Ano yung malamig na iyon? .. nararamdaman mo ba yun?? Pakiramdam ko ang bigat ng kanang balikat ko .. ano ba iyon? Anong pakiramdan ito? parang may naka hawak sa balikat ko.. Guys!! Naririnig nyo ba ako??! . Ang lamig . Nararamdaman nyo yun? Ang ginaw talaga eh.. pero bakit ganun.. tanghaling tapat at tirik ang araw pero ang lamig ng pakiramdam ko. Maka punta nga ng clinic. Sinamahan naman ako ng dalawa kong kaibigan na baliw. Si Retsel at yung Ex nya na si Aby. Akala mo parang hindi sila mag Ex mag jowa parin ang dalawa kung hindi ko lang talaga sigiro kilala ang dalawang ito iyon din siguro ang tingin ko. Nasa loob kami ngayon ng clinic habang ang sweet ng dalawa. Mahihiya na siguro ang linta sa sobrang clingy nila sa isa't isa. Mukha tuloy akong kontrabida sa storya nila.Hello horror story kaya ito at hindi love story nyo. Tinanong ako ng nurs kung bakit kami nag punta ng clinic. Na badtrip tuloy ako sa nurse kaya nabara ko tuloy sya. (sa isipan)
Nurse: mga iho't iha balit kayo naparito ?
Aldrin: kakain po kami ng recess at bibili lang po ng tubig dito mismo. Edi syempre may isa po sa amin na may nararamdamang kakaiba. Sagot ko sa kanya.(deep inside) gusto ko lang po mag pasukat ng temperature ko. Sagot ko.
Nurse: ay sandali lang kukunin ko lang ang thermometer.sandali ahh nandito lang kasi yun ehh. Habang bunubuklat ang mga drawer.
Dinampot ko yung thermometer sa may tusukan ng ballpen. Sabay sabing "ito po ohh" .Grabe ang burara nitong nurse na ito...Pagkalipas lang ng tatlong minuto ay nakita ko na normal lang naman ang temperatura ko pero bakit ganun giniginaw ako. Napansin ko na wala na ang dalawa kong kasama. Parang kanina lang nag lalandian yung dalawang yun tapos nawala nalang bigla.. ano banaman yung dalawang yun mga walang kwenta.... nagpasalamat na ako sa nurse at tuluyan nang umalis. Hinahanap ko na ngayun ang dalawa kong kaibigan na haliparot. Kung saan saan ko sila hinanap pero wala sila kaya dumeretso na ako sa classroom namin pero giniginaw parin. Habang tinatahak ko ang hagdan ng building namin. Mas naramdaman ko ang malamig na athmosphere sa kinalalagyan ko ngayun. Di ako maka galaw dahil sa sobrang takot at kaba dahil bumibilis ang pintig ng puso ko. Nangangatog na ako pero bakit ngayun ehh nakakita na ako ng multo at mga nilalang na hindi nakikita ng mga mata ng normal na nilalang. Di ko magawang tumakbo dahil di ko macontrol ang aking katawan na parang naparalisa at namanhid. Giniginaw ako.. may naririnig akong boses na parang galing sa lupa.. nakakatakot iyon at parang tinatawag nya ako sa pangalan ko.
"Aldrin... Aldrin.... bumangon ka.... gumising ka na!!!.." nag tataka naman ako kase dilat ang mata ko pero biglang naputol ang pagtawag sa akin at may tumulak sa akin kaya tumilapon ako...
Ay ... panaginip lang .. sa sobramg depress ko ata at naka idlip ako sa clinic. Nakita ko na may tatlong kababaihang istudyante sa mababang taon na naka palibot sa akin kasama sina Retsel at Aby. Nagmadali naman ako na tumayo sa pagkakatilapon sa para pahiya konte at walang bawe !!. Ang sakit tuloy ng pwet ko. "Pero malamig parin "sabi ko sa kanilang dalawa. "Ehh baka erconditioned tong clinic" sabad ni Retsel at tumatawa naman si Aby. Nag smirk lang ako sa kanila at nag-aya na bumalik na sa classroom. Habang naglelecture kami ay may biglang sumarado na bintana. Nagulat kaming lahat kaya napatingin kami kung saan nanggaling ang pagsara. Di na namin pinansin ang nangyari kaya tuloy parin ang pagtururo ng teacher namin na si Ma'am Arcalla na math teacher. Tumango ako sa armdesk ng upuan ko na parang may napansin akong nay nakaupo sa harapan ng classmate ko at nanlilisik ang mga mata. Naka uniform din sya tulad ng uniform na suot namin. Pinagmamasdan ko syang mabuti sa siwang ng magkatabi kong classmate na nasa harapan ko. Parang si Janry iyon...pero paano? Bakit sya magmumulto.pero imposible ehh... aksidente ang lahat... aksidente nga ba ?? di ko rin alam ehh baka naman may naganap na foulplay ?? di kaya? ewan.. wala talaga akong maisip ngayun ehh masakit nanga ang uloko sa kakaisip kung ano ang isasagot ko pati banaman ang mga pagmumulto proproblemahin ko pa....Aldrin !!!! "sigaw ni ma'am Arcalla sa akin.
