ng taong bumaboy sa kaibigan ko.
Wala manlang takot ang nangibabaw sa aking damdamin kundi awa. Dahil sa ginawa nilang iyon. Kalunos-lunos ang sinapit ng kaibigan ko at alam ni Glyza na ako ay matatakutin...... malalaman ko rin kung ano ang puno at pinag ugatan ng lahat ipinapanako ko yan .
Umalis na ako sa lugar na iyon dahil masyado nang madilim at baka alas dyes na ako maka uwi.. inaantay na ako ng aking magulang..... patak bo na akong umuwi.. pero dahil sa mahahaba ang mga damo ay natalisod ako sa troso at sumubsob malapit sa dumi ng kalabaw. ano ba namang kamalasan ang nangyayari sa akin at nangyayari ang lahat ng ito ! Nagmamadali ako baka kase paluin nanaman ako ni tatay sa pwet no .... masakit kaya pag manipis na kawayan yung ihahampas sayo. ang pino kaya ng pantal na aabutin ko . Mas malala pa sa paddle ng fraternity.
Hay ... salamat naka uwi na rin. (sigh) magbibihis mujna ako bago matulog at salamat din na hindi nag pa assign ang mga guro namin ngayung araw .. Aba! himala iyon ahh.
Maka tulog na nga.. baka mapuyat pa ako ehh.
BINABASA MO ANG
sino yung nasa likod mo??
Paranormalitong istorya na ito ay base lamang sa aking imahinasyon at ang mga tauhan ay galing lamang sa isang grupo sa facebook at akin silang hiningian ng permiso na gamitin ang kanilang pangalan sana ay magustohan nyo ang aking maikling storya :) ito pong...