Nandito kami ngayon sa school namin. Paikot ikot kami sa corridors . Sabado kasi ngayon at tambay kami sa school at gumagawa ng props yung mga kasali sa play. Ang sarap pakinggan yung boses ng mga cast. Bakit ba kase di ako sumale. Maganda naman ang boses ko. Parang gitara kaya yung boses ko. Kaya ko ang high notes at madalas ay sintonado wahahahaha. Anyway ang iingay nila kakakanta ng memory. Kami lang ang mga tao bukod sa guwardya sa may gate. Bumaba ako at ang ka loveteam ni Retsel na si Aby. nakita namin yung isa kong classmate na si Meralyn at yung isa nyang kaibigan na dati naming classmate. May hawak silang cellphone at dahan dahang lumilibot sa may school. "
Hoy anong ginagawa nyo dito sa third floor?" tanong ko.
"Nag go-ghost hunting ? sunod ko pang tanong."
"Oo sinusubukan namin kaso wala ehh " si Cherry Mae naman yun.
"Sa second floor ng Vpe 1 marami daw doon. Naikwento lang sa amin ng teacher namin sa Physics." sabi ko sa kanilang dalawa.
"Sige uumpisahan muna namin sa first floor hanggang sa fifth floor " Si ate Meralyn naman yun.
"Pero ingat kayo ha... baka sapian kayo " try nyo din sa third building ng school mas nakakakilabot doon. Madilim at malamig." panakot na sabi ko sa kanila .
"Gusto ko nga doon ehh kaso ayaw ni ate Meralyn,masyado daw madlim at baka masaraduhan pa kame ng gate." sabi ni Cherry Mae.
"Sige una na kame . Mag-ingat kayo ha " paalala kong sabi sa kanilang dalawa at nagpatuloy na kami ni Aby a bumaba para bumili ng PVC pipe ang kaso huli na nang maalala ko na Sabado nga pala ngayon at sarado ang mga Hardware. Kaya nagdesisyon kami na bumalik ng school. Nasa fifth floor na kami ng Vpe1 ngayon . Nakasakubong namin ang dalawang baliw na kanina pa kumukuha ng video. Napansin ko na kanina pa sila nag tatawanan. Baliw nga pala sila.. nakalimutan ko.
"Hoy anong ginagawa nyo dito ? ang akala ko ba pupunta pa kato sa 2nd building ng school?" pasigaw na tanong ko sa kanilang dalawa.
"ahh ehh natatakot daw si ate Mera ehh" sagot sa rakin ni Cherry Mae.
"tanghaling tapat natatakot kayo ? nasa kabila nga ako kanina ehh di ba nga kausap ko kayo nung pag dating ko ? diba ?" sunod sunod kong sabi sa kanila.
"wala nga kaming nakuhaan ehh .Wala kaming nahuling pagala galang multo o kung ano pa man." Si Meralyn naman yan.
"Bat' di nyo subukan mamayang alasingko ng hapon pag bago tayo umuwi ?... siguro naman madilim na yung mga ganung oras at sinabi sa amin ng guard kanina na hanggang five lang daw tayo ng hapon at kung hinde guidance ang abot natin sa kanya." sabi ko sa kanila at di' ko alam na narinig pala kami ng iba pang cast ng play at narinig ko na nagsalita ang isa.
"bakit ba.! sya kaya ang pasalihin natin sa division nang malaman nya ang hinahanap nyang hirap at pagod."
"di ba sya aware na ginagawa nain ito paara sa pangalan ng school!."
Ilang sandali langang at may narinig kaming sigawan ng mga studyante at parang ang mga boses na iyon.. pamilyar. Parang narinig ko na sila sa panaginip ko . Oo tama parang sila nga iyon. Boses ng kalupaan. Tinig ng mga dimonyo sa lupa. sabi ko sa aking sarili sa nga sandaling iyon.
Dahil sa malalakas na sigaw at tinig na aming narinig ay tumungo kami sa lugar kung saan nanggagaling ang ingay . Nagulat kami na hindi lang pala kami ang tao sa school naririto rin pala ang mga thirdyear na mga papeymus. Sa kanila pala galing ang ingay . Nakita namin ang nga mukha ng mga studyante at ng ilang mga guro at balisa at tila natatakot . Ikinagulat namin ang mga nasaksihan namin . Parang nag hahalucinate ang isang studyante at iba ang tinig na lumalabas sa bibig nito. parang Latin ang lengwahe na gamit. Tumawag kami ng albularyo na isa sa mga magaling sa pag papalayas ng mga masasamang spirito. Ehh kaya naman pala magaling sa pag papalayas ng spirito kasi nga ang pangit nya. Aba ehh kahit ata dimonyo ay matatakot sa pagmumukha nya ehh. Biglang may tumapik sa aking balikat at biglang nag salita.
BINABASA MO ANG
sino yung nasa likod mo??
Paranormalitong istorya na ito ay base lamang sa aking imahinasyon at ang mga tauhan ay galing lamang sa isang grupo sa facebook at akin silang hiningian ng permiso na gamitin ang kanilang pangalan sana ay magustohan nyo ang aking maikling storya :) ito pong...