" naiintindihan mo ba ang nilelecture ko ??" sumunod nya pang sabi.
syempre wala tulala kaya ako ... ito talaga si Ma'am..
Nagtawanan ang mga classmates ko kase kanina pa pala nila ako tinititigan na naka tulala ,kaya pala ako nahuli ni ma'am ehh kasalanan ng mga classmates kong usisero. napahiya ako sa loob loob ko.. totoo naman ehh tulala talaga ako nung time bago ako tawagin ni ma'am . Pinabalik ako ni ma'am sa clinic bakadaw kase maghalucinate ako sa sobrang tamlay pero pogi parin no ... segway payun ni autor :3 . magpapasama pa sana ako kay Retsel pero di na ako pinayagan na magsama pa ng classmate kase may paa naman daw vako para maglakad.Bago ako pumunta ng clinic ay napadaan muna ako sa malinis na banyo pero di iyon katulad ng nasa likod ng school namin ahh kadugtong sya ng canteen namin . pag pasok ko ay nakasara ng pinto nakita ko sa malaking buta ng plastic ng pituan ng banyo na madilim . Dahan dahan kong binuklsan ang pinto kaya lumagitngit ito ng sobra kaya kinilabutan ako ng bahagya. Pagpasok ko ay kinapa ko ang switch ng ilaw at in-on ito kaya bumukas ang ilaw. May anim na cubicle ang banyong ito dakil da kaba ay pumunta ako sa pinaka malapit na cubicle at malapit iyon sa salamin. Bago ko paman ibaba ang ziper ng slocks ko ay biglang nagpatay sindi ang ilaw at bigla naman akong napatingin sa salamin na nasa gilid ko nakakita ako ng anino pero di ko iyon pinansin . Muntikan akong mapaihi sa takot ko . natapos na akong umihi at dahil sa nadala ako ng takoy ko binigyan nya ako ng pakpak palabas ng banyo,ikaw banaman kase paglingon mo ay may mukha na naka tingin sayo at nanlilisik. di na ako nakapunta ng clinic dahil sa pag takbo. Dahil dun dinala ako ng takot ko sa room namin sa 5th floor.
Nakakainis naman ngayung araw, sabihan banaman akong baliw ng mga classmates ko. kaya ayun naglalakad ako papunta ng tricycle maisa. ang aga ko pinauwi... oo pinauwi na ako. Pero buti nalang ang maayos parin ang itsura ko .tinitignan ako ng mga tao na kasabay ko habang nagaantay na huminto ang lahat ng sasakyan . Siguro nagtataka sila na kungbakit ang aga ko umuwi o dikaya naman ay nagwagwapuhan sa akin ... "asuming ka nanaman ..ano ba ?? tumigil ka nab nga kinukunsensya kita.. wag kang assuming baka mapatay na kita. !!!!!!". hay nako umeksena nanaman ang aking pangit na konsensya inget lang kase. any way muntikan pa akong masagawaan sa pagtawid nahuli kase akong tumawid dahil natulala nanaman ako ewan ko na ano bang meron ngayung araw #tulalamode #tulalaminute.??? buti nalang pinauwi lang ako at hindi dinala sa guidance duh! sa pogi kong ito mababaliw. oo isa lang naman ang kinababaliwan ko.. di ko na babanggitin ang name nya baka magkaroon pa sya ng exposure dito imbes na humorouse horror ito baka maging lovestory pa ay mapalitan ng title na SINO YUNG NASA LIKOD MO ?? SI CRUSH !!...
#ENJOY
BINABASA MO ANG
sino yung nasa likod mo??
Paranormalitong istorya na ito ay base lamang sa aking imahinasyon at ang mga tauhan ay galing lamang sa isang grupo sa facebook at akin silang hiningian ng permiso na gamitin ang kanilang pangalan sana ay magustohan nyo ang aking maikling storya :) ito pong...