FAILED TRIP

51 0 0
                                    

Exited na ang lahat sa nalalapit naming Field trip ng school namin. Yung iba kong classmate natataranta na sa mga bibilhin nila  para baunin  sa biyahe kahit na ilang weeks pa bago ang nasabing Field trip.  Anyway maka gawa nga ng listahan para makapag budget na rin. 750.00 ang bayad sa field trip ehhh bingyan ako ni mama ng 3,000 edi ang laki pa ng tira. Di bale mauubos din siguro ito sa araw ng Field trip namin. Syempre ang saya siguro sa Enchanted Kingdom ano ?? or yung tinatawag pa nilang EK .Maganda kaya doon ? Basta exited na rin ako kase first time ko na makakarating doon na ang kasama ko pa ay ang mga kaibigan ko at mga classmates.Kinakabahan nga ako ehh kase  iba kong classmates nagtatakutan . Kase daw na ang mga nakaraang field trip ay nagkakaroon ng disgrasya kagaya daw nung sa movie na Maria Leonorra Theresa  , pero sana ngayong darating ang pinaka inaasahan ko magandang araw na inaasahan ko taong ito.

Papalapit na nang papalapit ang araw na pinaka hinihintay ng lahat syempre ako din. Maaga ko nang ihinanda ang mga gamit ko kahit na sa susunod pa na araw ang Field trip.Nagdala ako ng pamalit na damit, isang tray ng fererro .Isang pakete ng kendi na assorted at marami pa para nga tuloy magtatayo ako ng sari sari store ehh. Gabi na ngayon at hindi parin ako makatulog dahil sa susunod na nga araw ay makikita ko na ang masayang araw na darating sa buhay ko. Online nga pala ako sa Facebook ko .Nakikita ko ang mga post ng ilan kong friends na sina Myles,Eliosa at Ellen Mae. Handang handa na talaga ang mga baliw sa Field trip,at ito pa ang daming mga likes ng mga post nila . Si Myles may 500+ ang likes ng post nyang iyon si Eloisa naman 260+ at yung kay Ellen Mae naman 200 + at ako nalang sa aming magkakaibigan ang walang ipinopost. Nagscroll pa ako sandali at nakita ko yung kay Aldrin ang sasarap ng babaunin nya at ang dami nya ring likers 600+ na likes mga famous kase. Makapag picture tim ng mga dadalhin ko . Para mainggit ang mga baliw na iyon. CLICK.... CLICK. Ang pangit ng shatter ng cellphone ko. Ay bakit ganun blurd yung mga pictures anu banaman yan. Lalayo lang ako ng konti at Bingo!!  Ang ganda ng pagkaka kuha ...pero tela ano yung nasa ilalim ng kama ko ...bakit parang may tao. Sandali masilip nga. Dahan dahan akong yumuko sa ilalim ng kama ko para tignan kung ano ang nakita kong kung anong bagay ang nakuhaan ko ng larawan. Dahan dahan kong inangat ang bed sheet na nakaharang sa ilalim ng kama ko. At biglang... Meow!!!!!... Waaaahhhhh bastos kalabaw kabayo !!!!... pusa lang pala.. (sigh) teka.. imposibleng mapadpad ang pusang gala dito sa bahay. Tanging ang jalocy lang ang bintana ko kaya imposible na may makakapasok na pusa dito sa bahay. Ako lang ang tao dito sa bahay at inilock  ko ang pinto at gate ng bahay namin. "Shoo!!! " pagpapataboy ko sa pusa kaya umalis ito sa aking kwarto pero nakalimutan ko na nakalock ang pintuan sa baba kaya di ito makaka labas. Hinabol ko ang pusa pababa ng second floor na galing sa kwarto ko. Nagulat talaga ako nang makita kong bukas ang pinto na nilock ko kanina at hawak ko pa nga ang nagiisang susi ng bahay namin. Napakusot ako sa aking mata habang nakaupo ako sa hagdanan at nakatitig sa pinto at inisip kung paano nabuksan ang pinto. Tuluyan na kong bumaba ng salas at nagpahinga sa stress na dinala ng pusa sa akin kanina.  Naalimpungatan ako sa ingay ng pag katok ng kung sino.

Tok!..Tok!...Tok!.... Blag!! Blag!!!

"Ano ba iyon ??! Sino yan?! Magsalita ka !!" Sigaw ko sa kung sino sa likod ng pinto pero di parin ako tumatayo sa kinahihigaan ko.Hanggang sa lumakas na ang mga pag katok at pagkalabog sa pintuan namin. Nagdesisyon ako na buksan ang pinto dahil sa pagkakaalam ko na maytao nga sa kabila ng pinto dahil sa anino na nakikita ko pero sa ngayon ay may hawak akong utility knife incase na masamang tao ang kumakatok. Dahan dahan kong pinihit ang door knob at naka amba narin ang hawak kong kutsilyo. Lumagitngit ang pinto na parang sa mga horror movies. Pagbukas ko ay wala namang tao sa kabila ng pinto. Lumabas ako para silipin kung may bakas ng taong kumatok at inikot ko rin ang paligid.Madilim na nung paglabas ko ng bahay at tiyempong walang tao ni isa ang naka tambay sa labas at sa kalsada. Ano kaya ang mga nakain ng mga tao sa paligid at ang tahimik sa ganitong oras. Madalas ay maynagchichismisan pa nga kahit madilim na. Haist makapasok na nga ng bahay .....storbo talaga yung kumatok.Kaunti na lang ang siwang ng pinto nung isasara ko na sana ito pero may malakas na katok nanaman ang aking narinig at nadama dahil hawak ko pa ngayon ang door knob. Napabitaw na langamg akong bigla at nawalan narin ako ng lakas ng loob na tignan pa kung sino ang kumatok dahil alam ko na imposible na ang mama at ate ko ang kumakatok dahil palaging hating gabi na kung umuwi ang dalawa.Kinandado ko na ang pinto at umakyat na ulit sa aking kwarto . Napansin ko na nagkalat ang kanina pa lang ay kaaayos ko lang na dadalhin sa field trip . Iniligpit ko na lang ang nagkalat kong mga gamit na parang walang nangyari. Nireview ko nalang ang mga pictures ko kanina na naantala ng pusa. Napansin ko nyung blurd kanina na mga pictures ay nagbago ng position. Kabisado ko pa yung mga position npictures kanina. pero yung mga blurd na pics .....May babae sa ilalim ng kama ko ...mahaba ang kanyang buhok na nakatakip sa malaking parte ng kanyang mukha kaya di masyadong  maaninag ang kanyang mukha. Sa isa namang picture na natatandaan ko na iyon ang huli ko kaninang kuha ay yung lumayo ako ng kaunti na nahagip yung sulok ng kama ko. ko yung pusa na kanina kong hinabol ganun na ganun yung hitsura nya sa picture. Any way imbis na maganda yung caption ko naging horrifying tuloy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

sino yung nasa likod mo??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon